Chapter 9

7.5K 285 12
                                    

Dedicated to Jencess_26
Hello bhe, thanks for reading and voting my story. Love ya!😘

Please, play the video while reading this. Wala lang, trip ko lang lagyan. Hehehe.
Just kidding. Maganda kasi siya na song. The Gift of A Friend by Demi Lovato.😊😊

---

**KYLA MAE POV**

Nagtaka ako na maghapong wala si Melvin, mula no'ng naging kaibigan ko sila. Hindi na sila nag-aabsent kasi natatakot daw sila na baka pagsasapakin ko, pero ngayon, nag-absent na naman siya.

Oh! 'Di lang pala siya, pati pala sina Kuya Jake.

Kaya pala gano'n siya sa'kin kasi bumalik na sila sa dati. Sa dati nilang gawi, siguro nga mali na papakialaman ko buhay nila, kasi kaibigan lang naman nila ako. Hindi nila ako kapatid. Siguro nasasakal na sila or naiinis na sa kakulitan ko. Kakausapin ko sila, hindi para maging kaibigan ulit sa kanila kundi ibibigay ko na sa kanila ang freedom na gusto nila.

Mula kasi no'ng naging kaibigan ko na sila, 'di na nila magawa ang nakagawian nila. Pinapagalitan ko at sinasaway ko kasi sila kaya gano'n. Haist! Mali nga siguro ang ginawa ko, mali na pakialaman ko buhay nila.
I want to talk to them specially Melvin. I wanna know if why he's mad at me? Wala naman akong matandaan na ginawa sa kanya. Or baka nga meron, 'di ko lang matandaan.

"Argh!"  nafufustrate ako. Sumasakit ulo ko kakaisip kung ano ba nagawa kong kasalanan sa kanya. Haist! Kaninang umaga, nandito naman sina Kuya Jake pero no'ng recess time, nawala sila bigla.

Cutting classes again. Sa'kin pa nga tinatanong ng mga teachers kung nasaan ba daw sila? Bakit absent na naman? Bakit 'di ko raw kasama? Eh madalas daw nila akong nakikita na kasama ko ang mga 'yon.

Ginawa akong pagtanungan, mukha ba akong pagtanungan ng mga nawawalang kalabaw? Just kidding.

Kahit na 'di kami bati ngayon, nagwoworry din naman ako. Of course, mga kuya ko na sila.

Asan na ba kayo?  bulong ko nalang habang nakatingin sa labas ng bintana.

Hinihintay ko sila hanggang ngayon, kasi nga gusto ko na silang makausap. As in today, umaasa pa rin ako na papasok sila sa last period ngayong hapon. Sana dumating sila. If not, baka bukas nalang. Siguro naman, papasok na sila diba?

Nagmumuni-muni ako nang may kumalabit sa'kin sa kaliwang balikat ko pero 'di ko nilingon. Kinalabit na naman ako pero 'di ko pa rin pinapansin. Naiinis na siguro ang kumalabit kaya mas nilakasan na at medyo nasaktan ako kaya marahas akong lumingon at handa ng sigawan ang kanina pa nang-iistorbo.

"Ano bang-----!Kuya?!"  gulat kong sambit sa kanya at nagtataka kung bakit may pasa ito sa kanang pisngi. Tumayo agad ako at hinawakan ang pisngi niya. "What happened to your face? Bakit may pasa ka?"  tanong ko kahit na may hinala na ako kung ano ang nangyari. Napaiwas naman ito bago sumagot. May sugat pa nga siya sa labi eh.

"Napatrouble lang. P-pasensya na. 'Di naiwasan eh. Kailangan." Sagot ni Kuya Jake saka tumingin ulit sa'kin. Yes, si Kuya Jake. And I'm right, bumalik na sila sa dating kinagawian nila.

Trouble! Trouble ba apelyedo nila?

Tumango nalang ako, naaawa ako sa itsura niya. Siguro malaki rin kalaban nito, pero ang pinagtataka ko lang. Bakit may mga pasa siya? Eh dati naman kahit marami silang kalaban, 'di yan nagkaroon ng ganyan karaming pasa. Haist!

"Kaya pala, nawala kayo kanina."  Komento ko saka ngumiti ng pilit.
"Ahm, may kailangan ka ba kuya?"  I asked him wearing my smile. Maybe 'di siya galit sa'kin kaya kinausap niya ako.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now