🖤23

33 1 0
                                    

Chapter 23.

Nang araw din 'yon sinabi ni kuya na hindi siya sumali sa fraternity o naging pusher. Kaya nagkabati din kami ka agad. Girlfriend niya pala talaga yung ate ni Thirdy kaya daw hindi siya nakakauwi dahil doon siya natutulog dahil gumagawa sila ng thesis.

"Bakit ka pa nagsinungaling kay mommy?" Kinain ko ang chocolate na dala niya, peace offering daw.

"Ayoko lang sabihin, mas tiwala siya kapag kasama ko si Art."

"May point ka, pointless." Umirap ako.

"So hindi kayo pumunta doon ni Art dahil may gagawin kayo?" Nag iwas ng tingin si kuya.

"Huh? Bata pa ako! At hindi iyon gagawin ni kuya Art."

Kaya ba siya nagalit dahil akala niya may gagawin kami ni kuya Art sa hotel? Nag init ang pisngi ko kaya tinakpan ko agad iyon. Ganon ba ginagawa niya kaya ganon ang naisip niya.

"Sorry, Tammy. Nasigawan kita kanina. And sorry rin kung iniiwan kitang mag isa dito sa bahay. Hindi na iyon mauulit." Sabi ni kuya, ginulo niya ang buhok ko.

Nang gabi rin iyon ay nagkabati na kami ni kuya Temper. Bumalik na siya dati, hinahatid niya muna ako bago niya puntahan ang ate ni Thirdy. Pagkatapos ay umuuwi na rin siya para ipagluto ako bago siya pumasok sa trabaho.

Bumalik na kami sa normal.

After 3 months dinala ni kuya Temper si ate Trisha sa bahay, pinakilala niya ito kay mommy. Bilib nga ako umabot sila ng 3 months. Siguro maloko lang siya pero loyal talaga siya?

"I'm surprised, ikaw pa lang ang babaeng pinakilala ni nitong si Temper." Umupo si mommy sa tabi ko.

Mahinhin tumawa si ate Trisha.

"I'm flattered ma'am, i didn't expect Temper would introduce me to you, para kasing binobola lang ako nito." Siniko niya si kuya Temper.

Kahit si Ate Riva hindi niya pinakilala kay mommy, pero si ate Trisha, 3 months pa lang sila pinakilala na niya siya kay mommy. In that case mas gusto niya ba si ate Trisha?

"Oh no! Don't call me ma'am, just cal me tita. Okay honey?"

"Yes, tita."

Tuwang tuwa si mommy kay ate Trisha. Siguro dahil first time magdala ni kuya ng babae dito sa bahay. Mommy, hintayin mo ako ipapakilala ko si kuya Art bilang boyfriend ko sa'yo.

Katulad dati nang summer break na ay nagbakasyon ako kay lola. Si kuya Temper naman ay nasa bahay lang dahil wala silang bakasyon.

Kasali pa nga ako sa santacruzan, dahil wala silang representative sa bayan kaya ako nalang daw sabi ni lola.

Dahil doon maraming nagkagusto sa akin mga binata, pero hindi ko sila type. Kung hindi sila si kuya Art hindi ko sila gusto. Sinend ko ang picture ko kay kuya Art pero hindi kay kuya Temper. Ang sabi niya kung sinabi ko lang daw agad na sasali ako, pupunta daw siya para siya nalang escort ko.

"Tammy, uuwi kana ba bukas sa Manila?" Tanong ni Robin.

Siya yung apo ng kaibigan ni lola, siya rin yung escort ko. Okay naman siyang kasama, mabait siya. Dinadala niya ako sa bukid at naliligo kami sa may dagat. Hindi naman ako manhid para hindi ko mapansin na may gusto siya sa'kin. Dahil sa kaniya hindi masyadong naging boring ang dalawang buwan kong bakasyon

Alam ko iyon, alam mo may gusto siya sa sa'kin pero katulad ng sinabi ko si kuya Art lang gusto ko. Wala ng iba, siya lang.

"Hmm!" Tumango ako. "May pasok na kami ng next week kaya kailangan ko ng umuwi." Sagot ko.

Pabalik na kami sa bahay, galing kami sa bayan. Sinamahan ko kasi siyang bumili ng school supplies.

"Sabihin ko kay lola sa Manila nalang ako mag college." Nagkamot ng ulo si Robin.

Napatingin ako sa kaniya. No please! Huwag mo akong sundan sa Manila.

"Bakit naman? Maganda ang school dito. Bakit ka pa lilipat sa Manila magulo doon."

"Para mas malapit sa'yo. Hindi ko alam kung dito ka ba magbabakasyon sa susunod. Ang sabi mo doon ka sa daddy mo."

Peke akong ngumiti.

"Ano ka ba! May cellphone naman, pwede mo naman ako i chat?"

"Pero Tammy, hindi mo naman ako nirereplayan." Lumungkot ang mukha niya.

"Syempre lagi tayong magkasama kaya bakit pa kita re-replayan hindi ba?"

Lumiwanag ang mukha niya, na parang naniwala siya sa sinabi ko. Peke akong ngumiti, please i want to go back to Manila na, I want to see kuya Art. Kung hindi lang ako pinilit ni mommy bisitahin si lola hindi naman ako dito magbabakasyon.

"Robin, ayaw mo ba mag aral sa Manila? Para makasama mo itong si Tammy." Sabi ni lola.

"Gusto po sana. Sasabihin ko kay mama sa Manila ako mag kokolehiyo." Nagkamot ng ulo si Robin. Tila ba nahihiya.

"Mamita, magulo sa Manila. Alam mo ba si kuya Temper nga laging inuubo dahil sa polusyon doon. Mas maganda dito." Ngumiti ako, please maniwala kayo.

"Sabihin mo sa kuya mo uminom ng maraming vitamina."

"Opo."

Hindi ko sinabi kay Robin kung anong oras ako aalis para hindi niya ako maihatid. Umay na umay na ako sa kaniya mas makulit pa siya kay Thirdy.

Hindi ko rin sinabi kay kuya Art na uuwi na ako, I want to surprise him. Kahit si kuya Temper hindi niya alam. Tinanong ko si mommy kung nasa bahay ba si kuya Temper.

Ang sabi ko kay mommy ibaba niya ako sa university at doon ko hihintayin si kuya. Pumayag naman si mommy dahil papunta na rin siya sa hospital at may emergency daw, kailangan siya roon.

Inayos ko ang damit ko habang naghihintay sa labas ng gate. Pinunasan ko ang pawis ko sa leeg, dahil medyo mainit pinagpapawisan ako.

Siya nga pala sa susunod na dalawang araw magiging sixteen years old na ako. Pagkatapos dalawang taon nalang at eighteen na. Hindi na ako makapaghintay na sabihin kay kuya Art ang nararamdaman ko.

Tinawagan ko si kuya Art nang nainip na ako. Nangangalay na ako at ang init hindi ko na kayang maghintay ng matagal.

"Kuya, Tapos na ba klase mo?"

"Kakatapos lang, why?"

"Hmm, palabas kana?"

"Oo, malapit na sa ako gate."

Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Mabilis akong tumingin sa gate at hinanap siya. Pero sana pala hindi muna ako tumingin.

Nakita kong hinalikan ng babae si kuya Art sa pisngi pagkatapos ay tumawa ito. Wala lang naman iyon kay kuya Art narinig ko pa ang sinabi niya sa babae dahil hindi ko pa pinapatay ang tawag. Hindi man lang siya nagalit dahil ninakawan siya ng kiss. Okay lang iyon sa kaniya?

Hindi ako makahinga

Malapit na ang birthday ko kuya Art ito ba ang regalo mo sa'kin? Ang sakit naman.

-Emotionalangels

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now