🖤53

77 5 2
                                    

Chapter 53.

"Matulog ka muna, gigisingin kita kapag nakarating na tayo." Aniya pagkatapos niya akong nahuling humikab.

Umiling ako.

Hindi ako makakatulog ng ganito. Masyado akong excited na makita si kuya Temper at bumawi sa Lahat ng kasalanan niya sa'kin. Gusto ko rin tignan ang da-daanan namin para kung hindi pa siya uuwi sa bahay. Alam ko ang daan papunta sa kaniya.

"Bakit? Hindi ka ba inaantok?" Tanong ulit ni Art.

Umiling ako at hinawakan ang kamay niya katulad ng mga pictures nakikita ko sa pint*rest na magka holding hands.

Mahina siyang tumawa sa ginawa ko pero hindi ako nilingon dahil sa nasa daan ang mata niya.

"Gusto kong makita ang daan para makabalik ako ulit kung hindi pa siya uuwi." Sagot ko habang pinaglalaruan ang kamay namin.

"Kasama na'tin siya kapag bumalik tayo sa taguig."

Tinignan niya ako para sabihin sigurado siya doon.

"Paano kung hindi? Ayaw na niya sa'kin. Ayaw na niya akong maging kapatid." Ngumuso ako.

"Edi ampunin nalang kita... Ako nalang kuya mo." Biro niya.

Tumawa ako.

"Step bro, what are you doing?" Biro ko rin pabalik.

Sumimangot si Art at tinanggal ang kamay niya sa kamay ko. Napikon sa sarili niyang biro.

Sa kalagitnaan ng biyahe na'min ramdam ko na bumibigat ang talukap ng mata ko. Dinadapuan na akong ng antok dahil sa malamig na panahon at dahil hindi rin ako nakatulog kagabi ng maayos.

Nagising ako nang maramdaman huminto na ang sasakyan. Naamoy ko ang pabango ni kuya Art dahil ginamit niyang kumot ang jacket niya para hindi ako lamigin.

Wala siya sa loob ng sasakyan. Bumaba ako at hinanap siya. Nakita ko siyang may kausap na matandang babae sa may sa may tindahan.

Sinuot ko ang jacket niya dahil medyo malamig nga. Naka t-shirt naman ako pero manipis nga lang.

Nandito na ba kami?

Lumapit ako kay kuya Art at humawak sa balikat niya. Liningon niya ako at malambing na ngumiti.

Nag iwas ako ng tingin. Boyfriend ko ba talaga siya? Hindi ako makapaniwala. Hindi niya ganito tratuhin ang batang Tammy.

Nakita kong nakatingin ang mga babaeng dumadaan sa kaniya kaya agad akong kumapit sa braso niya. Abala pa'rin siya sa pagtatanong sa matandang babae.

Habang ako ay minamalditahan ang grupo ng kababaihan.

Akin to, Huwag niyong tignan. Inirapan ko sila at inamoy pa si kuya Art kaya nilingon niya ako.

"Anong ginagawa mo, chica?" Natatawang tanong niya.

"Inaamoy ka. Ang bango mo!" Inamoy ko pa siya ulit at tinignan ang mga babaeng nakasimangot.

"Baka maubos ako nyan..." Aniya, tinignan niya ang matandang babae. "Salamat po." Aniya.

Tumango ang babae at pumasok na sa loob ng tindahan niya. Inakbayan naman ako ni kuya Art. Pabalik na kami sa sasakyan nang marinig ko ang sinabi ng babae na tinatarayan ko kanina.

"Kamukha niya si kuya Zi. Magkapatid kaya sila?"

"Hindi ba sabi ni kuya babae ang kapatid niya." Sabi naman ng kaibigan niya.

Huminto si kuya Art sa paglalakad. Lumingon siya sa mga babae kaya sumimangot ako.

"Magandang hapon, pwede bang magtanong?" Sabi ni kuya Art.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now