Chapter 10

7.7K 327 15
                                    

Dedicated to @blueskies_07
Bhe, di kita mamention. But I will dedicate this chapter to you. Thank you so much for reading, voting and comment to my story.😊

****

**KYLA MAE POV**

"WHAT THE?" sigaw ko pagpasok ko ng bahay.

Silang lahat nandito. Sina Melvin and Kuya Philip pala, wala. Si Ryan, nandito rin. May pasa din sa mukha pero 'yong ibang members wala. Ano itoo? Silang apat lang nakipagbugbugan?

Iyong kaninang maingay, ngayon tahimik na. Sobrang tahimik.

Nilingon ko si Kuya Jake sa likuran ko.

"Kuya? Ano ba talaga ang nangyari? Bakit kayo lang dalawa ang may pasa? Iyong ibang members, wala naman ah?"  naguguluhan kong tanong kay kuya saka nakakunot-noo pa at namewang.

Napakamot siya sa kanyang ulo saka umupo at tinapik ang katabing upuan niya, lumapit ako dito at umupo din.

"Spill it!" naiinis ko ng sabi saka pinandilatan ng mata 'yong iba na nakatingin sa amin. Nagkanya-kanya naman silang iwas ng tingin.

"Kaninang umaga, nasa paaralan na si Melvin at nauna pa nga sa amin eh. Ang nakapagtataka lang, no'ng nasa pathway na kami, nasalubong namin siya na masama ang aura. Binati pa nga namin eh pero 'di niya kami pinansin." Umpisa ni kuya saka huminga muna saglit bago nagpatuloy. Nakinig naman ako ng mabuti. "Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at parang wala sa sarili. Susundan sana namin, kaya lang tinawag kami ni Ma'am Riza at inutusan kaya 'di namin siya nasundan."

Huminga na naman ito ng malalim saka nakatingin sa unahan.

"No'ng recess time, may lumapit sa amin na dalawang second year students. Sinabi nila na nakita nilang dumaan sa likod ng paaralan si Melvin kung saan tayo dumaan kanina,"  saka ako tiningnan at yumuko saka ipinatong ang dalawang siko sa kanyang tuhod.
"Sabi nila, bumalik sa dati si Melvin, nasaktan pa nga niya 'yong isa eh. Kaya napagdesisyunan namin na lumabas upang sundan siya. Nagpasalamat muna kami sa dalawa bago umalis. Alam mo naman kapag may problema 'yon, wala sa sarili at naghahamon ng away. Buti nalang naabutan namin, sobrang dami ng nakalaban niya at pinagtulungan sya. 10 vs 1? Nagdilim paningin ko no'ng nakita ko siyang halos 'di na makatayo kaya 'di na kami nagkaroon ng oras para tawagan ang iba, sumugod na rin kami. Kaya ito, marami kaming pasa at bugbog sa katawan. Mas malala nga lang kay Melvin."

Ako? Ito nakatulala. Pilit pinapasok sa utak ko lahat ng sinabi ni kuya.

"So, you mean, si Melvin ang humamon sa mga kaaway niya na makipagbugbugan?" tanong ko nang mahimasmasan na ako. Tumango naman si kuya. Tumayo ako pagkatapos niyang tumango.

"Saan siya?" itinuro nila ang kwarto na kung saan sina Melvin. Pinuntahan ko naman agad ito saka tinulak ng malakas ang pintuan. Walang katok-katok. Naiinis ako eh, sarap hampasin ng pintuan 'yong taong nagsimula ng gulo.

Nagulat pa ang mga ito dahil sa lakas ng pagbagsak ng pinto. Nanlaki mga mata niya nang makita ako. Nilapitan ko kaagad siya saka sinuntok sa tiyan.

"Ahh!" daing niya at napapikit sa sakit.

"Anong dinadaing mo diyan? Gusto mo dagdagan ko 'yang pasa mo ha? Ang lakas ng loob mong manghamon sa kanila? Nag-iisip ka ba? Ginamit mo ba utak mo? Kung gusto mong magpakamatay, sana sinabi mo nalang at nang ako na 'yong sumaksak sa'yo! Saan mo ba nilagay utak mo ha? Pinahamak mo lang sarili mo! Ano bang nakain mo ha? ANO?"  galit na galit kong pagbunganga sa kanya habang nakapamewang pa. Si Kuya Philip, hindi nakaimik. Nakatitig lang sa'kin na nasa tabi niya nakaupo habang siya nakahiga at nakahawak sa tiyan na sinuntok ko at nakangiwi pa.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon