Chapter 48

4.3K 182 20
                                    

👍👍👍

                 *MELVIN POV*

When she passed out, I brought her in the hospital. Kung saan dinala din si Jake.

"Sir, what happened to her?" nag-aalalang tanong ng nurse na sumalubong sa'min.

"She passed out after niya magwala no'ng nakita niyang may saksak 'yong kaibigan namin na tinuturing niyang kuya."  Thunder Lady answered.

Wala akong ganang sumagot, inilapag ko si Mae sa stretcher na dala ng mga nurses at dinala kaagad siya sa isang room. Nanghihina akong napaupo sa labas ng kwartong pinagdalhan niya.

"She will be okay. They will be okay. Magdasal tayo."  tapik sa'kin ni Jaguar Paw at umupo sa tabi ko. Ngayon ko lang namalayan na kasama ko pala sila dito.

Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagmamaneho ng kotseng sinakyan namin. Wala ako sa sarili ko kanina, ngayon lang din ako nakakaramdam ng pagod.
Nakasandal kaming tatlo dito sa pader, walang umiimik.

My heart beating so fast, hindi ako mapakali. Iniisip ko si Jake. Mula pa noong bata pa kami, magkaibigan na kami. Mas umaakto siyang nakakatandang kapatid ko kaysa kuya ko.

Lord, save him. Please? mahinang dasal ko.

He's not only my friend, he's my brother too. Napakaprotective niya sa'min. Marami siyang naitulong, lalo na sa'kin.

Sabay kaming napatayo nang magbukas ang pintuan ng pinagdalhan kay Mae.

"How is she, doc?"  agad kong tanong. Ngumiti naman ang doctor bago sumagot.

"She's okay now. Ililipat namin siya sa isang kwarto, pwede na rin siya lumabas pagkagising niya."  napabuga ako ng hangin. Kahit papano, medyo nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Mamaya pupuntahan ko si Jake.

"Salamat doc."

"Thanks doc."

Nagpasalamat lang kami sa doctor at tinapik niya lang balikat ko bago umalis. Sumunod kami sa dalawang nurse na tulak-tulak ang stretcher na hinigaan ni Mae.

"How is she?"  nagulat ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko. Napakunot-noo ako dahil 'di ko kilala ang babaeng to.

"She's stable now. Ililipat lang ng kwarto."  sagot ni Thunder.

Siguro, isa 'to sa mga underlings ni Mae. Until now, 'di pa rin ako makapaniwala. Kung nakakakot siya noon kapag magkaharap sila ni Jeline at nag-aaway. Mas may nakakatakot pa pala sa kanya. She look like an angel but she's a monster. A real monster.

"Thunder!"  napalingon ako sa babaeng sumigaw dahil napakapamilyar ng boses niya.

"What are you doing here?!" galit kong tanong sa kanya at huminto pa sa pagsunod sa mga nurses na nagtutulak ng stretcher.

"Duh! Cause we have legs and feet to walk?"  pamimilsopo ni Jeralyn. Lalapitan ko na sana siya pero humarang si Jaguar Paw.

"Kasama namin sila." naguguluhan ako sa sagot ni Jaguar.

Magtatanong ulit sana ako kaya lang may sumabat na bagong dating.

"Jeline is J1 while Jeralyn is J2."  sabat ni Boss Jack.Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Sila sina J1 at J2?

"Bibig mo, pakisara."  seryosong saad ni Jeline at sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Seryoso ka boss? Baka naman may masamang binabalak 'yan."  paninigurado ko. Sino ba naman ang hindi maghihinala? Alam naman nila ang pinanggagawa ni Jeline.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon