Chapter 28

5.8K 200 78
                                    


---

*JELINE POV


After 2 months...

 Two months. Two months na siyang iniiwasan ng mga kaibigan niya. Ang saya hindi ba? Hahaha! At 'yong ibang kaibigan niya, nakipagkaibigan na sa'kin. Hindi niya alam, nakipagplastikan lang pala sa kanya. Aww! Poor Kyla Mae Serrano. Iisa nalang ang totoong kaibigan na natira sa kanya. Ang pareho niyang loser, named Mary Jane Santos. Hahaha! Mga walang kwenta!

 Yeah, bestfriends kami dati. DATI. Pero dahil naging boyfriend niya si Baron, galit na ako sa kanya. Malandi siya! Mahal ko si Baron, pero siya ang niligawan? Siya ang nagustuhan? Mas maganda naman ako sa kanya! Nilandi niya lang si Baron kaya naging sila. Sino naman ang papatol sa katulad niyang boring kasama 'di ba? Puro pa kalokohan ang alam, nakakahiyang kasama.
Pinagsisihan ko tuloy kung bakit naging bestfriend ko 'yan. Nakakasuka pagmumukha niya.

 Nandito kami sa classroom, nakatingin lang ako sa kanya ng matalim. Paano siya nakakatawa ng ganyan habang 'di niya alam kung sino ang tunay niyang kaibigan? Paano siya nagiging masaya eh iniwan na siya ng mga kaibigan niyang lalaki? Abnormal talaga siya at tanga pa. 

Napangisi nalang ako sa mga nangyayari. Nakakatuwang isipin nawala na siyang kakampi. Pero nabebweset ako do'n kina Arvin and his friends. Nakipagkaibigan na naman sa kanya. Leche talaga!

"Hoy! Kanina pa kita kinakausap."  Napapitlag tuloy ako at inirapan si Jeralyn.

"What is it?"

"Sabi ko, kung may laser lang 'yang mata mo. Kanina pa yan na-dead."  Nakangisi niyang sagot at tiningnan din ang babaeng kinabwebwesetan ko.

"Sana nga meron eh! Para mawala na siya sa landas ko."  Inis ko namang sagot sa kanya at matalim na tiningnan ang babaeng malandi.

"Kaya nga eh! Pero hayaan mo, mawawala din 'yan."  She said saka nagsmirk.Nakita ko naman na tumayo siya. Paalis yata? Kaya tumayo din ako ako at binangga siya.

"Aww!"  tiningnan naman niya ako saka suminghap nang nakita niya ako. Ngumiti naman ako ng matamis sa kanya.

"Grabe! Nagulat ako! Akala ko aswang!"  sigaw niya. Napakuyom naman ako ng kamao ko. Leche talaga itong babaeng 'to. Talagang inuubos niya pasensya ko.

"Kung aswang ako. Eh ano ka?"  nakangiti ko namang tanong sa kanya.

"Oh great! Inamin mo din na aswang ka! Oh my God!"  parang natutuwa niyang sagot at pumapalakpak pa. Susugurin ko na sana siya pero may dinugtong siya at tiningnan ko siya ng matalim. "Me? You asked me if who I am? God! My dearest Jeline .Ako lang naman ang bestfriend mong tinraidor mo. Poor you! Ulyanin na."  Nang-aasar niyang dugtong na lalong nagpagalit sa'kin.

Ngumisi naman ako bago sumagot sa kanya. "Kaya ka iniiwan ng mga kaibigan mo dahil sa ugali mo!"

"No, you're wrong. Kaya ako iniiwan ng mga KAIBIGAN ko. Dahil ayaw nila sa mga katulad ko. Ang gusto nila, ang mga KATULAD mo!"  pinagdiinan talaga niya ang 'kaibigan at 'katulad' ha? Bweset talaga!  "Saka 'di ako iniwan ng mga kaibigan ko. Nandiyan sila oh! Nasa likod mo. Naka-white lahat at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa inyo. Awoo!" naramdaman ko namang kumapit sa'kin si Jeralyn. Duwag!

"Ahh! I HATE YOU!"  sigaw ko.

"Ahh! I HATE YOU TOO! Mukha kang pato!"  nakangisi niyang ganti at nagsipagtawanan naman mga classmates namin na nakikiusyuso. Nilibot ko paningin ko, ang dami palang andito pati taga kabilang section. Sina Jake nandito din. Sasampalin ko na sana siya dahil sa pamamahiya niya pero itinaas niya ang kamao niya.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon