Chapter 42:Surprise

4.5K 198 35
                                    

Shout-out kay ALLANA PRINCESS GOMEZ. Hi bhe, thanks for reading my story. Salamat kasi nagustuhan mo ang MGS. Thank you thank you. Dahil diyan, dedicate ko sa'yo ang chapter na 'to. Enjoy!

---

              

                 *KYLA POV*

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko pero 'di ko iminulat ang mga mata ko. Nanatili akong nakapikit dahil kilala ko ang mga boses na ito, hinayaan ko lang sila magtalo.
Gusto ko marinig mga hinaing nila na walang kwenta saka medyo masakit pa ulo ko kaya mananatili muna akong ganito.

"Kainis talaga! Ang sakit ng panga ko!"  reklamo ng isa na sinapak ko kanina.

"Kung 'di ka lang kasi tanga! Alam naman natin na amazona "yan. Na katulad 'yan ng kuya niya. Boplaks mo tol!"  pang-aasar ng isa at tumawa pa ng mahina.

"Gago you! Syempre nakalimutan ko."  asar naman na sagot no'ng nasapak ko.

"Palibhasa matanda na. Hahaha!"

"Gusto mo ikaw naman sapakin ko?!"  naiinis na sabi ng isa.

"Tumigil nga kayo! Gisingin niyo na 'yang prinsesa."  sabat ng isang kasama nila.

"Huwag na, hayaan na muna natin. Kahit mukhang anghel 'yan kapag gising, nakakatakot pa rin. Mas mabuting tulog siya kasi mukhang anghel na nga at 'di pa nakakasakit." napasmirk ako sa'king isipan.

Thats it!

"Ahh!"  daing niya dahil sinipa ko siya sa tiyan at sinapak ang dalawang nasa tabi ko.

"Ouch!"

"Tangna!"

Kung ano-anong reactions nila sa ginawa ko saka nagsmirk.
Their eyes widened when they saw me smirking.

"What?!"  angil ko sa kanila at tumingin sa labas ng sasakyan. Yes,we're here at the van. 'Di ko alam kung ano ang nahithit nila at ako ang pinagtripan.

"Tell me what's going on."  madiin at seryoso kong sabi saka sila tiningnan isa-isa.
Nanlaki naman mga mata nila saka lumunok.

"Ah he-he-he. Kasi kasi Kyla, may naghihintay sa'yo sa labas. Sorry sa ginawa namin. Huhuhu!" drama ni Travis. Yes, it's Travis. Siya 'yong nasapak ko kanina bago nila ako dinala dito.

Umirap  ako saka lumabas ng van, inikot ko mga mata ko then I saw Kuya Jake. Sinasabi ko na nga ba, siya 'yon kanina at si Ryan.
Katabi niya si Ryan na may mask na BTS ang nakaprint. Fan ng BTS 'to.

"Hi baby!" masiglang bati ni kuya. Sinimangutan ko siya bago ako lumapit sa kanila.

"Naks ha? May pakidnap-kidnap pang nalalaman."  sarcastic kong sabi nang malapit na ako sa kanila. Narinig ko naman na nagfefake cough si Ryan kaya piningot ko.

"Aww! Aray naman Kyky! Bitaw!"  sigaw niya kaya binitiwan ko rin.

"Punta ka na do'n."  turo ni Kuya Jake after niya tingnan phone niya. Sinundan ko naman ang itinuro niya at kumunot-noo.

"Anong meron doon?"

"Basta. Punta ka na do'n Kyky. Goodluck!" nakangiting sabi ni Ryan na lalo akong napakunot-noo.

"W-what?!" Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.

"Basta, punta na do'n."  at itinulak na nila akong dalawa kaya naglakad nalang ako.

Hindi ko talaga alam kung saang lugar ito. Kaya tuluyan na akong naglakad habang nililibot ang paningin.

I look at my wirst watch, it's 5:20. Malapit na pala gumabi kaya binilisan ko ang paghakbang.
Then I saw rose petals na nagkakalat sa pathway. Iba't-ibang kulay. Ang ganda tingnan, may red, orange, yellow, white and pink. I plastered smile. 'Di ko mapigilan. I wonder kung sino may gawa nito, out of curiousity. Nagpatuloy ako sa paghakbang then I saw an arrow pero sa dulo nito heart siya. So heart arrow?Kidding. Nagawa ko pang magbiro eh kahit ninerbyos na ako.

Mga ilang steps pa, may nakita akong nakafold na papel or red cartolina na nahalo sa mga petals. So, I pick it then open it.

You're pretty.

Napangiti ako sa nabasa ko then naglakad ulit. Then I saw a cartolina again, medyo maliit siya na parang post it note.

You're cute.

Binobola yata ako ng may gawa nito eh. Naku!

Then, sunod-sunod na ang letters na nakita ko at medyo malayo na ako sa pinagmulan ko.

You're gorgeous.

You're an angel.

You're brave.

You're smart.

You're the apple of my eyes.

Aaminin ko, kinikilig ako kahit hindi ko kilala sino may gawa nito. I felt butterflies on my stomach. Then,

You're the girl who captured my heart.

You're the girl, who make my heart melt.

You're the girl who make me smile.

You're the girl that I love.

"God! It's him?!"  bulalas ko. Yes, may iniisip ako kung sino but ayaw ko mag-expect. Baka ma-hopia ako. Masasaktan lang ako.

I love you so much, Kyla Mae Serrano.

Hindi ko na nacontrol feelings ko, kinilig na ako ng sobra. Nasa mga kamay ko ang lahat ng letters at nailagay ko sa tapat ng puso ko at ngumiti ng malawak. Then I saw a table for two na nasa gitna ng mga puno ng Ilang-ilang at may mga santan din. May mga christmas lights na nakalagay na iba't iba ang kulay.

"Ang ganda!"  hindi ko napigilang bigkasin.

Then dahan-dahan akong humakbang papunta dito. Napakatahimik ng paligid, parang nagtatago lahat ng mga tao. Wala akong marinig kundi huni ng mga kulisap. Nilibot ko paningin ko at napangiti na naman. Sobrang ganda.

Lumapit ako sa table na may nakalagay na vase sa gitna. Namimilog ang mga mata ko dahil mga tulips ang nakalagay sa vase at iba't iba ang kulay. My fave flower.

Then I heard someone singing na nasa bandang likuran ko kaya dahan-dahan akong lumingon.

"Oh my god!"  mahinang bulalas ko sabay tutop ng bibig. Sabi na eh! Naiiyak ako pero pinipigilan ko luha ko, ayaw kong umiyak. Mamaya na.

Kinanta niya ang isa sa mga favorites song ko na kinanta din ng fave ko na si Yook Sungjae. Shems! Bakit siya ganyan?

(*Play the video po para mas maganda.^__^*)

Humahakbang siya ng dahan-dahan papunta sa'kin habang nakangiti at kumakanta. Lalo siyang gumwapo ngayon. Kung kanina na 'di ko pa alam kung sino may pakana ng lahat, eh kinikilig na ako. Ngayon pa na kitang-kita ko na ang may gawa? Kitang-kita ko na ang lalaking nasa harapan ko na kumakanta habang nakangiti at dahan-dahang lumapit sa'kin? God! Thank you!

He sang "I love you". It's Korean song and I really love it!

No'ng nasa chorus na siya, 'di ko na napigilan ang mga luha ko na nagsi-unahan sa pagpatak. Damang-dama ko 'yong pagkanta niya, talagang mula sa puso at napakalamig ng boses.

He step closer then wipe my tears, using his thumb while his left hand holding a microphone.
Tuloy-tuloy lang mga luha ko until he finish the song.

"Stop crying."  sabi niya habang pinupunasan na naman mga luha ko. Tumango naman ako then wipe my tears.

"Sorry, can't help it."  natatawa kong sagot then bumuntong-hininga.

"Princess,"  tawag niya at halatang kinakabahan siya. Nanginginig pa nga kamay niya kanina habang pinupunasan luha ko.
I smiled at him then he smiled back.
He sighed. Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinawakan ng mahigpit bago nagsalita ulit na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Will you be my girlfriend?"

---

Enjoy reading!

God bless you all.

- Ate Mae

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon