Chapter 46:J1 and J2

4.5K 174 46
                                    

               *JELINE POV*

Napapailing nalang ako sa tuwing naaalala ko mga pinanggagawa ko kay Kyla. Inuumpog ko na ulo ko sa pader at sinasabunutan ang sarili, hindi pa rin mawala ang galit at inis ko sa sarili ko. Nagawa ko ang lahat 'yon dahil sa inggit.

Inggit. Isang simpleng salita pero nakakasira ng buhay kapag ito ang pinapairal mo. Kahit pagbaliktarin man ang mundo, alam kong mahirap akong patawarin. Nagpadala ako sa inggit ko kaya heto nagdudusa. Kinakain ng konsensiya. Kaya nakapagdecide ako na babawi kaming dalawa ni Jeralyn. Babawi kami, lalo na ako.

Malaki ang kasalanan ko kaya dapat pagbayaran ko kahit ano gagawin ko para makabawi ako kay Kyla. Okay lang kung hindi niya ako patatawarin, ang mahalaga makakabawi ako.

Dahil sa desisyon ko, nandito ako sa isang liblib na lugar. Nasa isang malaking bahay, kasama ang mga taong halang ang kaluluwa habang may pinapahirapan sa isang bodega.

"Tang-ina niyo! Kahit patayin niyo pa ako! 'Di siya pupunta dito! Rules are rules!"  rinig kong sigaw ng lalaking pinapahirapan nila.

Hinahampas ng latigo. Isang tanong, isang hampas.
Umalis na ako do'n, tatlong hampas pa lang ang binitiwan nila pero umalis na ako. Hindi ko kayang tingnan, lalo pa't ang sama ng tingin ng taong nakakadena sa'kin. He thought, kakampi ako ng mga iyon.

Heck, NO! Ginagawa ko lang 'to para makabawi sa kanya at para makaganti na rin sa leader ng mga demonyong nandito.

"Bestie, naaawa ako sa kanya."  malungkot na sabi ni Jeralyn sa'kin pagkarating namin sa labas. Napabuga ako ng hangin at tumingin sa malayo.

Nandito sa gitna ng gubat ang hide-out ng demonyang leader namin kuno. Akala siguro niya, 'di siya mahahanap ni Master K.

"Me too, bestie. But we can't do anything for now, just to wait. Wait for her signal."

"Yeah, I know. But you know what bestie?Napatawad ka na niya, kaya ka niya tinanggap."  napabaling naman ang tingin ko sa kanya na nakangiti pala.

"Maybe yes, maybe no. 'Di na 'yon mahalaga. The most important is she accepted us to her gang. Malaking bagay na 'yon for me."  nakangiti kong sagot.

"Bestie, may paparating."  nagseryoso na akong tumingin sa harapan at hinihintay ang paparating. Umayos din ang tayo ng katabi ko saka humarap sa'kin.

"Pinapatawag kayo ni boss."  tinanguan lang namin ang lalaking nagsalita bago siya dinaanan. No need to answer him. 'Di naman siya si master para sagutin at respetuhin.

Si master lang kinatatakutan namin. Ang nag-iisang master namin.

"Bakit boss?"  I asked Wendy emotionless. Yes, she's our boss but our real boss is not her. I'm not scared at her. I'm scared only our master.
She stared us before uttered a word.

"Saan kayo galing?" matigas niyang tanong. Naparoll eyes ako sa isip ko. Akala ko importante ang sasabihin eh.

"Nagpapahangin lang sa labas." walang emosyon ko pa ring sagot at sumama ang tingin niya sa'kin. Anong akala niya sa'kin, reresputhin ko talaga siya? No way!

"Ganyan ka na ba makipag-usap sa'kin?!Walang galang?!" singhal niya.

"You know me."  matabang kong sagot. Pabida din 'tong babaeng ito eh. Gusto niya galangin, gayong duwag naman.

"And you knew me also. I can kill you anytime." she answered while smirking.
I smirked at her, too.

"Oh really?! You can? Hahaha! I doubt that." mapang-uyam kong sagot.

"I know you can't Wendy."

At hinila ko na si Jeralyn na tila natutuwa pa sa mga nangyayari. Gaga talaga 'to!Nanonood lang, 'di nakisali.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon