Chapter 27

5.6K 213 58
                                    

*Play the video while reading.^__^*

====




**KYLA POV**

Tama ba 'yong ginawa ko? Ang sungitan sila? Huhuhu! 'Di ko naman sinasadya eh. Ayaw ko lang kasi na lumapit sila sa'kin o magiging close. Baka kasi kapag mangyari yun, iiwanan din nila ako. Ako na naman ang masasaktan, ako na naman ang iiwanan. Tama nga yung sinabi ni Cesar.

"Sorry." Napatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa biglaang pagdating at pagsalita ng taong 'di ko iniisip na makikita ako dito.
Tiningnan ko lang siya saglit saka tumingin ulit sa harapan bago umupo sa batong kinauupuan ko kanina.

"Sorry sa mga sinabi ko kanina." Nakayuko niyang sabi at tumingin din sa harapan.

"Hah! Nagsosorry ka kasi sinaktan ka ng pinsan ko, right?" gulat naman siyang napatingin sa'kin.

"Wag ka na magtanong kung bakit ko alam. Kilala niyo lang ako bilang makulit at maingay, hindi ang kaya kong gawin o anumang ginagawa ko." Sagot ko sa nagtatanong niyang mga mata.

He chuckled. "Hindi na ako magtataka, pinsan ka nga niya." Napapailing niyang sagot.

"May kailangan ka?"

"Ah, pinapatawag ka ng pinsan mo."

"Na master niyo." Nakangisi kong dugtong sa kanya.

"Uh yeah."

"Buti nakakalakad ka pa?"

"Di naman masyadong malakas, though masakit pa rin siya."

"Ah, okay. So, let's go?" aya ko sabay pagpag ng uniform ko.

"Ah, s-sandali Ky." Pigil niya sa'kin, sabay hawak sa braso ko.

"Oh bakit?"

"Sorry talaga ha? 'Di ko sinasadya yung mga sinabi ko kanina. Kalimutan mo lahat yun, 'di yun toto--"

"Tss! Kalimutan mo na yun. Tara na." Aya ko sa kanya ng nakangiti at ngumiti din siya pabalik.

"Salamat."

"No problem. Ahm saka, 'wag na 'wag mong sasabihin sa kanila na may alam na ako ha? Pagtripan ko lang sila mamaya." Nakangisi pa ako at kumikindat sa kanya. Then I saw him blushing.

"OMG! YOU'RE BLUSHING! WAAH!" nagtatalon pa ako sa tuwa.

"No, I'm not!" sigaw niya. Napakadefensive. Hahaha! Pagbigyan na nga lang.

"Ahy hindi pala? Sayang! Akala ko pa naman, may mapapablush na ako. Haist!"

"Haist! Pasaway ka talaga. Dami mong alam." Ginulo pa ang buhok ko. Dineadma ko nalang. Hayaan na 'yang magulong buhok na 'yan. Nakakatamad magsuklay.

"Oy Cesar!" tawag ko sa kanya, medyo nauna na kasi siya eh. Ang lalaki ng hakbang.

"Oh bakit?" lingon niya saka huminto.
Patalon-talon naman akong lunapit sa kanya habang nakahawak sa strap ng bag ko. Hehehe.

"Para kang bata." Natatawa niyang sabi nung nakita niya ang ginagawa ko kaya nagpout naman ako.

"Bata pa naman talaga tayo ah?"

"Pero mas malala ka."

"Hmp! Sama mo!"

"Ano nga pala sasabihin mo?"

"Tingnan mo! Tingnan mo! Nakalimutan ko tuloy!" sigaw ko at nagpapadyak.

"Hayaan mo na nga lang. Ah wait! May itatanong pala ako." Natatawa niyang sabi at namulsa.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now