🖤6

386 18 2
                                    

CHAPTER 6.

TEMPER:

"Nine." Sabi ko.

Nagtatakang tumingin sa'kin si Marga.

Sampung sampal ang usapan namin ni Tammy na siya dapat ang gagawa pero hindi niya ginawa. Siya ang pinapaganti ko, ang batang iyon talaga.

"Huh? Ano, Temper?"

"Sampalin mo siya ng sampung beses."

Nagulat si Marga sa sinabi ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Art sa tabi ko. Nilingon ko siya at tinanguan.

"Temper! Sobra naman yata iyon!" Sabat ni Hera.

Humalukipkip ako.

"Tulungan mo siya, maghati kayo tutal magkaibigan kayo."

Hindi ito sumagot nang muling lumagapak ang palad ni Marga sa pisngi niya.

"Eight."

Nilingon ko si Tammy nakahinto siya at nanatiling nakatalikod. Pinagtitinginan na kami ngayon na mga tao dito sa loob ng Canteen.

"Marga! Kapag hindi kapa tumigil sinasabi ko sa'yo kakabulhin kita!" Banta ni Hera.

Huminto si Marga at nilingon ako.

"She wont do that, Trust me." Tinanguan ko siya.

Muling sinampal ni Marga si Anne limang sunod sunod. Pulang pula na ang pinsgi niya at namumula na ang mata niya dahil sa pag-pipigil ng iyak.

"Last two." Sabi ni Art.

"Tama na!" Biglang sabi ni Tammy.

Nilingon ko si Tammy.

Hinawakan niya ang kamay ni Marga at hinila palayo. Anong problema ng living turon na 'yon siya na nga tinutulongan, tsk.

Matalim na tingin ang pinukol sa akin ni Hera At Anne.

"Anong karapatan mong gawin kay Anne 'yon! Hindi mo ba alam na kaya ka niyang patalsikin dito sa School!" Nanginginig ang labi ni Hera.

Pekeng natawa ako. "May pake ba tayo Art?" Nilingon ko si Art.

Humalakhak si Art. "Wala."

"See." Nagtaas ako ng balikat para mas lalo siyang inisin. "Wala kaming pakialam, kahit presidente pa siya."

"Temper!" Umangat ang tingin ni Anne. "Tuparin mo ang sinabi mo."

"Anong sinabi ko?"

Tumayo siya at humarap sa akin.

"Akin kana."

Humawak siya sa balikat at mabilisan akong hinalikan sa labi.anak ng puting Tupa!

"Woah! Ang wild naman pala, pre." Komento ni Art.

TAMMY

"Bakit mo naman ginawa 'yon Marga?" Tanong ko kay Marga habang hila hila siya papunta sa room. Hindi ko talaga inaasahang gagawin niya 'yon dahil mabait si Marga kaya sobrang nagulat ako.

"Sorry, Tammy. Gusto ko lang naman na i-ganti ka. Wala akong lakas ng loob kaya sinunod ko ang utos ng kuya mo dahil alam kong poprotektahan niya ako."

"Marga kahit na, paano kung gantihan ka nila sa tingin mo ba lagi kang poprotekhan ng kapatid ko!" Medyo lumakas ang boses ko na ikinayuko niya.

"Pasensya na, Tammy. Gusto ko lang naman talagang tumulong." Sabi niya, huminga ako ng malalim.

"Sige na, Hindi naman ako galit nag-aalala lang ako sayo, kasi nadamay kapa." Humina ang boses ko.

My Brother Is Annoying Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu