🖤3

540 17 5
                                    

CHAPTER 3.

TEMPER:

"Totoo bang nag away kayo ni kuya, Tapos na ospital ka?"

Tanong ni Tammy kay Art. Nag taas ako ng kilay habang nakatingin sa pisngi niyang namumula. Pangit na nga mas lalo pang pumangit.

Tumawa si Art. "Hindi nagbibiro lang ako, ganon ba ako ka weak sa paningin mo, Tammy." Ginulo niya ang buhok ni Tammy.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Tammy wala naman siyang sugat o pasa magulo lang ang buhok niya at iyong pisngi niyang namumula.

"Hindi! mas strong ka nga kesa kay kuya." Tumingin siya sa akin at inirapan ako.

"Narinig mo 'yon, Tem. Sa kapatid mo mismo na nanggaling." Asar ni Art.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tammy, huwag mo ng uulitin iyon, paano kung hindi kami dumating?"

"Pero kuya sila naman nagsimula!"

"Paano? Ano bang ginawa nila sayo Tammy?"

Pinakinggan ko lang ang usapan nila.

"Si Anne kasi sinabihin niyang kriminal si kuya Temper kaya nainis ako. Sinagot ko siya! Hindi ko naman alam na aabangan nila ako."

Napahinto ako. Kaya siya na-paaway dahil pinag tanggol niya ako? Hindi ko iyon inaasahan.

"Sa susunod huwag mo na 'yon gagawin. Huwag mo na kaming gayahin ng kuya mo." Sabi ni Art at hinaplos ang pisngi niyang namumula.

"Tara na." Nauna akong naglakad, hindi pa ako nakakalayo tinawag na ako ni Tammy.

"Kuya!" Tawag niya.

Nilingon ko siya.

"Ano?"

"Hindi ako makalakad." Nakangusong sabi niya. "Natapilok kasi ako kanina kaya hindi ako makapaglakad ng maayos."

Tinignan ko ang paa niya. Medyo namumula, bakit hindi ko iyon nakita kanina.

"Anong gusto mong gawin ko?" Medyo iritado kong tanong. Tangina naman kasi Naiihi na ako.

"Piggy backride." Binuka niya ang dalawang braso niya at sinenyasan ako na lumapit sa kaniya.

"Kaartehan mo, Tammy. Kaya mo na 'yan!"

Ngumuso siya at tumingin kay Art.

"Kuya Art, Ikaw nalang wala kasing kwenta yung kapatid ko." Sabi niya habang nakatingin ng masama sa akin.

Humalukipkip ako at pinanuod sila.

"Tigilan mo 'yang kaartehan mo, Halikana!"

Ngumuso siya. "Hindi naman ako nag i-inarte! Masakit nga talaga! Saka kasalanan mo naman ito. Kung hinintay mo ako kanina pauwi hindi iyon mangyayari!" Sigaw niya.

Masama kaming nagkatinginan.

"Sige na, Tem. Ako nalang." Sabat ni Art.

"Buti pa si Kuya Art Mabait." Aniya, pero sa akin parin nakatingin. "Yung isa dyan saksakan ng sama ng ugali hindi naman gwapo." Pang iinsulto niya.

Naglakad ako palapit sa kaniya at yumuko.

Nilingon ko siya. "Sakay na."

Halos bumagsak ako sa lupa dahil sa biglang pagsakay niya sa likod ko. Fuck!

"Yes!" Tili niya. "Ikaw talaga kuya pa feeling cold hearted brother ka pa pero mahal na mahal mo naman ako. Ayie! Tara na! Lets go!"

"Tumahimik ka nga." Singhal ko.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now