Chapter 57.1:PARTY

4.2K 171 53
                                    

---

*KYLA POV*

Tonight is the night! Yipee! I'm so excited. Kasi makikilala ko na mga kamag-anak ko, especially Ate Joy. I want to talk to her pero iyong nga kuya ko, nagmukhang kontrabida dahil ayaw talaga nila na makausap ko ang pinsan nila.

Pero anong magagawa nila? Inimbita ko pa rin, syempre hindi nila alam na buhay ako. Na bumalik na ako. Ang alam lang nila, may gaganaping party dito. Pero hindi nila alam kung bakit.

Ewan ko kina papa, anong trip nila. Kahit nga ako, hindi ko alam kung anong mangyayari. Kasi 'di nila pinabasa sa'kin ang program.

Oh diba? May program pa talaga?

Sabi kasi nila, parang icecelebrate din namin 'yong mga birthdays ko. Noong mga panahong wala ako, babawi daw sila. Kaya ito ang nangyari, bonggang Thanksgiving Party.

Kanina nga, nagtext kapatid ni mama na pupunta daw sila ng maaga para tumulong. Kaya ang ginawa nila, ikinulong ako dito sa kwarto. Hihintayin ko nalang daw sila na matapos.

'Di na rin ako nagmatigas, kasi alam ko na isusurprise nina mama at mga kapatid niya at mga pinsan namin.

Buti nalang hindi kasing-slow ni Travis ang connection kaya 'di ako nabored. Hehehe. Nakapag-you tube at facebook ako.

Speaking of my kuya's. Kung ano-anong dahilan ang sinasabi nila para hindi na iinvite si Ate Joy. Like makakasira sa party o kung ano pa. But I didn't listened to them. Tinawanan ko lang na ikinaasar nila. They hate her so much. Lalo na si Kuya Jason. Kasi kami ang magkasama noong panahong itinulak ako ni Ate Joy sa dagat.

I know, may galit siya sa'kin noon and I know, hindi niya 'yon ginawa para pagtripan ako. Ginawa niya 'yon dahil naiinggit siya sa'kin. Galit siya kasi ako nalang palagi ang kinakausap ng iba naming pinsan at mga kuya niya and of course, alam kong sinadya niya 'yon kasi nasa tamang edad na siya no'n eh.

Alam na niya ang tama o ang mali. Ang dapat at hindi dapat.

Gusto kong makita ang magiging reaction niya kapag makita niya ako at ipapakilala na sa kanila. Kaya sinabihan ko sina mama na sa harapan dapat si Ate Joy at sa gitna mismo.

Naglagay din kasi kami ng mini-stage eh. 'Di ko nga alam kung ano na itsura no'n kasi kakaumpisa pa lang namin magdecorate no'ng nagtext kapatid ni mama.

Isinuot ko ang dress na binili ni mama for me. Pink dress and black shoes. Then humarap ako sa salamin at naglagay ng light make-up. Ayaw ko na iba ang maglalagay, siguradong kakapalan nila ang make-up ko katulad noong Acquaintance party namin. Medyo makapal ang make-up ko no'n.

Malapit na akong matapos nang may kumatok. Dahan-dahan naman akong tumayo at walang sapin ang paa na naglakad patungong pintuan.

"Who's that?" mahinang tanong ko. Baka kasi bisita nina mama eh.

"Sweetie, it's me." napangiti kaagad ako nang marinig ko ang boses ni mama kaya binuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan.

"Woah! Ang ganda ng princess namin. Napakaganda!" bulalas ni mama at saka ako niyakap ng mahigpit.

"Mama naman. Binola ako. Syempre mana ako sa'yo." nakangiti kong sagot.

"Sa mama mo lang? Nakakatampo naman." biglang sulpot ni papa at may tonong pagtatampo kaya kumalas ako kay mama saka pinuntahan si papa at niyakap.

"Papa naman. Syempre sa iyo din. Sa inyo ako nagmana ni mama." masaya kong sabi kay papa kaya niyakap niya ako ng mahigpit saka binuhat.

"Hahaha! Pa!"

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now