🖤56

75 2 0
                                    

CHAPTER 56:

Maaga umalis si Art kinabukasan, nakatingin ako sa kanya habang papasok siya sa kotse niya. Katabi ko si kuya Temper na kakagising palang gulo gulo pa ang buhok habang walang damit pang itaas.

"Aalis kana, tol?" Lumapit si kuya Temper kay Art at tinapik ang balikat niya.

"Oo, kailangan nandoon na ako before lunch." Sagot naman ni Art.

"Isama mo na 'tong makulit na to." Binalingan ako ng tingin ni kuya Temper.

"Ayaw eh, gaganti pa raw sa'yo." Sagot naman ni Art.

Kahit gusto ko umapila hinayaan ko nalang ang pang aasar niya. Ako lang rin kasi ang maiinis kapag pinansin ko siya.

Inirapan ko si kuya Temper at tumingin nalang kay Art. Saktong pa lapit na siya sa'kin.

"Text mo ako kung uuwi kana, susunduin kita agad." Sabi niya nang makalapit.

Tumango ako ay yumakap sa kaniya.

"Baka bukas din nga mag pasundo na ako dahil mamimiss kita agad." Medyo pabebe ang boses ko.

"Arte." Narinig ko si kuya Temper.

"Tawagan mo ako lagi." Sabi ni Art.

Tumango ako. Humiwalay na si Art ng yakap sa'kin. Napansin kong gusto niya akong halikan kaso naiilang dahil nakatingin sa'min si kuya Temper kaya ako nalang humalik sa pisngi niya.

"I will miss you." Sabi ni Art at isang beses pang humalik sa noo ko.

"I will miss you too." Sagot ko.

He just smiled, pumasok na siya sa kotse at ako naman pinanood lang pag alis ng sasakyan niya.

Kumaway pa ako ng isang beses hanggang sa unti- unting nawala na ito sa aking paningin.

Tumingin ako kay kuya Temper na nakatingin lang din sa'kin. Inirapan ko siya at pumasok na sa loob para mag breakfast.

Umupo ako sa lamesa at nag tingin ng pagkain. Nagluto siya ng usual na almusal fried rice and hotdog.

Nag simula na akong kumain sabay na pag pasok niya.

"Kape o gatas?" Tanong niya.

"Gatas." Sagot ko at kumain ulit.

Ewan ko siguro sa tagal na namin hindi nagkita medyo naiilang na ako. Hindi na ako maka act kagaya dati na spoiled brat na laging gusto ng away. I hate this! Gusto kong bumalik kami kagaya ng dati.

"Gatas mo prinsesa." Nilapag niya ito sa harap ko at umupo.

"Ang panget mo na." Sabi ko habang tinitignan siya.

Maitim naman siya dati or moreno pero yung pagka dark niya ngayon ewan mas umitim siya.

"Ikaw din, you look stressed parang hindi inaalagaan ng tama." Ngisi niya.

"He is treating me well!" Umapila ako agad.

Art is treating me well, inaalagaan niya ako palagi at hindi niya ako binibigyan ng sakit ng ulo.

"Aba! Dapat lang." Sabi niya. Sa tono na parang pinagbantaan niya si Art.

"I'm stressed because of you!" Tinignan ko siya ng masama.

"Ako? Ginagawa ko sayo. Lumayo na nga ako stress ka pa'rin saan naman ako lulugar sayo, Tammy." Nag kamot siya ng ulo.

"Kasi hindi na tayo gaya ng dati. I miss the old us kuya. Pakiramdam ko hindi na kita kilala. You've changed. Miss ko na yung Temper na inaaway ako lagi." Sinagot ko ng totoo ang tanong niya.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Feb 18 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

My Brother Is Annoying Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin