Chapter 68:Kent

3.6K 123 61
                                    

*KYLA/JAYCA POV*

"Tita K, mamaya na 'yon uuwi si mama?" Napalingon ako sa batang hawak ko. Magkasabay kaming tatlo na naglalakad dito sa pasilyo, palabas ng bilangguan.

"No, Kent. Maybe tomorrow or the other day." Nakangiti kong sagot at pinisil pa ang kamay niya.

Nakita ko pa na lumungkot ang itsura niya kaya napangiti ako. Napakagwapo ng batang 'to. Buti hindi nagmana kay ate. Hehehe. Joke! Maganda din naman si ate.

"Why po? I thought, mamaya."

"Kasi po, marami pang aasikasuhin bago makalabas mama mo. Kaya just wait, okay? Ilang araw lang naman eh." Nakangiti kong sagot. Ayaw kong ipakita sa bata na nakasimangot ako. Mamaya, tatanungin na naman ako kung nag-away ba kami ni Melvin.

"Okay tita. I'll wait her nalang." Nakangiti na niyang sagot kaya ginulo ko buhok niya.

Nilingon naman nito si Melvin na nakatingin lang sa unahan at seryoso ang mukha nito.

Ayaw pa nga sana niyang papuntahin ako dito eh, kasi pinagtangkaan daw talaga ako ni ate. Pero 'di ako nakinig sa kanya, nagtalo pa kami kanina. Ayun! Napapayag ko siya, 'yon nga lang sumama. Baka daw pagtangkaan na naman ako ng ate ko ng masama.

Hindi ko naman siya masisisi, kasi 'yong ginawa ni ate, mahirap talagang kalimutan. Pero iniisip ko nalang na ang Diyos nga nagpapatawad. Ako pa kaya?Kaya kong magpatawad pero mahirap akong makalimot. Okay lang sa'kin na gawan mo ako ng masama. Huwag lang ulitin, talagang 'di na kita bibigyan ng second chance.

"Tito, thanks po ha?"

"For what?" Nakakunot-noong tanong nito sa bata at sinulyapan pa.

"For letting Tita K to go with me."

"No probs." Maiksing sagot nito.

Ang sungit.

Minsan kasi sinusungitan niya si Kent. Kasi daw anak ni Ate Wendy. Tiyak may tinatago din daw itong kasamaan. Kaya nainis ako sa kanya. Hindi ko siya kinausap kasi naman, pati bata pag-isipan ng gano'n? Sino naman matutuwa, hindi ba? Bata kaya 'yan. Abnormal lang talaga mag-isip si Melvin.

Pero nagkaayos naman kami kaagad, sinusuyo niya ako eh at sorry nang sorry.
Pero 'di ko rin naman siya masisisi, malaki galit niya kay ate dahil sa ginawa nito sa'kin at kay Kuya Jake.

Aaminin ko, masama pa rin loob ko sa kanya at may konting galit. Pero iwinaksi ko 'yon, ayaw ko 'yon isipin. Ang iniisip ko lang ay pwede pang magbago si ate. Lalo pa't may anak siya. Siguradong magbabago siya para sa anak niya.

Wala akong alam tungkol kay Kent kasi hindi naman ako naghinala na nabuntis si ate. Pero si Melvin, siya ang nakakaalam at siya ang nagdala kay Kent sa'kin.

He's Clifford Kent Serrano.  4 years old. 16  years old si ate noong nabuntis siya. Naalala ko noong 16 years old siya, bigla siyang nawala. Ang sabi ni nanay noon, pinalipat niya lang si ate do'n sa kapatid ni tatay para daw hindi na kami mag-away. Pero 'yon pala, nabuntis si ate.

"Where do you want to go, Kent?"  Tanong ko sa kanya nang nasa labas na kami ng presinto.

"Jobee?"   Sagot niya ng patanong at tumingin sa'kin then kay Vin-vin.

"Okay. Halika na."  Masaya kong aya sa kanya at sinuot ko na ang helmet na inabot sa'kin ni Melvin. Napapalakpak naman ang bata sa saya.

"Yehey! Jobee! Jobee! Makakain na naman ako ng pyen fyays! Yehey!"   Patalon-talon pa ito. Natatawa kong ginulo ang buhok niya at binuhat para isampa sa motor pero inagaw ni boyfie.

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon