Chapter 4

17.8K 515 163
                                    


---

**KYLA MAE POV

"Kuya, sa'n kayo pupunta?" tanong ko kina Kuya Jake(Black) no'ng papalabas na sila ng classroom.

"Sa labas lang." Sagot niya na nakangiti.

"Sama ako!" sabay talon pababa ng upuan. Nakatayo kasi ako sa upuan ko eh, naglalaro kasi kami ng mga classmates ko.

"Hindi pwede. Dito ka lang." Napasimangot naman ako sa sagot niya. Hmp!

"Bakit naman? Gusto ko sumama eh." Mas lalo akong sumimangot. Nilapitan naman ako ni kuya saka kinurot pisngi ko.

"Aww! Bitaw!" tinapik ko kamay ni Kuya saka lumapit kay Kuya Philip(Kuya Blue) para kumbinsihin din. Hinila ko laylayan ng damit niya.

"Kuya,sama a--"

"Bawal ka do'n." Bastusan lang. 'Di pa ako tapos magsalita pero sumabat na siya. Nakakasakit sila ng heart, ayaw ako isama pero bawal pala and I get it.

"Ah, okay. Hihihi! Sige, alis na." Taboy ko sa kanila. Pero nagsalita ako ulit ng pabulong.
"Walang patayan ha?"

Ginulo naman nila buhok ko. Hmp! Talagang apat sila ang gumulo ha? Nakakapagod magsuklay eh.

"Hey listen!" sigaw ni Kuya Jake.

"Ahem! English! Hahaha!" natawa naman sila sa sinabi ko pero si Ryan inipit ako sa kilikili niya.

"Aalis kami. Huwag na huwwag niyong sasaktan 'tong baby namin kundi makakatikim kayo sa'min! Naiintindihan?!" seryosong bilin ni kuya.
Hinampas ko naman siya bago nagsalita.

"Oa mo kuya. Hihihi. Alis na. Alis!" tinulak ko na sila palabas ng classroom.

Two months na rin kaming magkaibigan nina kuya. Sobrang close na namin, except Melvin(Kuya Pink) kasi tahimik siyang tao kapag magkasama kami. Pero kung sila lang nina kuya, nagsasalita naman siya at malakas tumawa. Si Kuya Philip(Blue) naman, 'yon ang pinakatahimik sa kanila. Kahit lakas nang tawa namin, siya nakangiti lang. Oh diba abnormal siya? Tsk tsk tsk. Padala ko kaya 'yon sa mental?

Dalawa sila ni Melvin, kasi si Melvin, minsan nahuhuli kong tumatawa na mag-isa habang hawak phone niya. Baka may tililing na 'yon. Sina Melvin and Ryan, 'di ko na tinatawag ng kuya kasi ayaw nila. 2 years lang naman daw tanda nila sa'kin kaya okay lang. Sina Kuya Jake and Kuya Philip naman, 20 years old na kaya kuya talaga tawag ko sa kanila. Bini-baby pa nga ako nila eh. Gusto nila makausap si Baron pero 'di ako pumayag, baka takutin nila at hihiwalayan ako. Eh 'di wala na akong lovelife.

Si Jeline? 'Di ko na nakakasama lagi kasi may bago na siyang kaibigan, lagi silang nagka-cutting classes tapos gumagala at nakikipagmeet sa mga boyfriend nila. Minsan sila pa ang pumupunta sa bahay ng boyfriend nila. 'Di naman siya nakikinig sa'min ni Jane kaya hinayaan nalang namin. Saka naiinis din ako sa kanya minsan, tinitext niya pala si Baron. Kinuha niya number ni Baron na 'di nagpapaalam sa'kin. Kung 'di pa sinabi ni Jane, hindi ko malalaman.

Naki-text daw kasi siya tapos nakita niya ang message ni Baron do'n. Para ngang may iba akong nararamdaman eh. Pero binabalewala ko nalang. 'Di naman siguro niya gagawin sa'kin 'yon. She's my bestfriend.

*toot toot*

From:Mr.Demon

~Hi Angel

---

Argh! Sino ba 'to? Ba't text nang text? 1 month na rin 'tong nagtetext sa'kin eh. Minsan 'di ko nirereplyan, kaya lang pinaflood niya ako eh.

Nakakainis! Kaya minsan nirereplyan ko nalang kapag 'di nagtetext si Baron. Si Baron din kasi, parang wala ng time. Minsan kapag tinatawagan ko, busy daw. He's in another call. Siguro kausap niya mama niya.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now