Sasabat pa sana si Kuya--- Si Kuya White, naka-white kasi siya. Pero nagsalita na 'yong naka-assign sa harapan. Mag-uumpisa na ang flag ceremony.

Ayon! Umawit na kami ng Lupang Hinirang, nag-Panatang Makabayan at nag-Panunumpa na kami. And now, tentenen----huhuhu!

Bakit nandito si Ma'am Principal? Akala ko 'di siya papasok? Mag-announcement number 1 na naman 'yan hanggang number 10, mabibilad kami sa araw. Magiging daing na yata kami nito o kaya uling. Huhuhu! Pero okay lang, maitim naman ako. No! Scratch that, kayumanggi balat ko.

"Good morning students. How are y'all?!" bati ni Ma'am Principal.

"GOOD MORNING MA'AM! WE'RE OKAY!" sigaw nila. Yes, sila lang. Hindi ako sumali. Nakakapagod kaya sumigaw. Saka ang init-init.

"Announcement number 1 blah blah blah----" huhuhu! Ayan na naman siya. Ang tagal na naman namin nito makapasok ng classroom.

"Announcement number 1 blah blah blah--" napahagikhik ako nang ginaya siya ng schoolmate namin na lalaki. Ang sama ng ugali, lagot 'yan kapag nahuli siya. Nasa bandang unahan pa naman siya.

Talagang ginagaya niya ang Principal habang nagsasalita kaya nawala pagkabagot ko at 'di ko na ramdam 'yong init dahil sa pinanggagawa niya. Muntik pa nga kaming mapagalitan eh. Bakit daw kami tumatawa? May nakakatawa ba raw ba sa sinabi niya? Sinagot ko nalang ng, "Wala po ma'am, may umutot po kasi." kaya ayun! Mas lalong lumakas ang tawanan. Pero 'di naman ako clown eh. Buti nalang 'di ako napagalitan.

Nakipaghigh five pa 'yong si Kuya na gumagaya kay ma'am kasi ang galing ko raw. Aww! I'm proud of myself. Hihihi!

"Kuya Blue!" Tawag ko kay kuya no'ng dinismiss na kami. Lumingon naman siya kaya hinila ko si Jane papunta sa kanila saka tumalon sa kanilang harapan.

"Oh bakit?" Nakangiting tanong ni Kuya Blue.
Buti pa si Kuya Blue at Kuya Black ngumingiti, si Kuya Pink at Kuya Gray, hindi. Hmp!

"HI! Wala lang po. Hihihi"

"Ewan sa'yo na bata ka. Bakit ka kaya naging pinsan ni Johnrey?" tanong ni Kuya Black.

"Nagtataka ka pa kuya? Kasi cute ako, siya pangit. Weew! Hihihi!"

"Ikaw cute? Hmm, sabagay. Cute ka naman talaga kasi bata ka pa." Sagot ni Kuya Black at nagkunwari pang napaubo.

" Hindi nga ako bata! HINDI!" reklamo ko habang nagpapadyak. Sila naman tawang-tawa saka nagpatuloy sa paglalakad. Pati bestfriend ko tumatawa, kaya napasimangot naman ako saka siya hinila papuntang classroom namin.

---

First subject namin, English. Second subject Filipino. Okay naman first subject namin, Introduce yourself then sulat ng name sa 1/8 then isusulat daw namin 'yong mga nangyari no'ng bakasyon. I was stunned. Anong isusulat ko? 

I wrote my name and section. Magsusulat na sana ako pero naalala ko na naman 'yong nangyari last month. Kailangan ko bang isulat 'yon? Lahat ng 'yon? Kasi 'yon lang naman ang nangyari last month eh.

"Best?" dinig kong tawag sa'kin ni bestfriend.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong sabay punas ng mga luha ko. Luha? Umiyak na pala ako nang 'di ko namamalayan. Kailan ba mauubos luha ko? Hanggang kailan ko siya iiyakan? Ilang years pa ba bago ko siya makakalimutan? Pero parang ayaw ko siyang makalimutan. 'Di ko kaya.

"Best? Anong nangyari?" umiling lang ako saka tipid na ngumiti sa bestfriend ko para 'di na siya mag-aalala. Ayaw kong magsalita, baka 'di ko na makayanan. Tumayo nalang ako saka nagpaalam sa aming teacher.

"Ma'am? M-may I go out?"  mahinahon kong tanong saka yumuko kasi babagsak na naman luha ko.

"Okay." Dali-dali akong lumabas no'ng narinig kong nag-okay si maam. Nakayuko lang ako habang palabas pero ramdam ko na may mga matang nakatingin sa'kin pero binalewala ko nalang. Dumiretso ako sa likod ng classroom namin at 'di na pinigilan ang mga luha ko at saka humagulhol.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara