Chapter 23

5.4K 198 32
                                    





*KYLA POV





"WHAT THE?!"  sigaw ko nang makita kong nasa Golden Gate na kami.

"Bibig mo!"  saway ni Arvin sa'kin kaya inirapan ko siya. Akala hindi sila nagmumura eh. Hindi naman ako nagmumura.

"Binabalak niyo?"  nakapamewang kong tanong sa kanilang lima. Umirap lang si Donald Duck pero maya't maya ay ngumisi siya sa'kin. Kaya ako naman, kunwaring kinikilabutan at niyakap ang sarili ko.

"Wag po! Bata pa po ako!"  drama ko kaya nakatikim ako ng batok mula sa kanya. Kung makabatok, akala mo hindi ako babae.

"Abnormal ka! 'Di ka namin papatulan. May test kami."  Naaasar niyang sagot kaya hinila ko buhok niya. Ang sama ng ugali, akala mo kagwapuhan naman.  "Aww! Kyla Mae!"

"So, may test kayo? Ibig sabihin,sasagutan niyo pa?"  tanong ko na may pang-aasar na ngiti at kumikindat pa.

"Abnormal ka na nga, slow pa!"  tatamaan na talaga sa'kin 'tong Donald duck na ito!

"Kaysa naman sa'yo! Bibe!"

"Hahaha! Pucha talaga yang bibe na 'yan!"  tumatawang sabat ni Cesar at hinahampas pa si Kevin sa likod..

"Tumahimik ka gago!" -- Donald duck.

"Bibig mo!"  saway naman ni Arvin na akala mo banal. Hahaha! Magpapari yata 'to eh.

"Ano na?"  naiinip kong tanong.

"Lalabas tayo! Halata naman di ba?" -- Donald.

"Whatever! Malay ko bang gusto niyo lang nakatambay dito. Tara na!"  dadaan na sana ako sa butas. Pader naman sana talaga ito eh, binutasan nila ng malaki. 'Di ako sure kung sila o baka may ibang estudyante. Ayon nga, yumuko na ako pero hinila ako ng kung sinumang zombies na 'yon pabalik gamit ang colar ng uniform ko na sa batok banda kaya napabalik ako at sumimangot.  "Bakit ba?!"  naiinis kong tanong. Makakalabas na ako eh.

"Hindi tayo diyan dadaan." Anong nasa utak ng taong 'to. May daanan na dito pero hindi dito dadaan?

"Hindi pala dito .Eh ano pang ginagawa natin? Gaguhan lang?!"

"Bibig mo Kyla Mae!"  naparoll-eyes naman ako nang sinaway ako ni Arvin.

"Sorry po father!"  sarcastic kong sagot kaya sumimangot naman siya. Hindi ko maintindihan ang mga lalaking 'to. Ang abnormal.

"Diyan tayo dadaan para may thrill."  Sagot ni Donald sabay turo ng itaas ng pader. Nanlaki mga mata ko nang makita ko kung gaano kataas ang pader.

"ANO?! Ayoko!"  akmang aalis na ako pero humarang ang tatlong bibe na zombies kaya tinadyakan ko ang nasa bandang harapan ko na si Cesar. Ayaw ko kasi sa mga matataas, may takot ko diyan.

"Aww! Masakit ha?!" daing nito at hinawakan ang kanyang tuhod na nakangiwi.

"Tabi!"

"Ayaw!"  sagot ni Allen na nakangiti pa ng nakakaloko kaya tumalikod nalang ako at hinarap ang nakangising bibe na Donald ang pangalan.

"Bakit kasi diyan pa tayo dadaan? Mas may madali naman!"  naiinis kong tugon. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.

"Ayaw ko ng paulit-ulit na sagot kaya sakay!"  sagot ni Donald at biglang nagbend sa harapan ko.
Napaatras naman ako pero napatili din nang may humawak sa bewang ko. Paglingon ko, si Arvin lang pala at nakangiti.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now