Chapter 16.2

9.1K 280 52
                                    

----

*MELVIN POV


Hindi ko mapigilang hindi titigan si Mae. Grabe! Napakaganda niya, sobra! Kanina pa namin siya nakita, 'di lang kami lumapit agad dahil nakatulala lang kami. Talagang kaming apat. We can't believe it. May ikakaganda pa pala siya. Nasanay kasi kami na nagpopolbo lang siya at minsan gumagamit ng lipgloss, kaya ngayon, 'di talaga kami makapaniwala na sobrang ganda niya. Bagay na bagay sa kanya ang napili niyang damit.

Napakasimple pero napakaganda niya.

Habang nagsasalita siya, 'di ako makaimik. Nakatitig lang ako sa kanya. Iyong ngiti niya napakagenuine, pati mga mata niya kumikislap. Mababakas dito ang saya. I'm so happy na nakahanap kami ng maisusuot niya kahit na ang hirap, pero 'di kami sumuko. Kung kani-kanino lang kami nanghiram para lang may maisuot ang aming prinsesa and worth it naman ang pagod at hirap sa paghahanap kasi sobrang saya niya ngayon.

Hindi ako mapakali kanina, nagbulungan pa kaming apat. Baka kasi makilala kami ng tarantado niyang ex pero 'di pala. Ang kapal lang ng mukha, ang lakas ng loob na lumapit kay Mae pero natatawa ako sa itsura niya kanina no'ng tinawag naming baby at princess si Mae.

Parang nagseselos ang gago!

Believe ako sa babaeng 'to, nakakaya niyang harapin itong hinayupak na 'to na parang wala lang. Parang 'di siya sinaktan at niloko. Pambihirang babae
kung iba lang siguro 'to, kanina pa 'to umalis at umiyak.

Pero ito, kakaiba. Napakatibay at napakatapang. Nagawa pang tawagin itong Jeline na 'to. Pero nakakatawa 'yong mga itsura nila lalo na sa dalawang 'to nang nagkaharap sila.

Pero walangya itong si Jane at Lorraine, napakatapang. Mga loko itong mga batang 'to.
Napapailing nalang ako sa mga pinanggagawa nila. Pambihira.

Nandito na kami sa loob, kasabay pa rin namin si Lorraine na sobrang daldal. Kung ano-ano lang ang kinikwento, pareho silang dalawa ni Mae. Hindi nauubusan ng kwento, kaya siguro magkasundo itong dalawang 'to.

"Oo ate. Hahaha! Saka alam mo ba?Tinext ako no'ng Jeline dati. Hahaha! Napahiya tuloy siya sa'kin. Hahaha!" si Jeline na naman pinag-usapan nila. Kanina 'yong classmate niya na bruha raw.

"Talaga?! Anong tinext niya?"  natatawang tanong ni Mae habang si Jane, nakikinig lang at nakangiti.

"Sabi niya, 'Hi Raine, andiyan ba kuya mo?" Tapos alam mo nireply ko?hahahaha! Sabi ko, 'Mama? Nagpalit ka na pala ng number?' Hahahaha!"  lokang batang 'to.

"Hahahaha! Sira 'to. Tapos anong reply niya? hahaha!"

"Sabi niya, "Si Jeline 'to Raine. Hehehe.' Nireplyan ko naman ng,'Oh!It's you! The third wheel! Wow! Kapal ng mukha mo noh? Pagkatapos mong sirain ang relasyon ng kuya at Ate Mae ko, may gana ka pang magtxt sa'kin?! Kapal mong AHAS ka! And oh, don't call me Raine. 'Di tayo close!' Hahaha! Ayon, 'di na nakapagreply. Hahaha!"  napahagalpak naman kaming tumawa sa sinagot niya.

Magkapatid yata sila ni Mae eh. Baka pinaampon lang si Mae tapos si Baron, ampon lang din.

"Hahahaha! Buti nga sa kanya! Kapal kasi ng mukha. Hahaha!" nakahawak sa tiyan na sabat ni Jane habang tumatawa ng malakas.

"Hahaha! Bad Baby ha? Pero tama naman sinabi mo. Hahahaha!"  tingnan mo 'to, ginatungan pa.

"Naku! Nagkamali yata siya ng kinalaban. Hahaha! Akala niya siguro ate na mabait ako."

"Pero next time, hayaan mo nalang ha? Huwag mo nalang pansinin."  nakangiting sabi ni Mae. Ang mabait na prinsesa.

"Oo na po." Napangusong sagot nito.  "Paano ate, pupuntahan ko na po ang mga classmates ko ha? Balik po ako mamaya dito."

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon