🖤 45.

66 2 0
                                    

CHAPTER 45.

TEMPER:

"Hoy, saan ka pupunta?" Tanong ni Art dahil tumayo ako.

"Nagugutom ako."

"Tangina mo diba kakain lang natin?"

"Gutom ako ulit."

Lumabas ako ng room kahit nagtuturo ang teacher namin sa science. Galit sa'kin si Tammy dahil nasira ang diskarte niya sa crush niya.

Ang batang Agustin na 'yon hindi ko gusto ang tabas ng dila niya.

Hinanap ko si Tammy sa canteen dahil breaktime nila ngayon. Nakita ko siyang papunta sa gym kaya sinundan ko siya.

Umupo ako taas ng bleacher siya ang nasa baba. Inabot ko sa kaniya ang clo*d 9 na dala dala ko. Tinignan niya lang 'yon ng masama pero hindi niya kinuha.

"Sorry na. Ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako?"

Nilingon niya ako.

"Makipag date ka kay ate Riva sa linggo. Kapag nakipag date sa kaniya bati na tayo." Sabi ni Tammy.

Sino ba si Riva? Kinagat ko ang labi ko at hinilot ang bridge ng ilong ko. Mas mahirap manuyo ng kapatid kesa manuyo ng girlfriend.

"Payag ka? Okay lang naman kung ayaw mo. Itatakwil nalang kita." Dagdag niya.

Ako pa ang itatakwil ng batang 'to. Hindi ako sumagot. Tinignan ko siya. Alam ko may balak siya kaya niya hinihiling na makipag date ako kay Riva.

"Sige na! Sige na! Pasalamat ka hindi ko kayang hindi mo ako kausapin."

Ngumiti siya. Paano naman ako tatanggi kung ito ang kapalit sa pag payag ko. Wala akong ibang gusto kundi makitang laging masaya si Tammy.

"Art, sino si Riva?" Tanong ko kay Art.

"Si Riva? hindi ko kilala tol." Umiling iling si Art.

Napahilot ako sa sintido ko. Hindi ko nga kilala si Riva paano ako makikipag date sa kaniya. Tinapik ko ang balikat ni Art. Niyaya ko siyang lumabas. Lumabas kami at hinahanap kung sino si Riva.

"Ang tanga mo tol. Ayon si Riva. Siya yung nagturo sa'yo inutusan ni mrs. Lampara." Tinuro niya ang babaeng kausap ng teacher.

Doon ko palang naalala na nagkita na nga pala kami. Riva Agustin, bakit gusto ka ni Tammy at pinag-tu-tulakan niya ako sa'yo.

Kagaya ng gusto ni Tammy nakipag kaibigan ako kay Riva. Mabait siya, maganda. Matalino. Gusto niya ako at gusto ko rin siya. Sabi ni Art jowain ko raw si Riva dahil siya pinakamaganda dito sa school.

Naging kami ni Riva dahil gusto ni Tammy.

"Kuya. Si kuya Art ba may girlfriend na? May nagpapansin ba sa kaniya sa school?"

Tinignan ko si Tammy. Ito ang unang beses nagtanong siya tungkol kay Art.

"Marami."

"Maganda ba?"

Tumango ako.

"Maganda. Kung sa'yo ikukumpara."

Sumimangot siya at tinuloy ang ginagawang assignment. Pinanood ko ang pag sagot niya ng math. 13 years old pa lang siya pero ang sinasagutan niya ay pang grade 10.

"Alam mo kuya. Ikaw lang yata yung kapatid na hindi sweet. Lagi mo sinasabing panget ako pero sabi naman ng ibang tao maganda ako."

"Sinong nagsabi?" Nag iwas ako ng tingin.

Sinong totoy ang nagsabi sa'yo na maganda ka? Bakit ang linaw ng mata niya. Hindi ko alam pero nainis ako, na dapat ay matuwa ako dahil nagagandahan sila kay Tammy.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now