Chapter 13

7.6K 300 36
                                    

--------

**JAKE**

"Kuya, pout ka." Nagpout naman ako. Hindi ko alam kung bakit sinusunod ko ang batang 'to. Siguro dahil may naalala ako sa kanya?

"Waah!"  tili ni Baby Mae habang nakatingin sa cellphone niya.
"Ang pogi este ang ganda mo talaga kuya!" nagpapadyak pa ito at parang kiti-kiti dahil sa kilig. Hahaha!

Napakaloko talaga ng batang 'to, walang magawa sa buhay kundi pagtripan ako. At talagang handa siya ha? Kumpleto gamit niya, may wig at damit pa.

"Para kang baliw niyan baby. Tanggalin mo na nga to."  Natatawa kong sabi sa kanya sabay alis sana ng wig pero pinigilan niya ako.

"Hep hep hep!"  awat niya at inayos ang wig.

"Hooray!" sabay na sigaw nina Ryan at Philip.

"Hahahaha!"

"Anong hooray? Nababaliw na ba kayo?"  she asked na nandidilat pa ang mga mata.

"Sino ba ang nagmemake-up at ginawang babae si Jake? Sino ba ang mahilig mantrip? Sino ba ang ginawang patay si Melvin?!"  sunod-sunod na tanong ni Ryan sa kanya.

"Ano? Ginawang patay si Melvin ng pasaway na 'to?"  sabat ni Elmer. Our schoolmate/batchmate na bakla.

"Hehehe!" tawa niya lang sabay peace sign.

"Hindi ko kaya ginawang patay si Melvin, hehehe. Dinasalan lang namin para gumaling--oops!"  sagot niya saka nanlalaki ang mga mata saka tinakpan ang bibig sabay peace sign ulit.

Naloko na, muntik pa kaming mabisto. Pasaway 'tong batang 'to. Naku! Dadami na talaga kasalanan nito kay Melvin. Hahaha! Kung ibang tao lang 'to, matagal na 'tong nasapak ni Melvin. Mainitin pa naman ulo no'n. Buti natitiis niya 'to. Sabagay, mahal niya eh.

"Anong dinasalan para gumaling?" tanong ni Jackie.

"Hahaha! Dinasalan namin si Melvin para gumaling na 'yong utak niya. 'Di ba nga, minsan may tililing pa din siya? Hahahaha!"  bawi nito at sinabayan pa ng tawa kaso ngumiwi pagkatapos.

"Hahaha! Sira talaga 'tong batang to." Nasabi nalang ni Philip saka pumunta siya sa likod ni Baby Mae at parang sinakal. Iyong inipit niya sa braso ang leeg ni Mae.

"Awww! Kuyaaaaa! 'Di na nga ako bata!"  sigaw nito na nagrereklamo. Hinahampas pa sa braso si Philip.

"Ewan sa inyo, ang gugulo niyo. Baby, tanggalin mo na 'to." Singit ko sa kanila dahil naghaharutan na eh. Kinagat kasi niya si Philip sa braso kaya lalo siyang sinakal kaya gumanti na naman siya ng kagat.

"Kuya! Masakit na!" reklamo nito saka hinahampas at kinukurot si Philip. Si Philip naman ilag nang ilag saka kinikiliti siya gamit ang isang kamay.

"Hahaha! Bahala ka diyan!"  tawang sagot ni Philip.

Itong batang 'to, 'di ako pinapansin. Huwag na nga lang tanggalin, mamaya magtatampo na naman. Okay lang na magmukha akong katawa-tawa, basta mapasaya lang namin ang aming baby. Baby damulag. Hahaha!

"Kuya! Tama na! Isa!"

"Dalawa!" napapailing nalang kaming pinapanood silang dalawa.

"Lima!"  dugtong ni Mae sabay apak sa paa ni Philip ng malakas at tumakbo palapit sa'kin saka ito binelatan. Hahaha! Napakaisip-bata talaga.

"Masakit 'yon ha?"  reklamo ni Philip habang minamasahe paa niya. 'Di kasi nakasapatos kaya nasaktan.

"Nyenyenye! Matanda!" pang-aasar pa nito saka kumekembot.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon