Chapter 69:You?!

3.6K 135 47
                                    

*KYLA/JAYCA POV*

"Babe, may dandruff ka na." Dinig kong sabi ni Ryan kay Ate Marga pagpasok ko ng bahay ni Kuya Jackson.

Nandito na naman sila. Ang iingay. Iyong iba nasa lapag, 'yong iba naman nasa couch at nanonood ng television. While Ate Marga and Ryan, nasa ibang mundo.

Twitterpated dude.

"Dahil sa init ng araw 'yan." rinig kong sagot ni Ate Marga.

Nandito lang ako sa pintuan. Pinapanood sila. Nakangiti akong pinapanood ang lahat.

It's sunday, kaya dito kaming lahat. Napag-usapan kasi namin na tuwing sunday, magtitipon-tipon kaming lahat dito.

Bonding time.

No gadgets.

"Pinagbintangan pa ang init ng araw." nakaismid na sagot ng alien.

Sinusuklay nito ang buhok ni ate. Napasimangot naman ito bago sumagot.

"Totoo kaya." depensa nito.

"Bakit? Nag-usap kayo?" pilosopong tanong nito kaya nakatanggap ng sabunot mula kay Ate Marga.

"Hehehe. Tito Ryan is G-A-Y." sabay silang napatingin sa'min. Yes, sa amin.

Kasama ko kasi 'tong maliit na bata. Hiniram ko kay Ate Wendy. Pumayag naman siya.

Nakalaya na si ate at nag-usap na ulit kami. Halos lumuhod pa ito sa harapan ko habang umiiyak. Nabatukan pa tuloy ako dahil tinatawanan ko siya.

"I'm what?!" gulat nitong tanong.

"Are you deaf tito? I won't repeat it." sagot nito kaya napahagalpak ng tawa si Ate Marga at sinabayan naman naming lahat.

"You!" nagpipigil ng inis na sigaw nito habang tinuturo gamit ang suklay si Kent.

"Yeah, me." pokerface na sagot ng bata kaya lalo kaming tumawa.

"Pasalamat ka pamangkin ka ni Icai!Kung hindi---"

"Oh, thanks." Matipid na sagot ni Kent at umupo sa tabi ni Kuya Jake na tumatawa.

Nanlalaki ang mga mata ni Ryan pati butas ng ilong nito. 'Di makapaniwala sa sinagot ni Kent sa kanya.

Well, ganyan talaga 'yang batang 'yan. Makapagsalita akala mo matanda at grabe mang-asar. Palaging si Leo at Travis ang pinagdidiskitahan niya. Minsan naman si Kuya Jake at Ryan. Team RyaKe daw. Hahaha!

"Ah! Pigilan niyo ako! Pigilan niyo ako!" Sigaw niya pero hindi namin pinapansin. Kunwari 'di namin siya narinig.

"Hindi niyo ako pipigilan?" still deadma. Hahaha!

"Babe!" Sigaw nito kaya kunwari napatingin si Ate Marga at napa-ha sa kanya.

"Bakit 'di mo ako pinapansin?" Pagdadrama nito at kunwaring naiiyak.

"Uh, what did you say babe?" Kunwaring nagtatakang tanong nito. Kaya lalong napasimangot si Ryan at nagdadabog itong umalis.

"Hahaha! Ryry! Hindi bagay!" Sigaw ko sa kanya. Napahinto naman ito pero hindi lumingon.

"Tse!" Sabay kaming tumawa lahat. Boses-bakla kasi.

Tuluyan na kaming iniwan ng loko. Saan na naman kaya punta no'n?

Araw niya ngayon kaya ganyan. Hahaha!Daming alam. Puro kalokohan nga lang. Buti nalang matino ako. Hihihi!

"Hi love." Bati ko kay Melvin. Kakapasok niya lang galing sa likuran.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now