Chapter 67:SON?!

4.3K 133 59
                                    

*KYLA POV*

"ICAI!"  sigaw ni Ryan pero hindi ko siya pinansin.

Umupo siya sa tabi ko na malungkot ang mukha kaya nagtaka ako, hindi naman siya ganito. Kapag makita ako nito, guguluhin ako. Ngayon, hindi.

Hmm, may problema 'to. Problema sa lovelife.

Hindi ko siya inimik, tinitigan ko lang siya habang nakatingin sa kawalan. Nandito kami sa ilalim ng punong acacia, dito na rin ako tumatambay. Masarap kasi dito tumambay. Makikita mong maraming mga sasakyang dumadaan, masarap din ang simoy ng hangin.

I heared him sigh. Pero hindi ko nalang pinansin, balik sa pagbabasa ng book.

Ilang ulit itong nagbuntong-hininga, pero binalewala ko lang.
Nang hindi na ako makatiis, tiniklop ko ang book ko at nilagay sa bag.

"Ilang sasakyan na nabilang mo?"   Gulat itong napatingin sa'kin.

"Huh?"

"Ilan na kako ang nabilang mo na sasakyan?"  Ngumuso ito bago nagbuntong-hininga.

"Isa pang buntong-hininga, sasapakin na kita."  Banta ko kaya umayos siya ng upo.

"Hindi ka ba nagfefacebook?"  Tanong niya. Napakunot-noo ako. Anong meron? Huli na ako updated.

"Hindi. Bakit?"

"Ah, kaya pala 'di mo alam." Lalo naman akong napakunot-noo. Anyare ba? Hindi na kasi ako nagfefacebook. Ewan ko ba, wala na akong gana mula no'ng nawala si Kuya Jason, makapagfacebook nga mamaya.

"Bakit pala? Anong nangyari?"

"Nag-away kasi kami ni Marga."  Luhh!Nagulat ako sa sinabi niya. Nag-away sila ni Ate Marga? First time ko yata nalaman 'yan.

"Dahilan?" Napatingin siya sa'kin at bumuntong-hininga ulit.

"Haist! Kasalanan ko eh. 'Di ko naman sinasadyang magselos."  Nakapout niyang sabi. Kaya naman pala. Tsk tsk tsk!

"Tapos? Anong kasunod?"  Tanong ko ulit. Imposible namang 'yon lang ang dahilan. Siguradong may iba pa 'tong sinabi kaya nagalit si Ate Marga.

"Eh kasi, nanood kami ng movie sa bahay. Tapos ginaya ko lang naman 'yong sa Tonight with Boy Abunda. Iyong fast talk? Akala niya bibigyan ko siya no'ng tinanong ko. Ayon, nagalit at nagwalked-out. Tapos 'di ko na nakita. Pumunta lang pala ng park, nabasa ko post niya. May kumausap sa kanya na lalaki. Eh di nagselos naman ako, kahit sino naman magseselos hindi ba? Tapos shinared ko, nilagyan ko ng caption pero may kasamang mura. Nagalit siya lalo."    Mahaba niyang sagot. Ako naman ang napabuntong-hininga. Ang babaw ng pinagselosan.

"Kinausap ba ni ate? Sweet ba sila?"

"Hindi."

"Eh hindi naman pala! Anong pinagseselos mo?! Saka Ryan, ang babaw mo! Pasalamat ka nga na pinost niya eh! Alam mo, nakakainis ka na! Tsk!"   Naiinis kong sabi at tumayo na. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ako sa kamay.

"Please Icai, tulungan mo naman ako sa kanya oh. Please?"   Pagmamakaawa niya. Gusto ko pero hindi ko gagawin. Siya ang mag-isip kung paano sila magkabati, bahala siya diyan.

"Ikaw ang nag-umpisa niyan, kaya ikaw ang umayos. Pero sa ngayon, palamigin mo muna ulo niya para 'di lalaki ang away niyo."   Tuluyan ko na siyang iniwan. Bahala siya diyan, parang walang tiwala sa girlfriend niya. Alam na nga niyang mahal na mahal siya no'n eh, saka kasalanan naman niya kung bakit sila nag-away.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz