Chapter 1 - Dungis

10.2K 248 14
                                    

Sa mundong ito, iilan na lamang ang nakikita nating may magagandang nais at mabubuting mga puso. Marami man ang nagsasabi na mabait at malinis sila, sa likod nito, lahat sila ay makasarili, dahil kami ay marumi...


Ako si Carl, at least... yun ang naaalala kong pangalan mula sa aking mga magulang. Wala akong maalala sa aking nakaraan dahil sa isang aksidente kundi ang aking pangalan at mga mukha ng aking mga patay na magulang.


Hindi ako yung tipong batang kalsada na mahilig maglaro at magbigay ng gulo at malimos sa mga dumadaan, tahimik lang ako, naglilipat-lipat ng puwesto para magpahinga't maglakbay at kung sino man ang mabait na nilalang na magbigay ay hahayaan kong tadhana ang magbigay sa akin nito.


Halos dalawa o tatlong biskuwit lamang ang aking natatanggap mula sa mga taong dumadaan at kung may barya man, pambili ko na ito ng tubig.


Habang ako'y naglalakbay ay nakita kong tumitirik na ang araw kaya naisipan ko munang magpahinga matapos kong ilatag ang kariton at ang papel na aking sinulatan ng tulong.


Nang ako'y nasa ilalim ng silong at nakasandal sa pader, sunod kong naramdaman ang pagkulo ng aking tiyan dahil sa gutom. Kailangan ko ng makakain...


Ilang saglit lamang nakarinig ako ng tunog ng isang bell ng 'di kalayuan. Tumayo ako't nagtungo kung saan ito nagmula, isang tindahan.


Malamig ang hangin sa loob, nakita ko ang mga pagkain na nakalagay, kailangan ko talaga ng tanghalian, kaso wala akong pera. Natuklasan ko na ang isang pagnanakaw na naganap, tinuruan ako ng isang bata dati, kaso tumanggi ako sa gawain na ito dahil nahuli siya ng isang malaking tao, pulis.


Yumuko ako para tingnan ang aking palad... marumi, at nakita ko ang aking sarili sa salaming pinto ng tindahan dahil sa tirik ng araw, madungis, marumi...


Tiningnan ko muli ang aking palad at bumuo ng kamao bago ko itinangkang magnakaw ng pagkain.


Sumulyap ako't nakita ko na busy ang tao na nasa dulo, isa ata siyang trabahador sa tindahan kaya sunod akong tumingin sa aking paligid, konti lamang ang mga tao, at puro mga sasakyan lamang ang dumadaan kaya tahimik akong pumasok ng hindi tumunog ang bell.


Yumuko ako't ginamit ko ang maliit kong katawan para maka-iwas sa kanyang mga paminsan-minsan niyang sulyap at sa pagtatago ko.


Nakita ko ang mga bote ng tubig sa isang malaking lalagyan at dahan-dahan ko itong kinuha't sinara. Sunod akong kumuha ng ilang mga biskuwit at tinapay.


"Hoy, bata. Anong ginagawa mo rito?" isang malalim na boses ang narinig ko sa aking likod habang ako'y nakayukod.


Paglingon ko ay nakita ko ang isang matangkad na lalake, nakakatakot ang kanyang tangkad at nakaramdam ako ng malamig na dulot sa aking likuran at agad akong tumakbo papalabas.


"Hoy! Bata!" sigaw niya at patuloy akong tumatakbo habang bitbit ang tinapay at inumin.


Carl to Calvin [COMPLETE]Where stories live. Discover now