🖤 22

35 0 0
                                    

Chapter 22

Halos nalibot na namin ang buong mall pero hindi parin namin nakita si kuya Temper. Hindi kaya umalis na siya? Napapagod na ako kaya niyaya ko muna si kuya Art na kumain muna kami. dalawang oras na kaming palakad lakad hindi naman namin siya nakita.

Habang kumakain kami nag uusap kami ni kuya Art kung anong gagawin namin kapag totoo nga ang hinala namin kay kuya Temper.

Sabi naman ni kuya Art hindi daw iyon gagawin ng kapatid ko. Matino daw siya kahit medyo basagulero siya kaya wala daw akong dapat ipagalala.

Inubos ko ng mabilis ang pagkain ko para magpatuloy kami ulit sa paghahanap.

Si kuya Art ang nagbayad ng kinain namin dahil wala naman akong pera. Hinahanap ng mga mata ko si kuya sa dagat ng mga tao na nakapaligid doon sa may stage.

Hinila ko agad si kuya Art nang makita ko si kuya palabas na ng mall. Nagulat pa nga si kuya Art sa  biglang paghila ko sa kaniya.

"Kuya, Dali. Nakita ko na siya, palabas na siya." Sabi ko habang hawak ang kamay niya.

"Ang linaw ng mata mo."

Narinig kong tumawa siya. Hindi ko na siya tinignan dahil focus ako sa goal. Kapag tinanggal ko ang mata ko sa kaniya baka mawala siya sa paningin ko. Naalala ko nga pala kaya siguro hindi namin makita si kuya Temper simula kanina dahil malabo ang mata ni kuya Art.

Sinundan namin si kuya Temper hanggang sa parking lot. Sinuot niya ang helmet niya na inistart ang motorbike. Sumakay na rin kami ni kuya Art sa motorbike niya at sinundan namin si Kuya Temper.

"Tammy, kapit ka sa'kin." Sabi ni kuya Art. Nagulat ako dahil narinig ko siya ng malinaw kahit na sobrang ingay.

May magic ba itong helmet niya?

"Kuya? Naririnig mo ba ako?"

"Yeah."

Wow ang galing! Mas maganda boses ni kuya Art kapag galig doon sa helmet.

"Kuya, nakikita mo pa ba si kuya Temper?" Tanong ko, baka kasi nawala na siya sa paningin niya.

"Nakikita ko pa."

"Mabuti!"

Tumingin ako sa unahan nang huminto ang sasakyan. Nakita kong bumaba si kuya Temper sa motor niya. Pumasok siya sa parang apartment na kulay pink. Tinignan ko ang nakasulat doon.

Love hotel.

Nandito ba ang kliyente niya or ang mga ka gang niya? Bumaba ako agad. Bumaba rin si kuya Art at tinanggal ang helmet ko dahil hindi ko alam alisin yung lock.

"Tara na kuya, Sundan na'tin." Hinila ko siya, pero hindi ko siya mahila.

"I don't think we should follow him there."

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya? Why not? Kailangan kong iligtas si kuya. All of my life kuya Temper had always protected me. Gusto ko rin naman siyang protektahan. Hindi siya pwedeng mapunta sa masama.

"Tammy, Alam mo ba kung anong lugar ito?"

"Hotel."

"It's not just a hotel, this is love hotel."

"Ano naman?"

"Para lang to sa mga couple."

"Edi magpanggap tayong couple, tara na!" Hinila ko si kuya Art papuntang entrance.

"Tams, you can't come in you're a minor." Pinigilan niya ako.

Doon palang ako natauhan sa sinabi niya. Tama siya hindi ako makakapasok dahil minor ako. Mommy patawarin mo ako, hindi ko napigilan ko si Kuya.

My Brother Is Annoying Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon