"You are so handsome." Wala sa sariling naibulalas ko. Subalit laking gulat ko ng bigla siyang ngumisi.

Dang it! Nakakaintindi nga pala ito ng english. Sa story na Arrow Pen, siya ay isang antipatiko at tahimik na lalaki. Hindi palangiti at laging nakangisi sa harapan ni Olivia. Matalino at isang manunulat,  at oo siya ang love interest ni Olivia. Ito rin ang lalaking nagligtas sa kanya. Pero sa aking pagkaalaala hindi alam ni Olivia iyon, clueless pa siya.

"Salamat sa papuri, subalit sa papaanong paraan mo naman natutunan ang salitang ingles na iyan?" usisa nito.

"Hindi naman ganoon kadami kagaya ng  iyong iniisip ang alam ko." Napapalunok pa ako nagiingat sa sasabihin, mamaya kasi mali pala iyong nasabi ko. Edi nategi na!

Tumango-tango siya.

"Subalit, tila yata nagbago ang ihip ng hangin. Hindi kana inis bagkus ay pinupuri mo pa ako." Bumalik sa alaala ko ang character ni Olivia.

Tsk! Oo nga pala, panay ang asaran ng dalawa at panay ang pambubuska. Bakit ko ba naisipang sabihin iyon sa kaniya? Fan girl ka ghorl? Buset!

Napabuntong hininga ako. Kailangan ko na namang lusutan ito.

Fighting Laveinna!

"Wala naman akong tinutukoy na kung sino Ginoo. Akin lamang sinusubukan kung tuwid ko bang masasalita ang lenggwaheng banyagang aking natutunan." Sana makalusot!

Tumaas ang kilay ni Leonardo at napangisi na lang.

"Napakagaling mo talaga sa mga argumento." Muling nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko alam pero gusto ko ang ganito, iyong tipong magkatitigan kami na parang nauunawaan ang isa't-isa. Ganito rin ang pakiramdam ko kapag tumititig sa mata ni Peter Einstein.

Napakarami kong tanong sa isipan. Katulad na lang ng bakit kamukha ni Leonardo si Peter? Bakit ako si Olivia? Reincarnation, posible ba talaga iyon? Nasaan na iyong sakristan? Anong meron sa isang iyon? Posible kayang si Leonardo at Peter ay iisa? Reincarnation ni Leonardo si Peter ganon? At last but not the least, sino si Ten?

Naputol na lang ang lumalalim naming titigan nang biglang umalog ang kalesang aming sinasakyan. Agad siyang umalalay sa'kin.

Feeling ko ay biglang humaba ang hair ko ngayon? Teka, ano nga bang shampoo ang ginamit ko last time?

Ang lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay nakuryente ako nang lumapat ang kamay niya sa braso ko upang alalayan ako. Mukhang dumaan sa baku-bakong daan ang kalesa.

Nang hindi ko iyon kayanin ay agad akong lumayo. Naramdaman kong ganoon din ang ginawa niya. Huminga ako ng malalim at ibinaling na lang ang tingin sa kamay ko.

Hanggang sa makarating kami sa mansyon ay tahimik lang siya, ganoon din syempre ako. Ewan ko kung natahimik siya o normal na iyon sa kaniya. Basta ako nanahimik ako ng sapilitan.

Ang awkward kaya!

Sa pagbaba namin ng mansyon, bumungad sa akin ang isang napakalaking bahay. Sa tarangkahan nito kanina ay may nakalagay na 'Hacienda Laong'.  Namangha ako sa hitsura ng bahay na iyon, brown at puti ang tema ng bahay. Medyo may pagka-gothic siya pero mas lutang ang pagiging Spanish style nito. Para lang akong pumasok sa bagong patayong bahay na may temang Spanish style. Binati pa kami ng mga trabahador ng Hacienda. Bago ako lutang na pumasok sa loob ng bahay.

I gulp when I look around. The familiar vicinity, smell and feeling are literally making me nervous. Pakiramdam ko ay uminit ang sulok ng mata ko. Nakagat ko ang labi upang pigilang mapaluha. The feeling is so overwelming. Sobrang saya ko. I feel like I'm back.

"Oh, narito na pala kayo. Halina at maghapunan na tayo. Kanina pang naghihintay si Señor Carlos sa inyong pagdating." Doon na nabaling sa babaeng nagsalita ang aking tingin. Ang luha ko ay agad na umatras kasabay ng pagatras ko nang mamukhaan ang babaeng nakasuot ng itim na saya, nakatayo siya sa may pinto at nakangiti sa amin.

"Magandang gabi, Binibining Agnes," seryosong turan ni Leonardo. Tila ba napahiya si Agnes at nangiwi.

"Pasensya na po mga Ginoo. M-Magandang gabi." Tinanguan lang siya ng supladong lalaki bago ito magpatiuna at nagtungo na sa kung saan. Hindi ko na iyon pinagkaabalahan dahil masyado akong tinamaan ng pagkabigla sa babaeng tinawag na Agnes.

Oh my gosh! Hindi ako pwedeng magkamali, siya ito iyong babaeng nakabangga ko noong minsan sa school. Siya iyon, si A.K. ang babaeng may pangalang Aizael Kaye.

"Olivia, bakit ganiyan ka makatingin sa akin? Tinatakot mo naman ako," nakabusangot na turan niya.

My gosh! Feeling ko ay bigla akong nahihilo. Anong ginagawa niya rito? Teka, ibig sabihin ba nito na si Aizael ay si Agnes dito? Seryoso?

"P-Pasensya na. Ano, m-masama lang ang a-aking pakiramdam." Hindi ko alam kung tama ba iyong isinagot ko. Ang awkward kasi, ang awkward para sa akin.

"Ganoon ba? Naku, ano ba ang nangyari sa inyong paglalakbay?" Hindi naman ako nakasagot at mukhang naunawaan niya naman na ayaw ko munang magkwento. Hindi naman din sa ayaw ko, wala lang talaga akong matinong ma-i-ku-kwento.

Anong sasabihin ko sa kaniya? 'Hi! Ako si Laveinna, mula sa future. Kararating ko lang dito kanina sa hindi ko malamang dahilan.'

Edi isipin nito nababaliw na ako. Hay ewan!

"Mukhang masama nga ang iyong pakiramdam. Halika at nagluto ako ng hapunan. Maghapunan ka muna." Tatanggi pa sana ako kaya lang late na. It's over na, tumunog na ang nagmamagaling kong tiyan. "Huwag mong subukang tumanggi, halika na," natatawang turan niya matapos ay bigla ako nitong hinila. Nagpaubaya na lang ako.

Dumiretso kami sa kanang bahagi ng pasilyo at nilampasan namin ang living room. Hindi pa rin ako masanay sa bawat nakikita, masyadong makaluma ang mga gamit at may piano rin doon at trumpeta. Sa pagpasok namin sa hapag kainan, doon na ako tuluyang natigilan. Pakiramdam ko na stock ang paa ko sa sahig at na-glue ito roon bigla nang dahil sa taong nakaupo sa pinakadulo ng upuan na nabungaran ko.

"Ramiro, nariyan kana pala. Halika at daluhan mo kami, nasabi sa akin ni Leonardo na ikaw daw ay nawalan ng malay. Aba at napakahina naman yata ng iyong pangangatawan. Hayaan mo at mag-e-ehersisyo tayo sa mga susunod na araw." I was stunned and not able to say anything. Pakiramdam ko tatakasan na ako ng kaluluwa. The man is no other than, Joseph Manalo that I met at the bookstore, same at the bus.

"Hayaan mo na ang kapatid mo Carlos, kaya na niya ang sarili niya. Ang intindihin mo ay ang iyong Bahay Aliwan. Narinig ko kanina na nagkagulo roon noong nakaraang gabi," singit ni Leonardo.

Teka, tinawag niya bang Carlos ang lalaking kamukha ni Joseph?

WTF!

I M _ V E N A

El Destino desde 1870 (The fated since 1870)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ