🖤 19

39 0 0
                                    

Chapter 19

Pag uwi ko sa bahay nagulat ako nang makita si mommy. Hindi ba siya mag oover time ngayon? sa pinto pa lang ay tumakbo na ako para yakapin siya.

Sobrang busy niya araw araw kaya kahit na iisang bahay blang kami madalang ko lang siyang makita. ganito ba talaga kahirap maging single parent? alam ko pagod na si mommy sa pagtatrabaho para lang makalimutan niya si daddy, at para na rin sa'min ni kuya.

Kaya hindi ko rin masisi si kuya kung bakit siya nag tatrabaho bilang waiter sa isang restaurant. Kahit sabi ni mommy hindi naman kailangan dahil every week naman nagbibigay si Daddy sa'min ni kuya. Kaya lang hindi niya iyon ginagastos.

"Where's Temper, Tammy?" Tanong ni Mommy habang nilalagay ang mga pagkain sa lamesa.

"Hindi ko po alam." Sagot ko habang kumukuha ng kanin.

"Didn't your brother text you? I'm rarely here, and I rarely see him. Doesn't he miss his beautiful mom?" Sabi ni Mommy at umarteng malungkot.

"Mas madalas niya pang kasama si Art, I'm jealous." Dagdag pa ni mommy, naupo na siya sa harap ko.

Pinagluto ako ni mommy ng paborito kong chicken curry at ang mga paborito ni kuya Temper na Laing.

"Oo nga, mommy. Parang kambal na sila dahil lagi silang magkasama." Sulsol ko.

Totoo naman, simula noong mga bata pa sila si kuya Art na ang kasama niya. Hindi mo nga sila mapaghiwalay dahil sa sobra nilang close.

"Hindi siya nag text sa'kin kung anong oras siya uuwi ngayon. Si kuya Art naman hindi nag rereply."

"Hayaan mo na baka busy iyon may ka date."

"Sino naman ka date ko?" Si kuya Temper, hindi ko napansin na nasa likod siya ni mommy.

Gumapang ba siya?

Lumapit si kuya Temper kay mommy at hinalikan siya sa pisngi. Umayos agad ako ng upo nang makita ko si kuya si Art na kakapasok pa lang.

Omg! Bakit siya nandito?

"Yeah, sino ang ka date ng panganay ko, mas maganda ba sa'kin yan?" Sabi ni mommy at umirap pa, kunwaring nagtatampo.

"No woman can compete with your beauty," He said. "By the way, kasama ko si Art." Umupo si kuya sa tabi mommy.

"Kasama mo pala ang twin brother mo. Maupo ka Art." Sabi ni Mommy.

"Good evening, mom." Sabi ni kuya Art, naupo na siya sa tabi ko.

Hindi na siya nahihiya kay mommy dahil lagi naman silang nandito at ang mommy ni kuya Art bestfriend siya ni mommy kaya naman parang anak na rin ang turing niya kay kuya Art.

"Mag sleepover ka dito, kuya?" Tinignan ko si Art.

"Oo, manonod kami ng movie ni Temper."

"Pwede akong sumali?"

Nakita ko na huminto sa pagsubo si kuya Temper at binaba niya ang kutsara at uminom ng tubig.

"Horror ang panoorin na'min, diba matatakutin ka?" Sabi ni kuya, ngumisi siya kaya alam kong inaasar niya lang ako.

"Nasanay na ako, ikaw ba naman may kasama ka laging kapre at kapatid mo pa. Matatakot ka pa ba." Ngumiti ako.

"Tumigil na kayo!" Saway ni mommy. "Temper, isama mo si Tammy pero huwag mo siyang tatakutin." Bilin niya kay kuya Temper.

Yes!

Ang sarap sana ng pagkain kaso hindi makakain ng maayos dahil katabi ko si kuya Art. Baka sabihin niya ang takaw ko. Hindi naman sana mahihiya kung wala akong gusto sa kaniya, pero na ngayon. Crush ko siya at magdadalaga na ako kaya kailangan kong maging maingat sa mga galaw ko.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now