Chapter 6

9.6K 341 26
                                    



**KYLA MAE POV**



"Lalalala~lalala~lalalala"  patalon-talon akong pumasok ng classroom namin. Maganda gising ko eh.

"Hi Kyla!"  bati ng taong este ng classmate ko no'ng elementary. Si Paul.

"Oh hi Paul!"  nakangiti kong bati sa kanya.

"Good mood ah?"  nakangiti niyang tanong sa'kin.

"Syempre." Sagot ko saka siya binunggo sa balikat.

"Grabe ha? Porket lalong gumanda, binabangga nalang ako." Reklamo niya. Nilingon ko naman siya saka binelatan. "Ky, sabay tayo mamaya ha?"

"Ha? Bakit naman?" nagtataka kong tanong at napahinto sa paglakad.

"Gusto ko lang. Masama ba?" ----- Paul.

"Oo, masama."

"Sige na kasi Ky. Pumayag ka na."  Pangungulit niya.

"Bakit nga. Give me a reason."

"Kasi ano-- kasi!"  nauutal niyang sagot at pakamot-kamot pa sa leeg niya.

"Kasi ano! Kasi ano!"  panggagaya ko sa kanya saka tinalikuran ko.

"Kasi Ky, gusto ko lang!" medyo malakas na sabi niya.

"Bakit nga gusto mo? Nag-strong ka na diyan eh!"  asar kong tanong.

"Kasi nga manliligaw ako!" nanlaki naman mga mata ko sa sinabi niya. Napatigil din mga classmates ko sa pinanggagawa nila at nakatingin kay Paul.

"W-what?"  tama ba narinig ko? Manliligaw siya?

"Sabi ko, manliligaw ako." Nahihiya niyang ulit sa tanong ko saka ako tinitigan. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Nagpapatawa ka ba? Hahaha! 'Di ako nagpapaligaw." Natatawang sagot ko habang kinakalikot mga gamit ko para 'di ko siya matingnan.

"Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan pa rin kita." Narinig kong sagot niya.

"Huwag ka ngang makulit. Kapag sinabi kong hindi, hindi." Naiirita kong sabi dito.

"Basta. Ba-bye muna Ky. Susunduin kita mamaya ha? Love you!"  at patakbo siyang lumabas ng classroom. Sinundan ko naman siya ng tingin. Pero nang tiningnan ko sina Kuya Jake, nakatingin silang apat sa'kin. Pero si Melvin, parang may kakaiba sa kanya. 'Di ko maexplain eh.

Iyong iba naman naming classmate, todo kantiyaw pati na rin bestfriend ko.

"Haist!" napabuntong-hininga nalang ako. Ang kulit niya.

Si Paul? Si Paul na walang ibang ginawa noon kundi asarin ako. Manliligaw sa'kin? IMPOSSIBLE!

Pagtitripan na naman ba niya ako?  Tsk!

---

Hapon na. Niligpit ko na ang mga gamit ko saka hinatak si Jane papunta kina kuya. Nagtatawanan sila kaya gusto ko makipagchikahan.

"Ano pinag-usapan niyo? Ang saya niyo ah?"  nakangiti kong tanong saka tumabi kay Melvin.

"Wala naman baby, kung ano-ano lang. Hahaha!" sagot ni Kuya Jake at pahawak-hawak pa sa tiyan niya.

"Meron bang gano'n? Share na kayo, dali!" kulit ko.

"Ah best, punta muna ako kay Ronald ha?" paalam ni Jane.

"Ayieee! Sige. Hihihi!" pang-aasar ko sa kanya.  "Ano na? Ba't nagsitahimik kayo?" 

"Huli ka na!"  pang-iinis ni Kuya Philip sa'kin.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon