🖤44

90 6 0
                                    

CHAPTER  44.

Naging masaya ang pagsalubong ko sa kapaskuhan. Hindi ko alam kung ako lang ba at si kuya Art ang naging masaya.

Nang bumalik si mommy nang gabi 'yon galing sa garden nakita kong namumula ang mata niya. Mukhang kakagaling lang sa pag-iyak. Hindi ko na kailangan hulaan kung anong nangyari.

Tinawagan siya ni daddy at binati ng Merry Christmas, katulad ng lagi niyang ginagawa dati. Sana nga hindi nalang 'yon ginagawa ni daddy.

Dahil sa taon-taon na ginagawa niya 'yon laging umiiyak si mommy. Taon-taon na ginagawa niya 'yon nasasaktan ang mommy ko. Pero walang magawa si mommy. Kahit anong iyak niya wala siyang magagawa kung hindi makuntento doon.

Si kuya Temper naman hindi na siya bumalik pagkatapos niyang umalis. Nang puntahan ko siya sa kuwarto tulog na siya. Hindi naman siya lasing dahil hindi naman sila uminom.

Siguro namimiss niya si ate Trisha. Hindi rin biro ang dalawang taon nilang pagsasama.

Kung ganon ako lang masaya sa araw na 'to.

"Kailan ka ba nagkaroon ng pakialam sa'kin mom? Okay lang sanay na ako. Mas pamilya pa nga ang turing nila sa'kin dito."

Napahinto ako nang marinig si kuya Art na may kausap sa garden. Siguro ang mommy niya 'yon. Likas na chismosa ako nakinig ako.

"Kailangan ko ba ng pera niyo? Huwag niyo na akong padalhan. Kaya kong magtrabaho."

Nag aaway ba sila ng mommy niya?

Narinig kong nain-insultong tumawa si kuya.

"I said it's okay. Hindi na ako ten years old na iiyak kung wala ang parents ko dito. Magpayaman nalang kayo dyan para may ma-mana ako tutal 'yon naman gusto niyo."

Nagulat pa ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang narinig si kuya Art na nagsalita ng ganon dahil malambing siya magsalita at palaging nakangiti.

Siguro nga hindi lahat ng tao masaya. Lahat ng tao may tinagong sakit at kalungkutan. Ako lang ang masaya pero sila... silang nakapaligid sa'kin ay hindi.

Unfair, ang unfair na ako lang ang masaya.

"At least, Tammy loves me. Kahit huwag na kayo..."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinabi niya. Lumabas ako ng sa pinagtataguan ko at lumapit sa kaniya.

Niyakap ko siya sa likod.

"Kuya... hindi kita iiwan. Hindi ko ipaparamdam sa'yo na hindi kita mahal. Hindi ko gagawin ang ginagawa ni tita Addison sa'yo."

Hindi ko mapigilan umiyak. Nasasaktan ako para kaniya, simula pagkabata hindi niya kasama ang mommy niya. Kami ang kasama niya, si kuya Temper ang lagi niyang kasama.

"Tammy... narinig mo?" Hinarap niya ako.

Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko sa pisngi. Marahan akong tumango, hindi ko mapigilan ang sarili ko umiyak.

"Bakit ka umiiyak? Hindi ako malungkot. Paano ako malulungkot kung kasama kita?" Niyakap ako ni kuya Art.

Hindi ako mahinto sa pag-iyak kahit na pinatigil na niya ako.

"Tammy. Marinig ka ni tita baka akala niya inaaway kita."

"Galit ako kay tita Addison... kuya, bakit witch ang mommy mo."

Natawa si kuya Art sa sinabi ko.

Niyakap niya ako at sinubsob sa dibdib niya. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Yeah, witch nga siya."

Magkasama lang kami ni kuya Art buong gabi sa garden. Nag uusap lang kami nang kung ano ano dahil pinakalma niya ako.

My Brother Is Annoying Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt