Chapter 59:SEE YOU AGAIN

3.9K 141 49
                                    

*KYLA/JAYCA POV*

Narinig kong bumukas ang pintuan ng ER kaya napatingin ako dito. Lahat kami nakatingin at naghihintay sa sasabihin ng doctor. Kakaiba ang nararamdaman ko dahil napakatamlay ng doctor.

Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanya at akasabay ko pa sina mama.

"Doc, how's my brother?" tanong ko kaagad. Bumuntong-hininga ito at tumingin sa'kin.

"I-i'm so sorry. We did our best but--!"

"Wha-what do you mean?"  naguguluhan kong tanong at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nag-umpisa ng manginig ang aking kalamnan.

"Mr. Sandoval is dead. I'm so--!"

"NO!"   sigaw ko at agarang pumasok sa ER. I heard my mom screaming.

"Kuya!"  sigaw ko nang makita ko ang katawan niya. Iyong kamay niya lumaylay na. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang defibrillator sa isang nurse at itinapat sa chest ni kuya.

"Ma'am! Wala na--"

"Shut-up! Shut-up!" sigaw ko habang nanginginig mga kamay ko habang nirerevive si kuya.

No! He can't die! Nagpromise siya na magsasama kami hanggang pagtanda.

"C'mon kuya! Wake-up! WAKE-UP!"  sigaw ko habang paulit-ulit na tinapat ang defibrillator sa kanya.

"KUYA! HINDI KA PWEDENG MAMATAY! NANGAKO KA! NANGAKO KA! BUMANGON KA DIYAN! 'DI YAN MAGANDANG BIRO!"  sigaw ko at itatapat na sana ulit ang defibrillator kaso may pumigil sa'kin.

"Enough baby. Wala na siya. Wa-wala na." umiiling ako habang nakatitig kay Kuya Jason at nabitawan ko na ang defibrillator.

"Hi-hindi kuya. Na-nangako si Kuya Jason. Sabi niya-sabi niya babawi siya sa'kin. 'Di siya pwede mawala kuya. Hindi pwede." 'di ko na napigilan sarili ko at parang nawalan ako ng lakas.

Buti nalang nasalo ako ni Kuya Jake nang matumba na sana ako. Napahawak ako sa edge ng hospital bed.

"KUYA! BAKIT? BAKIT? AKO DAPAT NANDIYAN! HINDI IKAW! HINDI IKAW!"  sigaw ko at inaalog siya. Sobrang sikip ng dibdib ko. Parang tinutusok ng ilang libong karayom.

"Bakit? BAKIT MO KAMI INIWAN? SABI MO WALANG IWANAN! ANG DAYA MO!I HATE YOU!"  humagulhol na ako sa sobrang sakit.

Hini ko kaya, hindi ko kayang tanggapin na wala na si kuya. Ayaw kong tanggapin. Hindi. Hinding-hindi ko matatanggap. Lalong hinding-hindi ko mapapatawad ang may sala nito.

Magbabayad sila. Buhay ang nawala, buhay din ang kapalit. Papahirapan ko sila.

---

*THIRD PERSON POV*

"ANAK! JASON!"  sigaw ng ina habang yakap-yakap ang katawan ng anak na isa ng malamig na bangkay. May luha pa ito sa pisngi at pinahiran ng ama.

Puno na ng luha ang mukha ng ginang pati na rin ang nag-iisang anak na babae nito at panganay niyang anak. Habang ang lalaki ay tahimik na lumuluha. Hinsi matanggap ng lahat ang nangyari.

Nasa isip ng bawat isa ay iisa lamang.

Magbabayad ang may sala.

"KUYA!"  sigaw ni Jayca bago ito nawalan ng malay. Mabuti lamang maagap ang nakakatandang kapatid nito at inalalayan din ng boyfriend. Maging si Jake ay parang wala ng lakas.

Parang hindi rumihestro sa utak ng bawat isa na wala na ang isang lalaking importante sa kanilang buhay.

"Anak, pa-patawad. 'Di kita nailigtas. Patawarin m-mo si ma-mama. Patawad."  humagulhol na ang ginang at niyakap ng mahigpit ang katawan ng anak.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now