🖤47

42 0 0
                                    

CHAPTER 48.

"Tammy, kanina mo pa ang hawak ang labi mo. Ang weird mo." Siniko ako ni Marga.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Thirdy, sinubuan niya si Marga ng ice cream.

Umiling ako at hindi sila sinagot. Kumain lang ako ng ice cream habang nakatingin sa cellphone ko.Napangiti ako habang nakatingin sa wallpaper ko. Ako at si kuya Art noong siya ang last dance ko.

"Hinalikan kana ni kuya Art, no?" Ani Marga.

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Pinatay ko ang cellphone ko at nilapag iyon sa table. Hindi kami nag kiss pero may humalik sa'kin pagkatapos ng event noong birthday ko.

"Huh? Hindi pa!" Nag iwas agad ako ng tingin.

Gusto kong i-kwento sa kaniya ang nangyari pero mamaya nalang kapag hindi na nakabuntot si Thirdy.

"Siya nga pala, Tammy. Yung mga seniors na'tin ininvite tayo mamaya. Pupunta ka ba?" Tanong ni Marga.

Nakita kong sumimangot ang mukha ni Thirdy. Si Marga naman kasi kapag nakakita na ng ibang tao parang nakakalimutan niyang may boyfriend na siya.

"Bakit wala kayong balak? Sama tayo! First time natin makakapunta sa bar dahil finally adult na tayo." Sabi ko.

"Tama! Adult kana nga kaya sige na magpaalam kana sa boyfriend mo." Aniya.

Kahit naman hindi niya sabihin mag pa-paalam naman talaga ako kay kuya Art. Huwag niya akong itulad sa kaniya na nakakalimutan si Thirdy kapag nakakakita ng pogi lalo na kung si kuya Temper.

Bigla ko siyang namiss.

Hindi siya pumunta sa birthday ko dahil namundok siya. Ewan ko nga kung anong ginawa niya doon basta sabi niya gusto niya raw mag volunteer sa bundok para doon sa mga bata doon.

Ang sabi niya volunteer teacher raw siya. Bigla yata siyang bumait kaya gusto niya mag volunteer. Akala mo 'yon bobo siya sa acads tapos magiging teacher siya?

Isang taon na yata siya nandoon. Ilang araw pagkatapos ng seventeen birthday ko umalis na siya. Gusto niya raw tumulong sa mga tao at mag unwind. Akala mo naman talaga stressed .

Pagkatapos noon hindi siya tumatawag sa'min. Isang beses tumawag siya, ang sabi niya okay lang raw siya at masaya naman siya doon. He even sent picture to mom. Pictures ng mga bata na tinuturuan niya. Mukha naman siyang masaya sa ginagawa niya.

Hindi ko alam kay kuya Temper kung bakit lagi niyang gustong umalis. Kung bakit gusto niya laging lumalayo sa'min.

Lumalayo sa'kin...

"Si kuya Temper nasa bundok pa'rin? kumusta na kaya siya." Biglang sabi ni Marga.

"Nasa bundok pa'rin siya, baka nga may asawa na siya roon."

"Bakit kasi namundok siya? Ganon ba siya ka affected sa break up nila ni ate Trisha kaya naisipan nalang niyang magpunta sa bundok? Kung ganon bakit hindi niya nalang inayos ang relasyon nila ng ate mo." Tinignan ni Marga si Thirdy.

Hindi nagsalita si Thirdy. Madalas hindi siya sumasali sa usapan ni Marga kapag tungkol sa ate niya. Naiintindihan ko naman kung bakit pero itong si Marga lagi niya nalang dinadamay si ate Trisha.

Alam ko gaano kahirap kay ate Trisha ang break up nila, lalo na at kasalanan niya dahil nag cheat siya kay kuya. Siya ang sinisisi ng mga tao, lalo na nga friends nila.

Sinipa ko na si Marga sa ilalim ng lamesa bago pa siya may masabi.

Masabi na narinig namin ang usapan ni kuya Temper at ate Trisha kung anong dahilan ng break up nila.

My Brother Is Annoying Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon