Chapter 70:Facing Joy

3.6K 115 34
                                    

*KYLA/JAYCA POV*

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang galing niya magtago. Siya si Mr. Demon? God! Akala ko no'ng una, si Paul pero 'di pala.

Paano niya naitago sa'kin iyon? Paanong 'di ko nalaman? Kahit sina kuya, ang galing magtago. 'Di ako maapaniwala na siya 'yon.

Tinitigan ko siya ng seryoso. 'Di ko pinapakita sa kanila ang emosyon ko, naiinis ako. Pero 'di ako galit. Oo, naiinis. Pero 'di galit.

"Usap tayo."  Seryoso kong sabi at tumalikod. Iniwanan silang sobrang tahimik. Walang kahit anong ingay.

Naglakad ako patungo sa gym ni Kuya Jackson.

Wala si kuya rito kasi may pinuntahan kaya okay lang na kung anong gawin nila. Walang ma-e-stress. Walang susuway sa mga kalokohang gagawin nila.

Naramdaman kong nakasunod lang si Melvin sa'kin. Alam ko, kinakabahan na ito. Gusto ko ngang tumawa sa itsura niya, pero 'di pwede. Nakayuko lang ito nang harapin ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng gym. Puno ito ng gamit pangwork-out. Dito ako palagi noon, araw-araw akong nagwowork-out.

"Speak."  Tipid kong sabi sa kanya at napatunghay naman ito sa'kin.

Muntik na akong humagalpak sa tawa nang makita ko ang mukha niya na parang nalugi. Nakakaawa tingnan.

"Sorry love. 'D-di ko sinasadya. Ginawa ko lang naman 'yon para i-comfort ka. Okay lang kung sampalin mo ako, sapakin mo ako, o barilin mo ako. Okay lang love, basta mabawasan ang galit mo. Iyong nangyari no'ng Acquaintnace Party. Hindi ko alam 'yon, huli ko na nalaman pati 'yong sabwatan ni Joy at tito. I-i'm so sorry love. Please, I'm so sorry."  Nanlaki mga mata ko nang lumuhod siya sa harapan ko at gumagalaw ang kanyang balikat.

"Tumayo ka."  He's shaking his head. Siguro ayaw niya lang na makita kong umiiyak siya. Pinipigilan ko rin ang luha ko na huwag tumulo.

Naaawa ako sa kanya, kasi naiipit siya sa sitwasyon.

"Sabing tumayo ka."   Iling pa rin siya nang iling kaya nilapitan ko siya at binatukan.

"Kapag sinabi kong tumayo ka, tumayo ka!"  inis kong sabi sa kanya at hinila siya patayo. Buti nalang nagpahila siya kung hindi babatukan ko talaga ulit.

"I'm so sorry love. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Sabihin mo lang, gagawin ko."  Sumisinghot na niyang sabi kaya sinuntok ko nang mahina sa kanyang tiyan.

"Gago ka talaga! Hindi makitid ang utak ko. Bakit ako magagalit? Sige nga, bigyan mo ako ng reasons kung bakit dapat akong magalit sa'yo?"  Inis kong sabi sa kanya at nanggigigil talaga ako. Sarap niya bugbugin.

"Hindi ka galit?"   mahinang tanong niya at tumitig sa'kin na parang luging-lugi.

"Naiinis ako, hindi galit."  Nakaismid kong sagot.

"Pareho lang naman iyon." ---- Melvin.

"Magkaiba 'yon."  Giit ko sa kanya.

"Sige nga, anong pinagkaiba no'n?"  ---- Melvin.

"Spelling."  Tipid kong sagot then I saw him smiling.

Then he peck on my lips.

"I love you."   Sabi niya sa'kin nanlaki  ang mga mata ko then he hug me. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko at inamoy ang leeg ko. "Bati na tayo ha? 'Di ka na galit ha?" 

Napakalambing ng boses niya kaya napangiti ako at niyakap din siya.

"Sabing 'di ako galit eh! Kulit naman eh!"   naiinis kong sagot kaya natawa siya.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon