Chapter 40

4.6K 191 47
                                    

               

---

*MELVIN POV*

Kapag naaalala ko 'yong ginawa kahapon ni Mae, hindi ko maiwasang tumawa. Kalokohan talaga, walang sinasanto. Kahit nga kuya niya eh, hindi pinalagpas. Sobrang kulit. Walang makakatapat sa kakulitan at kalokohan.

"Yow tol!" bati ng nag-iisang mahangin at abnormal ng DAG.

"Ow? Buti gumaling ka na." nakangisi kong sabi sa kanya, umirap naman ang loko. What the! Kung wala lang 'tong girlfriend, iisipin kong bakla 'to.

"Iyang nililigawan mo, naku!" asar niyang sagot sa'kin at padabog na umupo sa tabi ko. Napahagalpak naman ako ng tawa nang maalala ko iyong namamaga niyang labi.

"Sige lang tol, tumawa ka lang. Kapag ako gumanti--."

"Subukan mo."  nanigas naman itong katabi ko dahil sa naramdaman niyang malamig na bagay na nasa leeg niya.

Napatingala naman ako at nakita ko ang babaeng pinakamakulit na nakilala ko.

"Kyla, 'di m-magandang biro iyan."  nauutal na saway ni Ryan at hindi pa rin gumagalaw sa kinauupuan niya.

Napapailing ako at itong isa nagpipigil ng tawa.
Sino ba naman hindi matawa? Eh, kutsara lang naman hawak nito at itinutok sa leeg ni Ryan.

"Paano ka naging member ng DAG, eh para ka ng maiihi diyan sa kinauupuan mo?" seryosong tanong nito ngunit nakangisi. Baliw talaga.

"Maupo ka na nga dito, dami mong kalokohan."  saway ko sa kanya at hinila.

"Naman eh! Panira 'to!" nagdadabog niyang reklamo saka umupo sa sandalan ng couch at pumwesto sa likuran ko kaya nasa pagitan ng dalawang hita niya ang ulo ko. Then I lean my head to her right thigh.

"Kalokohan mo Kyky, sarap mo bangasan."  asar na sabi ni Ryan.

"Hahahaha! 'Di ko alam tol na takot ka pala kay Princess."

"Bangasan? Wala akong bangs. Bleeh!"  pamimilosopo nito kaya inambaan siya ng isa na susuntukin.

"Hahaha!"

"Kung hindi lang kita bestfriend, naku!"  asar na asar na sagot nito at nagpapadyak pa. Bakla nga siguro ito.

"Vin-vin, bakla siguro 'to." bulong sa'kin ng aking prinsesa. Napatawa naman ako at tumingala saka kinurot ilong niya.

"Mashaket!"  reklamo niya saka tinampal ang kamay ko kaya binitiwan ko na din.

"Kayo na siguro noh? Nilihim niyo lang?" may pagdududang tanong ng bakla.

"Kung kami nga, bakit naman namin ililihim? At ano mapapala namin kapag ililihim namin?" asar na tanong nitong isa.

"Oo nga, sila na 'yan. Kunwari pa. Ang sweet nga eh!" sabat naman ng bagong dating na si Leo.

"Shut-up Leon-tigre! Hindi kami."  sagot niya saka umirap.

"Bakit kayo sweet?" nagdududang tanong ulit nito.

Hindi ako sumabat, tinatamad ako. Bahala na sila magtalo, inaantok ako. Imbes na makisabat sa kanila, pumikit nalang ako. Buti nalang hindi malikot itong isa ngayon.

"Sa ganito kami eh. Dati pa. Kaya manahimik ka diyan. Hmp!"  mataray na sagot ng makulit saka sinusuklay ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.

"Oo na nga lang. Pero naiinis pa rin ako." Nagdadabog na saad ni Leo at palagay ko naupo na ito sa couch.

Pero dahil antok na antok na ako, 'di ko na narinig ang sinagot ng iba. Hindi ko na nakayanan, lalo pa't sinusuklay ni Mae ang aking buhok.

---

               *KYLA POV*

"Oo na nga lang. Pero naiinis pa rin ako."  Nagdadabog na sagot nitong Leon-tigre na 'to.

"Bakit?" tanong ko habang sinusuklay pa rin ang buhok ni Vin-vin gamit ang aking mga daliri habang nakapatong 'yong ulo niya sa hita ko. Ang lambot kasi ng kanyang buhok kaya ang sarap suklayin.

"Sinong 'di maiinis? Una, nalalasahan ko pa rin ang suka at ang asim talaga. Pangalawa, ayaw ibigay ni boss ang copy ng CCTV para sana malaman ko kung sino nagbuhos ng suka sa'kin habang natutulog."  sabay padyak at hinihingal pa siya.

"Sssh! Tulog itong isa." saway ko.

"Sure ka na binuhusan ka? Baka naman nagsleep-walk ka papuntang kusina at kinuha ang suka saka ininom. Inakala mong juice 'yon." natatawang paliwanag ko. Siyempre, para 'di ako paghinalaan.

"Hindi ako nag-e-sleep walk."  asar na sagot nito at humalukipkip.

Nagkibit-balikat nalang ako habang nakatitig sa lalaking mahimbing na natutulog.

"Ky?" tawag-pansin ni Leo sa'kin at saka ko siya sinulyapan.

"Sure ka ba na hindi pa kayo?"  sinamaan ko siya ng tingin saka iniumang ang kamao ko.

"Ito, sure akong matatamaan ka nito. Kulit! Sabing hindi." asar kong sagot. Bakit ba tanong nang tanong sila? Ganito naman kami minsan eh, sweet. Kaso mas sweet kami ngayon dahil sa nalaman ko.

"Malay mo makalusot."

"Utot mo."

Narinig ko naman na tumawa ng mahina ang baklang si Ryan.
Nandito kami sa bahay ni kuya. Wala kasing pasok, may meeting. Si kuya nga umattend ng meeting sa'kin, about our christmas party. 'Di pa nga ako nakakabili ng gift. Si Jeline pa naman ang nabunot ko. Kainis.

Ano kaya igift ko sa kanya? Iyong kapatid niyang ahas o cage? Para naman 'di na siya makawala.

Sa totoo lang, hindi na ako sobrang galit sa kanya ngayon. Naiintindihan ko na siya, alam kong nagmamahal lang siya kaya nagawa niya 'yon. Pero kahit na 'di na ako sobrang galit, hindi na maibabalik sa'kin ang magtiwalang muli sa kanya. Kasi 'di na maaalis ang fact na niloko at tinraidor niya ako.

Kung masaya sila ni Baron, well, I'm happy for them. Sana nga magbabago na siya. At higit sa lahat, hindi pala siya 'yong babaeng may kasalanan sa'kin ng malaki. 'Di siya ang boss na tinutukoy no'ng mga lalaking humaramg sa'min noong acquaintance party.

Akala ko no'ng una na siya pero hindi pala. Iba pala. Iyong inakala kong walang gagawing masama sa'kin, 'yon pala ang may balak na masama at gusto akong mawala sa mundo.

Pero si Jeline na naisip kong gagawa ng masama sa'kin, 'yon pala, nanahimik lang. Ang bweseten lang ako ang kayang gawin at tarayan.

Medyo nanikip ang dibdib ko sa tuwing maaalala ko kung sino ang babaeng 'yon. King hindi ako ang nakakita mismo o nakarinig sa kanya. 'Di ko papaniwalaan 'yon kahit na kung ipakita ni kuya iyong video. Siguradong 'di ako maniniwala, pero hindi eh.Ako mismo ang nakarinig at nakakita sa kanya. Ako mismo ang nakarinig.

At ako mismo ang hihila sa kanya papuntang kulungan kahit gaano siya kaimportante sa'kin. Wala na akong pakialam, muntik na akong mamatay dahil sa ginawa niya. 'Di ko siya mapapatawad. Hinding-hindi.

---

Enjoy reading babies. God bless you all.

- Ate Mae

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now