🖤 33

53 0 0
                                    

CHAPTER 33.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni kuya.

Nasa sasakyan kami pabalik na sa bahay. Sumimangot ako at tumingin sa labas. Bakit niya pa tinatanong mas lalo lang akong naiinis.

"Tammy! Kapag hindi mo ako sinagot i-iwan kita dito." Aniya, binabantaan ako.

Tinignan ko siya ng masama. Ang salbahe! Magagawa mo iyon sa kapatid mong broken! Gusto ko siyang sakalin sa leeg hanggang sa hindi na siya makahinga.

"Tinanong ko kasi si kuya Art kung ano kami." Tinignan ko siya.

Sandali niya akong tinignan.

"Hmm?"

"Ang sabi niya kung ano daw gusto ko maging kami. Bakit ako kailangan magsabi hindi ba kuya? Siya ang lalaki! Bakit ako nagtatanong kung may label kami. Nakakainis!" Bumalik na naman ang inis ko kanina.

"Then?"

Seryoso lang siyang nagmamaneho kaya hindi niya ako magawang tignan. Umayos ako upo dahil pa slide ako ng upo kanina.

"Ang sabi niya huwag muna daw namin pag usapan iyon dahil bata pa ako para magka label kami. Tama ba iyon!" Sigaw ko dahil sa sobrang inis.

"Art was right." Tinignan niya ako. "Bata ka pa, Tammy. Hanggang ganyan pa ang mindset mo bata ka lang."

Nag activate na naman ang pagiging kuya niya sa'kin. Alam ko naman iyon! Bata pa ako, kaya mas kailangan niya akong bigyan ng label diba? Kasi baka kung ano ano maisip ko.

"Kasalanan mo!" Masama ko siyang Tinignan.

"Paano ko naman naging kasalanan iyon?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Kung hindi mo sinabi sa kaniya na gusto ko siya edi sana wala siyang ideya. Matatago ko pa hanggang sa mag eighteen ako!"

"Wala akong sinabi." Tinignan niya ako. "Sa tingin mo hindi alam iyon ni Art? Kahit hindi ko sabihin alam niya iyon." Sabi niya at binalik ang mata sa kalsada.

Inirapan ko siya.

"Dalawang taon pa ang hihintayin ko, paano kung magkagusto na siya sa iba?" Humina ang boses ko.

"Nandito naman ako."

Napatingin ako kay kuya Temper dahil sa sinabi niya. Hindi siya nakatingin sa'kin diretsyo lang ang tingin niya sa kalsada.

"Huh? Anong ikaw! Ayoko nga makasama ka hanggang sa pagtanda ko!" Sabi ko, kahit wala pa naman siyang sinabi.

"Nandito naman ako para ipasok ka sa mental hospital kapag na baliw ka." Aniya.

Joke iyon pero hindi siya tumawa. Ano kaya iyon, pinatunayan niya lang na hindi nakakatawa ang mga biro niya.

"Hehe! Baka ikaw i-pasok ko doon!" Inirapan ko siya, tumingin nalang ako sa bintana.

Huminga ako ng malalim. Nakita ko nakatingin sa'kin si kuya mula sa salamin nung bintana.

Nang makararating kami sa bahay, dumiretso agad ako sa kuwarto. Hindi ko pa pala nalalagay yung painting kaya nag isip na ako kung saan ba ito maganda ilagay.

Hawak hawak ko iyon habang nakasampa sa kama. Tinignan ko ang buo kong kuwarto. Siguro doon nalang sa study table para kapag nag aaral ako makikita ko ito. 

Sa study table ko nilagay yung painting na regalo ni kuya. Gumawa na rin ako ng assignment para wala na akong problema bukas.

Sunday bukas at day off ni mommy at ni kuya, kaya ibig sabihin nandito sila sa bahay maghapon.

Nang mag gabi na ay tinawag na ako ni kuya Temper para kumain. Nagluto siya ng sinigang at gulay naman para kay mommy. Kumain na ako habang siya naman pinapanood lang ako.

"Baket!" Sigaw ko, tumalsik pa yung kanin kaya napangiwi siya.

"Paano ka magugustuhan ni Art kung ang dugyot mo." Aniya.

"Syempre maayos akong kumain kapag kaming dalawa!"

"Edi fake ka pala?"

"Hindi!"

"Ang sarap mo talagang asarin baby sis." Tumawa si kuya Temper tuwang tuwa.

Nabulunan ako sa tinawag niya sa'kin. Ngayon nalang niya ulit ako tinawag na ganon. Inabutan ako ng tubig ni kuya Temper, dahil naubo pa ako.

Naalala ko lang, ganito kami dati bago pa siya maging adult. Bago pa dumating si ate Trisha sa buhay niya at bago pa ako magkagusto kay kuya Art.

Ganito kami dati. Yung kaming dalawa lang. Pero iba na ngayon, malapit ng akong matapos sa pagiging bata, at adult na rin si kuya.

Dadating ang panahon aalis na siya dito sa bahay at magkakaroon ng sariling pamilya.

Bakit ang bilis ng panahon? Ang nakaraan hindi mo na pwedeng balikan pa.

Tumayo ako, nagulat pa si kuya Temper sa bigla kong pagtayo at paglapit sa kaniya.

"Tammy?" Sabi ni kuya.

"Kuya, kapag kasal na kayo ni ate Trisha pupuntahan mo pa naman ako diba?" Naramdaman kong pumatak ang luha ko.

"Huh? Ano bang sinasabi mo, hindi pa naman ako magpakakasal."

"Kahit na!" Yumakap ako sa leeg niya, naubo pa siya dahil nasasakal ko siya.

"Hindi ako magpapakasal dahil mamatay na ako." Biro niya habang tinanggal ang braso ko leeg niya.

"Hintayin mo muna ako magpakasal kay kuya Art, bago ka magpakasal. Hindi pwedeng iwan mo ako. Kuya!" Hindi ko namalayan tumutulo na ang sipon ko.

Ang emotional ko kapag naiisip ko iyon, dahil nga iniwan kami ni daddy at si kuya lang meron ako bukod kay mommy. Kaya kapag naiisip kong iiwan niya din ako balang araw, sobra akong nasasaktan. Hindi pa pwede, hanggang nakapende pa rin ako sa kaniya.

"You're only saying that because you're still young, kapag lumaki kana, You would tell me to leave you."

Hindi! Hindi ko iyon gagawin.

Hindi ako makasagot.

"I will only leave when you ask me to." Hinarap niya ako sa kaniya. "Okay na ba 'yon baby sis?" Pinunasan niya pisngi ko.

"Hindi ko iyon sasabihin."

Tumawa si kuya Temper. Pinagtatawanan niya ako!

"Bakit mo ba iyon naisip? Kumakain lang naman tayo."

Tinignan ko siya.

Hindi ko rin alam bakit ko iyon naiisip. Siguro dahil mabilis lumipas ang panahon. Dati kami pa lang ngayon hindi na.

"Huwag ka ng umiyak living turon, makita ka ni mommy akala niya inaway kita." Sabi ni kuya.

"Temper! Inaway mo na naman ang kapatid mo?" Si mommy, Kakarating niya lang.

Tumakbo palapit kay mommy at niyakap siya.

"Huh? Hindi no!"

"Bakit siya umiiyak?"

"Ewan ko nga e, kumakain lang kami bigla siyang umiyak."

Hinawakan ni mommy ang pisngi ko at hinarap sa kaniya.

"Why, baby? Why are you crying." Malambing na tanong ni mommy.

Umiling ako at niyakap nalang siya. Nakakahiya sabihin ang dahilan.

-Emotionalangels

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now