Chapter 16.1

7.8K 266 50
                                    

----

**KYLA MAE POV

Nakaupo ako ngayon sa single sofa habang inaayusan ng tita ko. Yes, makaka-attend ako ng Acquaintance Party! Kasi 'di talaga tumigil sa kakahanap 'yong apat ng maisusuot ko. Syempre pati ako naghahanap din, kaya lang wala ng available sa mga pinsan ko eh.

Napahiram na nila sa iba, nakakatampo nga eh. Pero okay lang 'yon, naiintindihan ko naman. Syempre, uunahin nila 'yong kapatid ng mga kaibigan nila kaysa sa'kin.

Silang apat may nahiram na damit, pumili lang ako. Ang pinili ko 'yong babagay sa boots na pinahiram ni Baby Lorraine. May Casual dress na kulay peach, may pink at dalawang black pa eh. Ang nagustuhan ko ay 'yong long sleeve na kulay pink, may black sa dulo na nakaround then black skirt. Simple pero cute siya. Kaming lima ang pumili nito, ito rin gusto nila kasi bagay daw sa'kin. Kaya ito nalang din susuutin ko, ang cute kasi tapos sabi ni tita, bagay daw sa'kin.

"Haist! Ang likot!"  reklamo ni tita habang nilalagyan ako ng blush-on.

"Hehehe. Sorry po. 'Di na po ako maglilikot."

"Good."  Hindi na ako sumagot at nagbehave na. Baka mamaya masasapok ako ni tita dahil sa kalikutan ko.

Pagkatapos ni tita sa mukha ko, ang buhok ko na naman ang inayos niya, medyo kumulot siya kasi bagay daw sa'kin kapag wavy ang buhok.

After 30 minutes, natapos na rin si tita sa pag-aayos ng mukha ko. Pero kanina, nakatikim ako ng kurot sa tagiliran kasi kinakamot ko pisngi ko. 'Di kasi ako sanay eh, makati 'yong make-up.

"Tada!"  sigaw ni Tita Pearl nang matapos na siya sabay hila sa'kin patayo para humarap sa salamin.

"Ang ganda!"  nakangiting bulalas ni tita nang humarap na ako sa salamin. Maskin ako, 'di makapaniwala na gaganda pala ako kapag nilagyan ng make-up o inayusan. Tinatapik-tapik ko pa ang magkabilaang pisngi ko dahil 'di ako makapaniwala eh.

"Tita, ang ganda ko pala ano?"  hindi ko makapaniwalang tanong kay tita habang nanlalaki pa rin ang mga mata.

"Aha!"  nakangiti nitong sagot at patango-tango pa.

"OMG! AKO TALAGA TO?! GUMANDA TALAGA AKO?! WAAH!!"  sigaw ko sabay tili at patalon-talon pa. Waahh! Can't believe it! Gumanda ako!! Thank you Lord!

"Makatili naman itong batang 'to. Maganda ka naman talaga, 'di ka lang marunong mag-ayos kaya ganyan." Sagot nito saka ngumiti ng matamis sa'kin bago bumalik sa sofa at niligpit mga gamit niya. Sumunod naman ako sa kanya na 'di pa rin makapaniwala.

"Thank you po tita." Sabi ko habang tinutulungan si tita sa pagliligpit.

"No problem. Basta ikaw. Saka upo ka nalang diyan, ako na bahala dito." Saway niya pero 'di ako nagpaawat, tinulungan ko pa rin siya bago umupo.

5:30 na nang tiningnan ko ang wall clock nina tita. Medyo maaga pa pala, mamaya na ako pupunta medyo malapit lang naman ang Municipal Gym dito kina tita eh. Nasa downtown kasi sila nakatira kaya malapit lang sa gym and sa school.

Asawa si tita ng pinsan ni nanay. Mabait siya sa'kin, I mean silang magpamilya. Tinuring na nila akong tunay na anak, ako raw ang bunso. Dalawa lang kasi anak nila, lalaki at babae. Si Kuya Henry at Ate Honey tapos ako raw ang bunso. Sobrang bait nila sa'kin.

Asan na kaya si tita?  bulong ko habang nililibot ang paningin. Medyo matagal na kasi akong 'di nakapasyal dito sa kanila, sila lang 'yong laging dumadalaw sa'min.

Hmm, may naisip ako.

Tumayo ako saka inayos ang skirt ko saka ngumisi bago umakyat sa couch. Yey! Nababagot na kasi ako, saka mabobore lang ako kung pupunta na ako sa party. Eh sure naman akong 'di pa mag-uumpisa kasi 6:20 pm mag-uumpisa ang party.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now