Chapter 12

9.2K 326 88
                                    

---

**MELVIN POV**

Napapailing nalang ako sa tuwing naalala ko pinanggagawa ni Mae sa'kin. Napakapasaway na babae. Kung 'di ko lang mahal 'yon eh. Yes! I love her, 'di ko lang maamin sa kanya dahil natatakot ako na baka magalit siya. Sasabihing, kaibigan lang turing niya sa'kin at wala nang iba pa. Haist!

Mahal ko siya, sobrang mahal ko siya.

Kahit na napakakulit, napakakalog, pasaway, maldita at amazona. Pero sa kabila no'n, she's kindhearted, God-fearing, iyakin at napakalambing. I love her. I love everything about her.

Naalala ko pa noong first meet namin, napakapasaway. Tinulak ba naman kami, muntik pa kami matumba no'n. 'Di mo akalain na sa liit niya, napakalakas. At ginawa pa kaming mga kulay, pambihirang babae. Tawagin ba naman akong Kuya Pink dahil sa kulay ng damit ko? Minsan pa tinatawag akong bakla. Nakakailang nga lang no'ng tinitigan niya ako sa mata. 'Di ako bakla, sadyang nakakailang lang kapag titigan ka sa mata ng taong mahal mo. Kakaiba 'yon eh, kaya niyang titigan sa mata ang mga tao, lalo na kapag kausap niya.

Haist! Kailan ko kaya maamin sa kanya itong nararamdaman ko? Tatanggapin kaya niya ako? May pagtingin din ba siya sa'kin o hanggang kaibigan lang talaga?

'Di ako pumasok dahil ang dami kong bruises. At nandito ako sa tambayan namin natulog, syempre sinamahan ako ng mga kaibigan ko. Kahit na gano'n mga 'yon, kahit maloko na katulad ni Mae. No, scratch that. Nahawa lang sila sa mga kalokohan ni Mae. 'Di 'yan nang-iiwan sa ere, sasamahan ka, aalagaan at susuportahan. Nakakahiya nga eh, dahil sa'kin nagkaroon ng bugbog sina Jake, Philip at Ryan. Iyong iba, walang bugbog mga 'yon kasi huli na dumating pero kasalanan ko talaga.

^flaschback^

After I ended the call, dumiretso ako sa isang tindahan at bumili ng dalawang coke in can at dalawa ring candy na snowbear. Saka pumunta sa tambayan namin. Pabagsak akong umupo sa plastic na upuan at saka nilagay ang isang snowbear sa coke at hinayaan lang ng 3 minutes bago tinungga. Bawal kasi bumili ng alak kasi estudyante pa kaya ito nalang binili ko nakakalasing din naman. (Note: 'Di ko po natry 'yan ha? Nalaman ko lang sa pinsan ko na babae. 'Yan daw ginawa nila ng mga friends niya noon dahil 'di sila binibigyan ng alak kapag bumibili sila. And huwag na huwag niyong gagawin iyan. BAD!)

Medyo hilo na ako nang naubos ko ang dalawang coke in can saka humiga at tinitigan ang kisame!

"I'm jealous! Why Mae? Bakit kayo magkayakap? Bakit mo siya niyakap? Kayo na ba? Kayo na?" sigaw ko sabay tayo at sinuntok ang dingding. Nabutas pa nga ito dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko, pero wala akong pakialam. Medyo masakit sa kamay pero ang pinakamasakit? Ang puso ko, 'di ko pa nga naamin sa kanya ang nararamdaman ko, nasasaktan na ako.

Kahit wala akong karapatang magselos, nagseselos pa rin ako. Nagseselos ako sa lahat ng lalaking yumayakap sa kanya. Alam ko, mga kaibigan niya lang mga 'yon pero 'di ko mapigilan. 'Di ko mapigilang hindi magselos.

"Ahh!" sigaw ko at saka ginulo ang buhok saka umupo sa sahig. First time kong mainlove sa isang babae pero basted agad. Haist!

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. Nang tinignan ko, iyong mayabang na rival namin ang tumatawag. Sinagot ko naman agad.

"Oh?" maangas kong bati.

"Hahaha! Ang angas ah? Tingnan lang natin kung uubra--!"

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now