Chapter 33

5.5K 207 18
                                    

---

*THIRD PERSON POV

"Anak, kumusta ka na dito?"  bakas sa mukha ng ginang ang matinding pag-aalala sa anak.

"Okay lang ako dito ma. Huwag mo ako alalahanin. Kayo kumusta na po?"  sagot naman ng isang teenager guy at hinawakan ang kamay ng ina.

"Sobrang miss na miss na kita anak."  naluluhang sagot ng ginang at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng kanyang anak na binatilyo. 'Di naman napigilan ng binatilyo ang kanyang luha at niyakap na ng tuluyan ang ina.

Three months ng nakakulong si Mike Gusto dahil nasaksak nito ang isang teenager na babae na nangangalang Kyla Mae Serrano.

Hindi ito nagtago o tumakas, kusa itong sumuko sa mga police. Ngunit labis ang galit na nararamdaman nito sa mga kasamahan niya sapagkat 'di siya nito tinulungan. Hindi ito sumuko bagkus tumakas pa at nakatanggap pa ito ng mga death threats no'ng hindi pa siya sumuko.

Alam niyang 'di ito kaibigan ni Kyla Mae. Alam niyang ka-grupo lamang niya ito or tauhan ng babaeng nag-utos sa leader-leaderan nila na ipa-gang bang si Kyla. Hindi 'yong sinasabi no'ng nagpapadala ng messages na member siya ng Dark Angel Gang.

Naalala pa niya mga text messages nito. Iba't ibang numero pero alam niyang iisang tao lamang ito.

Naniniwala siya sapagkat nakakausap niya si Jackson at kilala niya ito. Si Jackson ang tumulong sa pamilya nila para magkaroon ng magandang buhay pero napakalaki niyang gago at nasaktan at muntik pa niyang mapatay si Kyla Mae na pinagsisihan niya ng sobra.

"Kung pwede lang, kung pwede lang na ako ang pu-pumalit sa kalagayan mo."  humihikbing saad ng kanyang ina at ito ang napabalik sa kanya sa reyalidad.

"Ma," suminghot muna ito bago nagpatuloy sa pagsalita. "Tama na po. Makakalaya din ako, pangako 'yan ma."

"Sana nga anak. Sana nga maawa ang Diyos."  sagot nito bago kumalas sa pagyakap.

"Siyanga pala ma, may ibibigay ako sa'yo." ibibigay na sana nito sa kanyang ina ngunit may isa pang 'di inaasahang bisita ang dumating.

"A-ah Sir Jack-son!" gulat na bati nito sa lalaking dumating.

"Kumusta Mike?  bati nito sa binatilyo at binalingan ang ginang na may luha pa rin sa mga mata at nginitian. "Kumusta din po kayo Aling Martha?"

"Mabuti po sir/Maayos naman sir."  magkapanabay na sagot ng mag-ina.

Umupo si Jackson sa tabi ni Aling Martha wearing his serious face.

"May sasabihin ka ba sa'kin Mike?"  usisa nito kay Mike na nakayuko dahil nahihiya at natatakot pa rin ito kay Jackson. Pero dahil sa tanong ni Jack, bigla niyang naalala ang baunan at ang laman nito.

"A-ah sir, may ibibigay po ako sa inyo."  nanginginig ang boses nito pati na rin ang katawan.

"Ano 'yon?" nakakunot-noong tanong ng binata at bigla itong napatingin sa baunan na hawak ni Mike at inabot sa kanya.

"Buksan niyo po 'yan pagdating ng bahay niyo sir."

"Why?"  bubuksan na sana niya ngunit pinigilan siya ng binatilyo.

"Sir. Huwag dito."

"Naguguluhan ako Mike."

"Sir, iyang laman ng baunan na 'yan. May ebidensiya diyan."  pabulong nitong sagot at nagpalinga-linga sa paligid bago nagpatuloy magsalita.
"Di-diyan niyo malalaman kung sino nasa likod ng lahat ng ito, ng mga nangyayari at sir, huwag niyo hahayaan si Kyla na mag-isa. Mag-iingat po kayo."

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now