🖤 30

52 0 0
                                    

CHAPTER 30.

Pagkatapos nang araw na iyon alam kong may nagbago sa amin ni kuya Art. Alam ko hindi nalang batang Tammy nakikita niya sa'kin. May nag iba, kung paano niya ako kausapin at tratuhin.

Wala rin naman nagbago kay kuya Temper pagkatapos din ng araw na iyon. Hindi naman ako nag explain dahil hindi naman siya nagtanong. At wala naman talagang masama sa kiss sa pisngi.

Bukas ay babalik na kami sa school. Kaya maaga akong nagising dahil umaga ang schedule ko. Pagkatapos magbihis bumaba na rin ako agad, naabutan kong may pagkain na sa lamesa kaya kumain na rin ako.

Hindi ba ako i-sasabay ni kuya Temper ngayon? Umalis na ba siya? Kung umalis na nga siya okay lang naman sa'kin. Ayoko ng sumakay sa motorbike niya, ang bilis kasi mag drive kaya natatakot ako.

Lalo na ngayon tumangkad ako ng konti kaya hindi na niya ako sa harap pinapaupo. Nasa likod na ako, nakakatakot.

Alam ko rin naman naiinis na siya sa'kin dahil nagugusot ko ang damit niya kapag kumakapit ako sa kaniya. Siya naman kase may sabi! Sa leeg nga ako kumapit nung nakaraan tapos nagalit siya.

Sino ba kasi hindi magagalit kapag sa leeg kumapit. Sorry, kuya. My bad.

Natawa ako kaya tumalsik ang kanin sa bibig ko. Agad kong kinuha ang tissue at tubig. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko iyong pinagkainan ko.

Binilisan ko na ang paghuhugas at agad na rin lumabas.

Naabutan ko ang kulay pulang sasakyan sa labas ng gate. Ang kapal naman ng taong nag park sa labas ng bahay namin!

Lumapit ako at kumatok sa may bintana.

Nagulat pa ako nang dahan dahan 'yon bumukas. Ready na sana ako sa sasabihin ko nang makita ko sino ang nasa loob.

Kuya!

"Kuya!" Sigaw ko.

"Panget!" Sigaw niya rin.

Lumayo ako ng konti para tignan ang kabubuan ng sasakyan. Hindi ito kotse ni mommy, sa kaniya ba ito? Ginamit niya na ba yung perang binibigay sa kaniya ni daddy?

"Kanino to?" Tinuro ko ang sasakyan.

"Sa kapitbahay?" Sarkastiko niyang tanong, nang aasar.

"Hindi mo ito ninakaw hindi ba? Galing ito sa malinis na pera hindi ba? Sabihin mo!" Inalog alog ko ang balikat niya nang makalapit ako.

"Oi, ang oa! Syempre hindi, katas 'to ng part time job ko. Hindi kana matatakot umangkas sa'kin."

Napahinto ako sa pag alog sa kaniya dahil sa sinabi niya. Ano iyon?

"Huh?"

"Alam ko natatakot ka sumakay sa motor, kaya nagtrabaho para makabili ng sasakyan. Ilang over time at part time rin ito." Tumawa siya.

Kinagat ko ang labi ko, dahil na touch ako! I always questioned him bakit kailangan niya mag trabaho kung hindi naman kami naghihirap.

Kung bakit kailangan niyang maging waiter, kung bakit niya kailangan mag trabaho doon sa may billiards house. At kung bakit niya kailangan maglinis sa restaurant.

Kung tutu-usin pwede naman niya iyon hilingin kay mommy kung gusto niya.

"Silly, why are you crying?"

Naramdaman ko ang daliri ni kuya na nasa pisngi ko. Pinunasan niya ang luha tumutulo doon. Hindi ko namalayan na umiiyak ako. Nakakatouch kasi!

Hindi ko ma-imagine kung ilang part time job ang pinasok niya. At kung ilang gabi siyang nag oover time kahit na nag aaral pa siya. Akala ko lagi siyang nasa bahay ni ate Trisha.

My Brother Is Annoying Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang