🖤 1

1.3K 29 4
                                    

Chapter 1.

"Basagin mo pagmumukha niyan! siguraduhin mong basag 'yan, kundi mukha mo babasagin ko." Utos ko kay Art.

"Gago!" Sagot niya habang walang tigil ang pagsapak sa lalaking kaaway namin.

Umupo ako sa damuhan at pinunasan ang dugo mula sa pumutok kong labi. Weak pala nitong putangina leader nila, isang sapak tulog na. Puro yabang kasi wala naman binatbat.

"Sa susunod, kilalanin mo kung sinong babanggain niyo! Inutil." Sinipa ni Art ang lalaking nakaratay sa damuhan katabi nito ang mga bobong kasamahan niya.

lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Pumutok labi mo tol." Tinuro ni Art ang bibig ko.

"Alam ko, gago."

Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko na puro damo at mantsa ng putik, ganon din ang kay Art.

"Tara na."

Nauna akong naglakad.

Napansin kong hindi nakasunod si Art sa akin kaya nilingon ko siya. Hawak na ni Mrs. Lampara ang tainga niya. Shit, naloko na.

"Kapag minamalas ka nga naman." Bulong ko, Siguradong sa detention ang bagsak namin ngayon.

"Tem, tak---" Hindi natuloy ni Art ang sinasabi dahil piningot siya na Mrs, lampara.

Natawa ako nang mag sisigaw si Art, Puro pasa ang mukha niya, tanga-tanga kasi makipag suntukan. Sinabi ko ng huwag siyang mag pasuntok sa mukha. Sinenyasan ako ni mrs. Lampara na lumapit sa kaniya.

Gusto ko tumawa dahil sa kilay niya, pinigilan ko lang.

"Come here Mr, Severo." Sabi nito habang kinakaway kaway ang kamay, ano ma'am feeling nasa Ms. universe?

Yumuko ako nang makaharap sa kaniya.

"Kayong dalawa!" Hinawakan niya ang tainga ko at malakas na pinihit. "Hindi ba talaga kayo mag titino?!"

Napapikit ako sa sakit nang pag pihit niya. May araw ka din sa akin.

"Ma'am, ang turo sa'kin ng nanay ko huwag akong magpapa-api." Katwiran ko.

"Inapi ka ba? Sa tagal mo nang nag aaral dito. Kilalang-kilala na kita. Severo, Sandoval."

"Sige po. Ano pong favorite kong ulam?" Tanong ni Art.

"Go to my office!" Sigaw niya sa'min, nagtinginan kami ni Art at natawa.

"Lakad, Dalian niyo!

Naunang siyang naglakad sumunod kami ni Art, habang papunta sa office ni mrs, Lampara pinag titinginan kami ng mga babae. Alam ko naman kung bakit dahil mukha kaming mga dugyot sa itsura namin.

"Ang dumi na'tin." Bulong ni Art.

Hindi ako sumagot at naglakad nalang pagdating sa office sinimulan na niya kaming sermonan. Nakayuko lang kami ni Art at nagpipigil ng tawa, siniko niya ako kaya nilingon ko siya. Tumawa si Art at tatawa sana ako nang biglang marinig ang pagsara ng pinto.

"Ma'am, Heto na po yung textbook ng grade seven." Pamilyar ang boses na 'yon.

"Tem, kapatid mo." Bulong ni Art, inangat ko ang ulo ko.

Sabi na. Si Tammy bunso kong kapatid, ang matalino at masipag na kapatid ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa matalim niya ako tinignan at sinenyasan na isusumbong kay mommy.

Bumaba ang mata niya sa polo kong puno ng putik.

"Hey, sis." Kinawayan ko siya.

Hindi niya ako pinansin, tumingin nalang ulit kay Mrs, Lampara mukhang lampara.

My Brother Is Annoying Where stories live. Discover now