🖤 25

47 1 0
                                    

Chapter 25.

Huminga ako nang malalim habang nakaharap sa laptop ko. Nandoon sa baba si kuya Temper at kuya Art, nag uusap sila kaya umakyat nalang ako. Anong gagawin ko doon, si kuya ang pinuntahan niya hindi ako.

Sa sobang sama ng loob ko natapos ko agad ang lahat ng assignment ko. Mabilis akong gumawa kapag masama ang loob. I rested my head on the desk while letting out a deep breath.

Ano ba 'yon sinabi ko kanina kay kuya Art. Para naman akong na broken. Anong itsura ko kanina noong sinabi ko iyon? Ngayon tuloy mas lalong hindi ko na alam kung paano siya haharapin.

Hindi pa ba sila tapos mag usap? Nagugutom na ako.

Umayos ako ng upo at nagbukas ng fa**book. Pumunta ako sa profile ni kuya Art. Nakita ko yung babae kanina na tinag siya. Siya ba yon? I clicked her profile. Hindi naman siya maganda. Ang kapal naman ng mukha niyang halikan si kuya Art.

Bakit ba sumama ang loob ko sa ganitong itsura lang?

Namimiss ko tuloy noong sixteen lang siya, wala siyang interest sa mga babae. Ang gusto niya lang mag billiards at mang away.

Teka! Bakit ako nagseselos, eh simula noong nakilala ko si kuya Art nagseselos na ako sa kanila ni kuya Temper. Kung lalaki siguro ako baka mas maging close kami.

Napatingin ako sa pinto nang marinig ko iyon bumukas. Kainis! sinabi ko naman sa kaniya kumatok muna bago pumasok. Paano pala kung nakahubad ako edi nakita niya!

Sinabi ko na hindi na ako Thirteen years or ten years old na pwede niya akong makita kahit walang damit. Dalaga na ako ngayon!

"Kuya! Ang sabi ko kumatok ka muna kung-----" Napahinto ako nang hindi si kuya Temper ang nakita ko.

"Hi, Tams?" Kumaway si kuya Art sa'kin.

Napatingin ako sa pinto nang marinig kong na lock iyon.

Nanlaki ang mata ko, Bakit niya nilock? Tumayo ako agad at lumapit sa kaniya. Nakita ko ang pasa niya sa bandang labi.

Wala iyon kanina? Saan niya iyon nakuha. Wala sariling napahawak ako bibig niya at tumingin sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko nakahawak sa bibig niya, nilagay niya iyon sa pisngi niya habang nakapikit.

Anong nangyayari?

"Kuya Art..."

"Tammy, I'm sorry."

"Bakit ka----"

Tumingin siya sa'kin.

"May nagawa ako hindi ba? Hindi ako sasapakin ni Temper kung wala akong nagawang mali."

Nagsusumamo ang mga mata niya habang sinasabi niya iyon. Sinapak siya ni kuya? Kaya siya may pasa bibig niya?

"Huh? W-wala ka naman ginawang mali kuya." Nautal ako dahil sa kamay ko na hawak niya.

"Alam ko meron."

"Wala!"

Ano ito? Bakit mo ito ginagawa? Gusto mo ba ako kuya Art? Gulong gulo na ako kung hindi niya ako gusto sana hindi niya ito ginagawa.

"Anong ginagawa mo? naka abala yata ako." Sabi ni kuya Art, tumingin sa study table ko.

"Hindi! Tapos na rin naman ako, kaya hindi mo ako naabala."

Alam kong pulang pula ang pisngi ko ngayon napansin yata iyon ni kuya Art kaya binitawan niya ang kamay ko. Umupo siya sa kama ko, habang ako nakatayo sa harap niya.

Napatingin ako sa pinto na nakalock. Bakit niya ni lock? Lalapit sana ako sa pinto para buksan iyon nang bigla niyang Hinawakan ang kamay ko para pigilan amo.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now