Chapter 15

7.5K 267 24
                                    

----

**MELVIN POV**

"Ayan na ang prinsesa!"  sigaw ni Ryan nang makapasok na si Mae.
Napangiti naman ako sa ginawa nito, siraulo talaga. Nakatayo pa sa gitna at sinalubong si Mae habang nakaopen arms. 'Di naman siya pinansin at seryoso lang siyang tiningnan.

Nagtataka naman akong tinitigan siya, 'di ganyan ang Kyla Mae na kilala ko. Siguradong may problema na naman 'to.

"Aba! Aba! Sungit natin ngayon ah? Meron ka?!"  medyo malakas nitong tanong habang nakangisi. Sinamaan naman siya ni Mae ng tingin bago sumagot.

"Tumahimik ka, wala ako sa mood." Magpapatuloy na sana ito sa paglalakad ngunit hinawakan siya ni Ryan sa braso saka nginitian ng matamis nang sinamaan na naman siya ng tingin. 'Di na ako magtataka kung makakatikim na naman 'yan mamaya ng isang malakas na sapok.

"Pwede ba Ryan!"

"Asus! Drama nito, upo ka nga do'n." Sagot ng huli saka marahang tinulak papunta sa'min.

"Masasapok na talaga kita!"  reklamo naman niya at nilabanan si Ryan habang tinutulak siya.

"Sige nga, sige nga." Hamon naman ni Ryan. Kaya ayon, nilingon siya ni Mae at sinapok.

"Aray! Sadista talaga!"  reklamong sigaw ng loko sabay sama ng tingin kay Mae.

"Hahahahaha!!"  tawa naming tatlo. Nanghamon pa, kilala naman niyang masunurin 'yan.

"Bakit? Sinunod ko lang naman sinabi mo ah!"  painosenteng saad nito saka humakbang papunta sa'min.

"Sadista!"  asar na bulalas nito saka sumunod kay Mae at umupo sa tabi ni Philip. Nakatingin pa rin ito kay Mae ng masama. Sinamaan din naman siya nito pabalik at inambaan ng suntok.

"Hep! Tama na 'yan!"  natatawang pigil ni Jake.

"Iyan kasi eh! Sabing wala ako sa mood!"  Mae said then stomped her feet. She always do that everytime na naiinis o naiirita siya.

"Whatever!" --- Ryan.

"Tama na nga 'yan, isa Ryan."  Jake said in a warning tone kaya umayos na rin ito ng upo na masama pa rin ang tingin kay Mae while Mae stuck her tounge out at him.

Napapailing nalang ako sa ginawi nito. Pagdating sa'min, napakaspoiled at napakachildish. Walang pakialam sa mga nakapaligid sa kanya.

"Bakit ka nakabusangot?"  tanong ni Jake ng seryoso sa kanya kaya nagpout naman ito saka nilalaro mga daliri niya.

"Ahm kasi,"

"Kasi trip niya lang. Naku! Tinanong pa." Singit ni Ryan kaya nakatanggap naman ito ng sapok mula kay Jake.

"Aww tol! Masakit!"  daing nito.

"Sasabat-sabat kasi, 'di naman siya ang tinatanong. Mr.Clean talaga!"  nakairap na turan ng prinsesa.

"Maldita talaga!" --- Ryan.

"Mr.Clean!"

"Maldi---!"

"Sige, isa nalang. Makakatikim na kayong dalawa sa'kin!"  singhal ni Jake kaya natahimik silang dalawa pero ang prinsesa nagroll eyes lang.

"Ako pa rin naman ang kawawa kasi 'di niyo kayang saktan 'yang mal---! Okay! Tatahimik na!"
sinamaan kasi siya ng tingin ni Jake, kaya biglang 'di tinuloy sasabihin pa sana niya. Loko talaga! Kaya minsan nasasabihan ng bakla ni Mae eh dahil ayaw patalo.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now