🖤48

35 1 2
                                    

CHAPTER 48.

"Cancel daw tayo ngayon. Bukas nalang daw tayo." Sabi ni Marga sa kabilang linya.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Ayoko rin naman umalis ngayon gabi dahil tinatamad ako at gusto ko samahan si kuya Art mag aral. Ang hirap naman long distance relationship.

"Mabuti naman, ayoko rin naman pumunta no." Sagot ko.

Inayos ko ang laptop ko at tinignan kung online na ba si kuya Art. Madalas ganito lang kami, nag video call lang tuwing gabi habang nag aaral siya.

Hindi siya gumi-gimik dahil ayoko. Napaka childish ko ba sa part na ayoko siyang payagan na sumama sa mga kaibigan niya dahil nagseselos ako?

May tiwala ako sa kaniya. Pero sa mga kaibigan niya? wala! Sa gwapo niyang 'yon maraming babae ang lalapit sa kaniya. Malay ko ba kapag kasama niya mga kaibigan niya bigla siyang nagiging single.

Wala pa naman si kuya Temper para mag report sa'kin.

"Bakit hindi mo kausapin ang mommy mo na sa Manila ka nalang mag aral ng college para hindi kayo long distance ng iyong bebelabs. Magpa transfer kana" Ani Marga.

Tama! Naisip ko rin naman 'yon kaya hindi ko na iki-credit ang naisip niyang iyon.

Ang gusto ni mommy dito lang ako. Pero ayoko! gusto ko sa Manila. Gusto ko mag apartment doon. Kung pwede lang sa apartment ni kuya Temper pero hindi naman ako papayagan dahil kami na ni kuya Art sinagot ko na siya noong birthday ko. At wala rin si kuya Temper wala kaming bantay.

Eighteen na ako pero bawal pa ako sa molmol na 'yan. Sabi ni mommy kiss lang muna. Enjoy ko lang daw huwag akong mag madali sa buhay.

"Naisip ko na 'yan bago mo pa naisip." Inirapan ko siya.  "Ikaw gusto ng mommy mo mag apartment? Sabihin mo tayong dalawa?"

"Si Thirdy kasi ayaw niya sa Manila. Kung ako gusto ko makasama ka doon. Pero ayoko naman maging long distance kami ni Thirdy." Sabi niya sabay subo ng ramen.

"Edi pilitin mo si Thirdy, takutin mo. Baka kapag hindi kayo nagkikita baka mafall ka sa iba, sabihin mo 'yon sa kaniya. Utak ba, Marga." Tinapik ko pa ang sintido ko.

"Sige try mo kay kuya Art." Aniya.

Napairap ako at pinatay na ang tawag dahil online na aking boyfriend. Hindi pa'rin ako makapaniwala na kami na. Nag bunga ang aking "manifesting."

"Akala ko pupunta sa ka club?" Bungad na tanong niya.

Wala siya sa screen narinig ko lang ang boses niya. Siguro Kakatapos niya lang mag shower o kumain in-on niya lang yung camera.

"Hindi kami tuloy, busy daw sila. Baka bukas nalang." Sabi ko.

"That's good, ayoko rin naman pumunta ka. Hintayin mo ako bukas, u-uwi ako dyan." Aniya.

Nakita ko siyang tumawid, may hinahanap yata. Wala siyang damit pang itaas, nakapulupot lang yung tuwalya sa bewang niya. Mariin akong napapikit habang nakatingin sa katawan niya. Ang ganda ng katawan ng boyfriend ko!

"Sorry, hinahanap ko yung charger. Hindi ko alam kung saan ko naipatong." Aniya nang makaupo.

"Baka nasa bag mo?" Tanong ko.

Dismayado ako dahil umupo siya agad. Sana nag paikot ikot muna siya sa kuwarto para nakasilay pa ako sa katawan niya. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng picture habang hindi siya nakatingin.

"Tinignan ko na wala doon. Mamaya ko nalang hanapin." Mahinang tumawa siya at tinignan ako.

Hindi sapat sa'kin ang video call gusto ko siyang makita araw araw. Gusto ko sabay kaming kumain at mag aral. Gusto kong mag aral sa university niya. Ilang taon nalang malapit na siyang gum-raduate kaya hindi rin naman kami magkikita sa university.

My Brother Is Annoying Onde as histórias ganham vida. Descobre agora