Chapter 39

4.6K 190 22
                                    

       

---     

 *JAKCSON POV

"Shit!" mahinang mura ko nang napanood ko na 'yong video na binigay sa'kin ni Mike.

Akala ko, hinala ko lang kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'yon. Pero hindi, tama ang hinala ko. Siya nga may pakana ng lahat.

How dare her? Paano niya nagawa 'yon?Wala na ba siyang konsensiya? I wanna kill her! I want to send her in hell!

Galit kong bulong. I can't believe it! Talagang magagawa niya ang mga bagay na 'yon. Walang agam-agam. Shit!

Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number ni Jake.
Nakadalawang ring pa lang, sinagot na niya.

"Hellow bot." napakunot-noo ako sa pagsalita niya. Ba't parang bulol ito?

"Anong nangyari sa'yo?"

"Ti Kyla, shit bot. Pinakain ka---!"

"Hahahahaha!" napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Ngayon ko lang naalala na may ginawa palang kalokohan ang kapatid ko.

"Okay-okay. Pfff! Hahaha! Huwag na magsalita." pagpipigil ko sa pagtawa. Natatawa na naaawa ako sa kanila. Pero sumeryoso naman ako agad at sinulyapan ang video sa harapan ko na nakaplay sa laptop.

"Pumunta kayo dito mamaya. We need to talk."  at napatikhim pa ako sa kakapigil tumawa. "Bye."  then I ended the call and laugh so hard.

Shit! 'Di ko mapigilan. Kalokohan talaga ng babaeng 'yon, pero hindi ko na mapigilan. Hindi magpapaawat kaya hinayaan ko nalang. Diyan siya masaya eh. Kaya hayaan na.

"Haist!"  napapabuntong-hininga ako at pinatay ang laptop kung saan nakaplay ang video na ibedensiya namin.
I can't believe it. Yes, I can't! I thought ibang tao, siya lang pala. 'Di ko maintindihan kung bakit nagawa niya 'yon o naisip niyang ipagawa. Wala namang ginawang masama si Mae sa kanya.

Ganyan ba ang nagagawa ng mga taong punong-puno ng inggit? Makakagawa ng masama? Makakapag-isip ng masama?Why? Gayong ginagawan nila ng masama, nanahimik naman sa tabi?

Sumasakit ulo ko. Because until now, 'di ko lubos-maisip na siya ang may kagagawan ng lahat ng iyon.

"Pasok."  Saad ko nang marinig ko ang mahihinang katok at umayos naman ako ng pagkakaupo. Dahan-dahang pumasok ang tatlo, wearing their serious expression.

---

            *THIRD PERSON POV*

Dahan-dahang pumasok ang tatlong member ng DAG(Dark Angel Gang) sa office ni Jackson, wearing their serious expression. They know na may problema. If what is it? Iyon ang hindi pa nila alam.

Maayos na makapagsalita ang mga ito, dahil medyo nawala na ang pamamaga ng kanila mga labi. Ang mas malala, ang kay Ryan dahil sa kanilang apat, ito ang pinakamatakaw. Si Philip naman ang medyo okay, dahil konti lang nakain nito.

"Master!"  seryosong bati ni Jake kay Jackson na seryosong nakaupo sa swivel chair nito.

"Sit." -maikling sabi nito sa tatlo at tumalima naman kaagad.

Aso lang kami, gano'n? saisip ng loko-lokong Ryan. Sa tatlo, siya lang ang 'di makapagsalita ng maayos kaya sa isip lang ito nagsasalita.

"Bakit master? Anong problema?"  tanong agad ni Philip pagkaupo niya.

"Watch this." -pinlay ng kanilang master ang video record na nasa laptop at hinarap sa tatlong prenteng nakaupo sa kanyang harapan.

"What is that?"  Jake asked. 'Di ito sinagot ni Jackson, kaya nanahimik nalang ito at tutok na tutok sa laptop.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon