Chapter 2

25.2K 646 116
                                    

---

***KYLA MAE POV***


"Maglinya ka na doon bata." Sabi ni Kuya Black sabay tulak sa'kin. Pero imbes na umalis, hinawakan ko laylayan ng damit niya at kay Kuya Gray sabay hila sa kanilang dalawa.

"Maglilinya tayong lahat. Ano kayo sinisuwerte? Dali!" Saka ko sila kinaladkad. Reklamo pa sila nang reklamo pero wala akong pakialam. Hahaha! Alam ko 'to eh, tatakas mga 'to para 'di makasali sa flag ceremony.

"Aish! Kung 'di ka lang pinsan ni John, naku! Pasalamat ka nalang."  Iritang sabi ni kuya sabay gulo ng buhok niya.

"Salamat kuya." Napailing-iling naman 'yong tatlo habang nakatingin sa unahan. 'Di ko nga alam kung bakit tinitingnan kami ng ibang students, eh 'di naman mga gwapo 'tong kasama ko. Ang papangit nga eh.

Siguro, nagtataka sila kung bakit hila-hila ko 'yong dalawa. Well, I don't care. Mehehehe.

Pagdating namin sa quadrangle, hinanap ko kaagad ang section namin saka dinala silang apat doon sa pila ng mga boys at saka ako pumunta sa pila naming mga girls. Ang nakakainis lang, maraming bakla sa school namin. Ang daming mga lalaking nakipila sa aming mga babae. Omo! Lagot! Sayang! Ang popogi pa naman.

"Hoy hoy hoy!" Sabi ko sabay turo sa mga lalaking nagsipilahan sa pila naming mga girls. Ang iingay pa nila, mamaya niyan kami pa ang maparusahan.

"Oh bakit?!" Maangas na tanong no'ng isa na akala mo gwapo. 'Di naman sa nilalait ko siya ha? Pero kasi ang angas eh.

"Umalis kayo dito sa pila namin, alis!"  Taboy ko with tulak.

"Oo nga, ang titigas pa naman ng mga ulo nila Kyla. Kanina pa namin sinasaway eh. Ayaw makinig. Hmp!" Sabat ni Jenalyn.

"Bakit ba?! Dito namin gusto pumila eh!" Sabat naman no'ng isa.

"At bakit?! Ang iingay niyo kaya, madamay pa kami. Kaya tsupi!" At tuluyan ko na silang tinulak papunta sa pila ng mga boys. Saka 'di ko naman mga classmates mga' yon, star section sila eh. Section B lang kasi ako.

Matiwasay na sana buhay ko kaya lang, may biglang tumulak sa'kin. Wengya! Muntik pa ako masubsob, buti nalang nasalo ako ni Mary Jane. Oh! Bestfriend ko po siya, Mary Jane Santos is her name.

Lumingon ako sa likuran at tiningnan ng matalim 'yong mga lalaki na tinulak ko, bumalik pala 'tong mga 'to. Grrr!

"Sinong tumulak sa'kin?!" Medyo pasigaw kong tanong, mahirap na baka matawag ako sa Guidance Office kung sisigaw ako ng malakas.

"Siya!"

"Siya." Nalilito ako kung sino kasi nagsituruan sila. Pumikit ako ng mariin sabay napakuyom bago dumilat ulit.

"Sino ang tumulak sa'kin?" Mariin at dahan-dahang kong tanong sa kanila. Natahimik naman bigla banda sa likuran ko at sa harapan ko. 'Yong mga nakarinig, biglang nagsitahimik. 'Di sila sumagot after 2 minutes may nagsalita.

"Ako!" Sabat no'ng lalaki na itinulak ko kanina.
Tinitigan ko ito ng maayos at nilapitan sabay hawak sa kwelyo niya at sinuntok ko siya sa dibdib.

"Tang-ina!"  sigaw niya sabay inambaan ako ng suntok pero naunahan ko siya, tinampal ko bibig niya.

"Oh?! Gaganti ka? Gaganti ka?!" natahimik naman siya pati mga nakakakita sa ginawa ko sa kanya.  Napahawak siya sa kanyang dibdib  at ang sama ng tingin sa'kin. Hindi naman sana ako magagalit pero naramdaman ko kanina na may tumapik ng puwet ko.

"Pasalamat ka, babae ka! Shit!"

"Salamat. Kaya umalis ka na. Sampalin kita eh. Mura ka ng mura, ang mamahal kaya ng mga bilihin ngayon."  Natawa ang mga nakarinig. Hala! Nababaliw na ba sila? 'Di naman ako nagpapatawa ah? Bahala na nga sila.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now