Chapter 31

5.4K 211 51
                                    

---

*MELVIN POV

"Boss, m-may ipapaalam sana ako sa'yo." Putik. Nauutal pa ako.
Sino ba naman ang hindi matatakot sa isang 'Jackson Agoncillo'? Ang leader/mastermind ng Dark Angel Gang.

Yes, siya ang master namin. By batch kami, sa'ming batch si Jake ang leader. Kina Arvin, si Donald ang leader. Sa batch namin, kaming apat lang ang nakakakilala sa master namin at nakakakita at gayundin sa grupo nina Arvin. Silang lima lang ang nakakakilala at nakakakita kay Boss Jack.

"What is it?" seryosong tanong niya habang nagbabasa ng magazine. Pinuntahan ko siya dito sa library niya.

"Uh!"  napakamot muna ako sa batok ko. Tang-ina! Kinakabahan talaga ako.

"Spill it Chavez." seryosong saad nito saka inilapag ang magazine na binabasa niya at tumingin sa'kin. Napaiwas naman ako ng tingin bago sumagot.

"C-can I, can I court your sis-sister?"  nauutal kong tanong sa kanya at saka ko siya tiningnan pero napaiwas naman agad ako dahil sa titig niya. Shit!

"Bigyan mo ako ng reasons kung bakit papayagan kita."

"I love her." seryoso at diretso kong sagot sa kanya habang nakatitig sa kanya.

"Iyon lang?"

"I respect her and you too." huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsagot. Sarap bangasan nito, nakakatakot 'yong titig eh. "Alam ko, may kasalanan ako sa kanya no'ng nasaksak siya at sa iyo rin. Pero ngayon, dodoblehin ko na ang pag-iingat ko. Poprotektahan ko siya sa lahat ng makakaya ko kahit buhay ko pa ang kapalit. Boss, mahal na mahal ko kapatid mo, pero kung 'di ka papayag. Tatanggapin ko, pero hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko. Papayag ka man o hindi, liligawan ko pa rin siya." matapang kong sagot sa kanya. Bahala na kung susuntukin niya ako o ano, basta itutuloy ko 'to.

"Hahahaha!"  nangunot ang noo ko sa pagtawa niya. Ginagago ba ako nito?

"Tatawanan mo nalang ba ako?"

"No! Hahaha! Haba ng paliwanag mo. Hahahaha!"

Inismiran ko lang siya saka umupo sa upuan na nasa harapan niya. Nakakapagod kasing tumayo, baka mamaya pa 'yan matapos sa pagtawa.

Nababaliw na ito, buti 'di nahawa si Kyla dito. Uh, baliw din pala 'yon. Magkapatid nga talaga sila.

"Are you done laughing?"  seryoso kong tanong sa kanya.

"Yeah. Hahaha!" yeah? Yeah? Eh tumatawa pa siya? Dadalhin ko na ba 'to sa mental?

"Thanks for that. Napatawa mo ako. Hahaha!"  saad nito habang nagpupunas ng luha niya. Naluluha pa sa pagtawa.

"Where are we again?"  tanong nito na may ngiti pa rin. Umingos muna ako bago sumagot.

"Nandito pa rin sa library mo, boss."  pilosopong sagot ko.

Binato naman niya ako ng vase, buti nasalo ko saka inilapag ulit sa mesa niya.

"Siraulo ka, Chavez."

"Boss, sinagot ko lang ang tanong mo."

"Loko!"  natatawang sagot niya pero sumeryoso naman agad.

"Well, do'n sa sinabi mo. Okay naman sa'kin. It depends to my sister. So, goodluck."  napangiti ako ng malawak sa mga nadinig ko at napatayo.

"Thank you so much boss. Thank you!Promise, I'll make her happy everyday."  natutuwa kong saad at nakipagshakehands sa kanya. Nakangiti naman niyang tinanggap ito.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now