Chapter 57 : Niyebeng Puti

Start from the beginning
                                    

Araw-araw kapag papasok ako ay dumadaan ako sa bahay sa kanto ay wala naman akong nakikitang nakitira doon,ang tataas na nga ng mga damo sa paligid ng bahay at masasabing walang tao roon.

Parang pinagpawisan ako bigla sa aking naisip...ang masama pa nito ay madilim ang kalye na nilalakaran ko ngayon dahil wala pang mga ilaw ang mga poste rito,..bukod pa sa nakakatakot ay ang sinag ng buwan na tanging tanglaw ko sa paglalakad.

Naalala ko rin na puro puti ang suot ni Thelma......

HINDI kaya isang white lady si Thelma?.....lalo akong kinabahan.Sa takot ko ay bigla akong napatakbo ng mabilis.Ayaw kong lumingon sa bahay kung saan huli kong nakita si Thelma.Mamaya kasi sundan ako nito......

"Ohhh?!..bakit parang namumutla ka Archie...para kang nakakita ng multo"....ang tanong ni Myra sa kabilang bintana.

Kapit-bahay ko si Myra at madalas na nagkwekwentohan kami sa tapat ng bintana.

"Ummm si Casper pala pinakain ko na...ang tagal mo kasing umuwi eh,naawa ako kaya binigyan ko na ng makakain"...ang kwento ni Myra.

"Myra hindi ba walang nakatira roon sa bahay sa may kanto? "....ang tanong ko kay Myra.

Lumapit si Myra sa kanyang bintana dahil ayaw niyang magising ang Mommy niya.Dahil ang alam ng Mommy ni Myra ay tulog na siya ng ganitong oras.

"Oo walang nakatira roon.."ang sagot ni Myra sa akin.

Lalong tumindig ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ko kay Myra na walang nakatira roon.

Sinabi ko kay Myra ang nangyari sa akin at hindi rin siya makapaniwala.

"Naku kasi Archie magdasal ka bago matulog,..mamaya katabi mo na dyan si Thelma na yan".....ang nang-aasar na sabi ni Myra.

"Wag ka namang manakot Myra..."...Sa takot ko ay binuksan ko lahat ng ilaw ng bahay pati banyo ay bukas din ang ilaw.

"Biro lang Archie ito naman..hayaan mo babantayan kitang matulog,...kapag nakatulog kana saka ako matutulog"....ang seryosong sabi ni Myra sa akin.

Parang gumaan ang aking pakiramdam ng marinig ko ito kay Myra,...parang nawawala ang bigat na aking pinapasan kapag kasama ko siya.

"Nabanggit mo si Snow White...sa kwento mo kanina sa akin Archie....alam mo ba na totoo ang kwento ni Snow White?...ang paliwang ni Myra sa akin.

"Ibig mong sabihin batay sa totoong buhay ang kwento ni Snow White?...ang nagtataka kong tanong kay Myra.

"Oo ito ang natuklasan ko kanina sa aking pag-aaral sa totoong kwento ni Snow White."..ang sabi ni Myra habang binubuksan ang file sa kanyang computer.

Kumuha ako ng upuan at inilagay ko iyon malapit sa bintana para maupo roon at makinig sa kwento ni Myra....mahilig kasi ako sa history.

At sinimulan na ni Myra na basahin ang kanyang natuklasan tungkol sa buhay na pinaniniwalaang pinagkunan ng kwento ni Snow White.

Si Margaretha Von Waldeck ang sinasabing pinagkunan ng inspirasyon sa sikat na fairy tale na Snow White and the Seven Dwarfs.

Noong 1994..,isang german historian na nagngangalang Eckhard Sander ang naglathala ng libro na pinamagatang "Schneewittchen: Marchen oder Wahrheit? (Snow White: Is It a Fairy Tale?)".

Ayon kay Eckhard Sander ang karakter na Snow White ay hango sa buhay ni Margaretha Von Waldeck na ipinanganak noong 1553.Isa siyang german aristocrat.

Ang kanyang ama ay si Philip IV, Count of Waldeck-Wildungen (1493-1574) at ang kanyang ina ay si Margaret Cirksena (1500-1537), daughter of Edzard I, Count of East Frisia.

Margaretha Von Waldeck ( pinaniniwalaang karakter sa likod ng sikat na fairy tale na Snow White)Namatay ang kanyang ina noong apat na taon pa lamang si Margaretha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Margaretha Von Waldeck ( pinaniniwalaang karakter sa likod ng sikat na fairy tale na Snow White)
Namatay ang kanyang ina noong apat na taon pa lamang si Margaretha.

Nang mag-asawa ulit ang kanyang ama sa katauhan ni
Katharina von Hatzfeld (1510-1546) ang kanyang stepmother ay pwersahan siya nitong pinaalis ng palasyo.Marahil ay dahil sa sobrang ganda raw ni Margaretha ayon sa mga nakalap na dokumento.

Maaring naiinggit ang stepmother niya at ito ay mababasa mo rin sa kwento ng Snow White.

Ang kanyang ama ay nagmamay-ari ng minahan at karamihan sa mga nagtratrabaho rito ay mga bata at dito kinuha ang sinasabing ideya ng Seven Dwarfs.

Pinatapon siya ng kanyang ina sa Wildungen sa Brussels kung saan nakilala niya si Phillip II ng Espanya.Sinasabing nahulog ang loob ni Margaretha kay Phillip II pero tutol dito ang kanyang mga magulang.

Noong 21 years old na si Margaretha ay misteryoso itong namatay at sinasabing nilason ito.Sa kwento ng Snow White ay nilason siya sa pamamagitan ng pagkain ng mansanas.

Namangha ako sa kwento ni Myra sa akin...madami talagang hiwaga sa mundo natin.

"Archie....hoyyy..naku nakatulog na?....napailing ang ulo ni Myra at napangiti ito.

Ang Babae sa mga Pahina (On-going)Where stories live. Discover now