🖤 20

47 2 0
                                    

Chapter 20.

Galit yata sa'kin si Kuya dahil hindi niya ako hinatid ngayon. Umalis siya ng maaga, ni hindi niya ako pinagluto ng breakfast.

Hindi pa naman kami ako nagsosorry sa kaniya. Paano kasi hindi ako makakuha ng tamang oras dahil hindi naman niya ako pinapansin. Mabuti nga hindi siya nagsumbong kay mommy.

"Tammy, punta tayo sa school ng kuya mo?" Sabi ni Marga habang kumakain kami.

"Hindi pwede, hindi kami bati ni kuya ngayon."

Nakita kong nahulog ang kutsarang hawak niya sa sinabi ko. Ang oa naman! Nagkamot ako ng ulo at uminom ng juice.

"Anong pinag awayan niyo?" Tanong ni Marga, sumusubo na ulit siya.

Hindi ko pa naikwento sa kaniya yung nangyari kaya hindi niya alam. Alam ko naman na nagpaliwanag na si Kuya Art at wala naman akong dapat ipaliwanag.

"Kasi nahuli niya kami ni kuya Art." Bulong ko.

Gumuhit ang gulat sa mukha niya. Literal na nag letter o ang bibig niya.

"Ano kaba! Hindi ganon!" Sabi ko para matigil kung ano mang maling iniisip niya.

"Ah! Hehe! Ano ba?"

"Nanuod kasi kami ng movie kagabi, natakot ako kaya sabi ni kuya Art hawakan ko ang kamay niya. Tapos ayon nga nahuli kami ni kuya Temper." Kwento ko.

"Bakit siya nagalit?"

"Ewan ko doon! Alam mo naman yung crush mo na 'yon medyo baliw siya."

Ngumuso siya, alam ko ang iniisip niya. Iniisip niya si kuya Temper at gusto niya pumunta sa university. Gusto ko din naman para makita si kuya Art. Kaso sa nangyari kagabi hindi pwede.

"Sayang naman." Humaba pa lalo ang nguso niya.

Pagkauwi Sinubukan ko siyang kausapin pero hindi niya talaga ako pinapansin. Naiisip ko tuloy galit siya dahil feeling niya inaagawan ko siya kay kuya Art.

Hindi ako pinansin ng 3 days, at sabado na ngayon. Hindi siya aalis ng bahay alam ko dahil tinanong ko si kuya Art kung may lakad ba sila.

"Kuya." Tawag ko, umupo ako sa tabi niya. "May assignment ako." Sabi ko.

Nakatutok lang ang atensyon niya sa paglalaro. Nakita ko kasi siya naglalaro dito sa sala kaya nilapitan ko. Kailangan ko ng makipagbati sa kaniya kung hindi ako makikipagbati hindi na kami makakapunta ni Marga sa university.

"Gawin mo." Malamig na sabi niya, hindi man lang ako tinignan.

"Arts iyon! gagawa ng ano." Napatigil ako.

Anong gagawin? Wala pala akong maayos ng plano, at wala naman kasi talagang assignment e. Kaya anong sasabihin ko sa kaniya.

"What?" Sabi niya, hindi pa din ako tinitignan.

"Gagawa daw kami ng... ay hindi! Mag drawing daw pala hehe." Sabi ko, nagkamot pa ako ng ulo.

"Sige gawin mo na." Tinignan niya ako. "It's your assignment, so take care of it, ako ba ang nag aaral."

Naramdaman kong bumigat ang pakiramdam ko. Bakit naman ang cold! Para naman akong nagpabuntis sa level ng galit niya!

"Oi." Sabi niya nang bigla akong umiyak.

"Mommy! Inaaway ako ni kuya Temper!" Mas lalo akong umiyak, alam niya na hindi ako sanay na pinagalitan niya ako.

"Hays!" Tinakpan niya ang bibig ko para mahinto. "Tumigil kana, gagawin ko." Sabi niya.

My Brother Is Annoying Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora