Chapter 50:HE'S AWAKE

4.3K 159 34
                                    

                                   

---
                                                             
*KYLA POV*



Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan ng room ni Kuya Jake. Nanginginig ang mga kamay ko at ramdam ko na nanlalamig din ang aking mga palad. Habang si Melvin nakahawak sa siko ko at nakasunod naman ang iba sa likuran namin, kasama si Kuya Jackson.

Naiiyak akong lumapit kay Kuya habang nakahiga sa hospital bed na may nakakabit na oxygen sa kanya.

Ayos na siya, pero 'di pa nagigising. Siguradong nagpapahinga ito ng maayos dahil sa sobrang pagod niya. Medyo namamaga pa ang mukha nito, grabe 'yong natamo niyang pasa mula sa mga wanted na mga demonyong 'yon.

I wonder kung saan nakuha ni Ate Wendy ang mga iyon?

Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay at pinisil bago umupo sa sa tabi niya.

"Kuya?,"  tawag ko kahit tulog pa siya. "Gising na. Huwag ka mawiling matulog ha? Sige ka, aawayin ko 'yong babaeng nasa gallery ng phone mo."

Napangiti ako nang maalala ko 'yong girl. Hindi ko pa siya tinanong about do'n. Hihintayin ko na siya mag-open up about this girl.

"Kuya, gising ka na ha? Marami pa akong itatanong sa'yo eh. Tungkol sa kapatid mong si Jayca." gumalaw naman ang daliri ni Kuya kaya napatingin ako sa kanyang kamay na hawak ko bago tumingin ulit sa mukha niya.

Namimilog ang mga mata ko nang dumilat siya at bahagyang ngumiti kaya dinamba ko kaagad siya ng yakap.

"Princess!"  nagulat ako sa pagsigaw ni Melvin kaya napakalas ako sa pagyakap kay Kuya at sinimangutan siya.

"Huwag magalit, okay? Nag-aalala lang ako baka matamaan ang sugat ni Jake."

"OMG! Sorry Kuya!"  napatakip ako sa bibig ko at natatarantang hinawakan si Kuya sa kanyang kamay at tumitig sa kanya.

"I-it's okay ba-baby."  nauutal niyang sagot kaya napangiti naman ako.

"You want water?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya bilang sagot.

Bago pa ako makakuha ng water, dumating na ang doctor kasama ang dalawang nurse. At chineck ang heartbeat ni Kuya gamit ang stethoscope.

"Good. Okay naman heartbeat mo. Kailangan mo nalang ng mahabang pahinga.  sabi nito bago humarap sa'min.

"Kayo ba ang pamilya ng pasyente?"

"Yes, doc."  sagot ni Kuya Jack sa likuran ko kaya napalingon naman ako sa kanya. Siya siguro tumawag ng doctor.

"Okay na siya, but he need to take a long rest. Mag-stay muna siya dito ng ilang araw pa. Kailangan pa namin siya imonitor. Kasi medyo malalim 'yong sugat niya." tumango naman si Kuya Jack at lumapit kay Kuya Jake.

"Ah doc? Pwede ko po bang painumin ng tubig ang pasyente?"  inunahan ko na siya bago pa siya magsalita ulit.

Kawawa naman Kuya ko, tiyak nauuhaw na ito. Kaso itong doctor, alam na ngang nabugbog at nasaksak Kuya ko. 'Di man lang nag-abalang tanungin kong nauuhaw na ba o nagugutom.

"Ah, sure."

"Thanks."  maiksi kong sagot at nagsalin ng tubig sa baso.

Tinanggal naman ng nurse ang oxygen ni Kuya Jake saka nilagay sa tabi at pinainom ko na si Kuya. Naubos ni Kuya ang isang basong tubig. Woah! Uhaw na uhaw talaga.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now