CHAPTER 52:HOW?

4K 166 71
                                    


---

                           *JAKE POV*



"Oo."

I was stunned nang dahil sa sagot niya. Tinitigan ko lang siya, hindi ko alam kung ano ang susunod kung sasabihin. Biglang na-blangko ang utak ko. Wala akong makapang salita para ibuka ang aking bibig.

Nang tinanong niya ako kanina tungkol sa kapatid ko, 'di agad ako nakapagsalita. Nagulat ako, wala naman akong binanggit sa kanya na may nawawala akong kapatid. Na nawala ang anghel namin, ang Prinsesa namin, ang batang nagbibigay ng liwanag sa buhay naming magpamilya.

Maging kina Melvin, hindi ko binanggit nag tungkol dito. Nalaman lang nila noong pumunta sila ng bahay ng biglaan. Kahit sino, wala akong dinadalang kaibigan sa bahay. Maliban nalang kung pupunta sila doon na hindi nagpapaalam.

Katulad ng ginawa nina Melvin. Pero itong babaeng nasa harapan ko na umiiyak pa rin. Paano niya nalaman?  Hindi ko pa siya dinala sa bahay. Ayaw kong malaman nila ang tungkol sa kapatid ko.

Kaya no'ng pumunta sina Melvin at si mama lang naabutan nila, nakita nila si Princess. Dahil hinayaan sila ni mama na pumasok sa kwarto ko habang nasa bahay ako ng Tito ko.

Matinding pananakot ang ginawa ko sa kanilang tatlo para 'di ito sabihin kahit kanino. Nakinig naman sila. 'Di nila pinagsasabi. Maliban nalang siguro ngayon, sinabi nila dito.

Makakatikim sa'kin mamaya 'yong Ryan na 'yon. Alam ko naman na siya lang ang tsismoso sa aming apat.  Saisip ko.

" How?"  naguguluhan kong tanong sa kanya. Napaiwas ito ng tingin bago ibinuka ang bibig pero biglang bumukas ang pintuan bago pa ito makapagsalita.

"Nak!"  napatingin ako sa biglang sumigaw. Si mama. Kasama sina Papa at Jason.

"Ma."  mahinang tawag ko sa kanya at tipid na ngumiti. Ngumiti naman siya pabalik saka ako nilapitan na naluluha.

Bumaba naman si Baby Kyla sa higaan ko saka medyo lumayo at ngumiti habang pinapahid ang luha.

"Okay ka na ba? Anong masakit sa'yo?Anak! Diyos ko! Ang dami mong pasa!" natatarantang saad nito at saka ako niyakap.

"Ma, I'm okay. Huwag na mag-alala." – hinahagod ko likod niya dahil 'di na nito napigilan ang pag-iyak.

Lumapit naman si Papa sa'min saka tinatapik ang balikat ko. Tiningala ko si Papa at naiiyak din ito habang nakangiti.

"Thanks God! Okay ka na."  Usal ni mama at kumalas sa pagyakap sa'kin.

"Thanks to that girl standing over there." sagot ko naman kay mama at inginuso ang babaeng nakatayo sa tabi ng nakasaradong pintuan na nakangiti ng malapad. Sabay naman na nilingon ng tatlo ang inginuso ko.

Si Jason, lumapit sa'kin at ngumiti ng tipid. May pasa pa din ito sa kanang pisngi. Hindi pa rin pala nawala.

"Come here sweetie."  tawag ni mama sa kanya at inilahad ang palad. Dahan-dahan naman na lumapit si baby sis sa'min at ngumiti ng matamis. Niyakap agad ito ni mama saka suminghot.

Hay naku! Iyakin talaga.

Tingnan mo 'to, umiyak na rin 'yang isa. Parehong iyakin eh.

"Thank you so much Kyla. Thank you for saving our son." rinig kong sabi ni mama at nagtataka akong tumingin sa kanya. Nginitian lang ako nito bago sumagot.

"Walang anuman po. Gagawin ko po 'yon dahil mahal ko si Kuya. Kahit sino sa mga kaibigan ko, kapag nasa kapahamakan. I will risk my life to save them." seryosong sagot nito saka ngumiti pero 'di pa rin tumigil sa pagpatak ng mga luha.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now