Chapter 63:Sorry

3.6K 129 22
                                    


*KYLA/JAYCA POV*

"Kyla Mae Serrano!" Inis na banggit ng Guidance teacher namin sa old name ko. Sinimangutan ko siya at nagpapadyak habang nakaupo dito sa single couch.

"Sabing hindi Kyla Mae Serrano name ko." Bulong ko, pero alam kong rinig niya 'yon dahil napahinto ito sa paghihilot ng kanyang sentido at tiningnan ako.

Tumayo ito saka bumuntong-hininga.

"Ano ba ang pangalan mo? Hindi ba Kyla Mae Serrano?" Inis nitong tanong at itinukod ang dalawang palad sa kanyang mesa.
Iginala ko paningin ko bago timingin kay ma'am at sumagot.

"Princess Jayca Sandoval po." Magalang kong sagot. Mahirap na, baka hampasin ako ng walis tambo. Hihihi.

"Diyos na mahabagin!"

"Anong hihilingin mo sa kanya ma'am?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Detention room." Sagot nito at nanlaki ang mga mata ko sa sinagot niya.Napatayo kaagad ako bago nagtanong ulit.

"Detention room po ang hiniling niyo?So, madadagdagan ang Detention room?!"

"Detention room! NOW!"

"Ahy now!" Sigaw ko sa gulat at napatalon pa ako.

"May foods po ba do'n?"

"PRINCESS JAYCA SANDOVAL!!"

"OKAY PO! BA-BYE!" Sigaw ko at patakbong tinungo ang pintuan sabay bukas kaagad. Sinara ko naman ito ng malakas saka ngumiti ng nakakaloko.

"Hindi na kita kaya!" Humagikhik na ako ng tuluyan dahil sa isinigaw nito.

🎵Lalala lala.. Lalala lala🎵

---

*THIRD PERSON POV*

Natatawang pinapanood ng Principal at Guidance teacher si Kyla o Jayca na patalon-talong pumunta sa Detention Room. Hindi mo makikita sa mukha nito na badtrip ito kundi parang tuwang-tuwa pa.

"Pambihirang bata! For sure natutuwa pa 'yan na nasa Detention Room kasi walang ingay o magulo." Natatawang saad ng Principal na sinang-ayunan naman ng Guidance Teacher.

"Minsan nga sumasakit ang ulo ko sa batang 'yan. Napakakulit! Daming tanong kahit dalaga na, daig pa ang batang three years old." Umiiling na sabat ni Teacher Riza na adviser teacher nina Jayca.

"Naku buti nalang Ma'am Riza, march na. Kaya pwede ka na magpahinga." Natatawang saad naman ni Teacher Faye. Pero nanlaki bigla mga mata nito nang maalala niyang Fourth year pala ang advisory class.

"Hahaha! Ikaw ang humanda na Ma'am Faye. Naku! Baka masasabi mo nalang na 'Suko na ako!'. Tumatawang sabi ni Teacher Riza dito na ikinailing ng ibang teachers.

Nasa Faculty Room kasi ang mga teachers at pumunta kaagad ang Guidance Teacher dito pagkatapos itaboy si Jayca. Kaya nakita pa nila ang bata na dumaan sa Faculty Room habang kumakanta.

May meeting ang mga guro kaya walang pasok ang first period nila. Karamihan ng classroom maiingay ang mga estudyante. Iyong iba naman naglalaro ng 'jackstone'. Iyon ay ang section ni Jayca.

Iyong ibang estudyante naman, may iba't ibang ginagawa. May nagdedate, nagpapacute sa mga crushes nila at 'yong iba nagbabasa ng books.

Sa isang tabi, nag-uusap ang apat na magkaibigang DAG. Seryoso ang pinag-usapan ng mga 'to ngunit biglang sumama ang itsura ng tatlo nang biglang sumingit sa usapan si Ryan.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now