The Truth

2.9K 115 44
                                    

Hello!

Kumusta kayo? Sana okay lang kayo. Lalo na sa mga malapit sa gulo. Sa mga katulad ko na taga-Mindanao din. Ingat po kayong lahat. Dasal po tayo palagi.

Dahil sa may nabasa ako na may katulad daw ang story ko. Magsasalita na po ako. Ayaw ko sana eh, kaso nakakainis din minsan. Nakakawala ng gana. Dagdag sa stressed ko. Baka mafrustrate ako lalo, madamay pa itong story ko at madedelete ko.

Kaya ito, sasabihin ko na ang totoo at kung bakit nagawa ko itong story na ito.

Sa nagsasabi na may kapareho ang story ko. Okay, kung 'yan ang alam mo. Hahayaan kita. Pero napakalayo naman dun sa story na sinasabi niyo.

Kasi binasa ko ang chapter 1 doon. IBANG-IBA ho.

Una,

Transferee yung girl.

Ang layo eh! Kasi sa story ko, 'di naman TRANSFEREE si KYLA MAE SERRANO O PRINCESS JAYCA SANDOVAL.

Pangalawa,

Lima ang lalaki doon na unang nakilala niya. No, mali. Nakita niya.

Si Kyla Mae, dati na niyang kilala yung mga lalaki. Why? Kasi nakalagay doon na kaibigan ng pinsan ni Kyla Mae yung sina Jake, Philip, Ryan and Melvin.

Doon sa sinasabi niyo na kapareha, hindi pa kilala nung babae yung limang lalaki, right?

Pangatlo,

HINDI NAG-IISANG BABAE si Kyla Mae sa story ko. Doon sa sinasabi niyo, nag-iisang babae siya sa SECTION NILA.

Pang-apat,

Iyang babae diyan (Kyla Mae) ay ako. Oo, AKO yung babae diyan. Nickname ko ang Mae at third year din ako nung NAKACLOSE ko yung APAT na LALAKI. YES! Totoo ang ibang scenes dito sa story ko. TOTOO!

Uulitin ko, TOTOO ang IBANG SCENES.

Panglima,

Ang names nina Philip at Melvin ay totoong names iyan. Kina Jake at Ryan ay hindi totoo. Si Jake ay si John in real life. Pinalitan ko ng Jake kasi yung pinsan ko na si Kuya Johnrey ay John din ang nickname kaya pinalitan ko para hindi magkapareho. Si Ryan ay Noel in real life.

Pang-anim,

Totoong naging stalker ko 'yang si Melvin. Pero hindi naging kami in real life. HINDI naging kami.
Kasi 'di pa siya umamin na siya yung nagtetext sa'kin, nalaman ko na dahil ang ginamit niyang pangtext ay phone ng kuya niya kaya nahuli ko siya. Nagreply kasi kuya niya. Pero oo, crush niya ako. Hanggang doon lang.

Pangpito,

Totoong gangsters sila. Pero hindi nila ginawa iyong grabehang bugbugan. Pasaway sila, oo. Pero hindi sila yung nag-uumpisa ng gulo.

Pangwalo,

Totoong kaibigan ko sila. Pero ngayon, no communications dahil naghiwa-hiwalay na ng landas. They are like brothers to me.

Pang-siyam,

Totoo sina Lovilla, Vrex, Ar-jan and his friends. And also Jeralyn, Mary Jane at Jeline(Di real name). Totoo sila. Names nila at ugali ang ginamit ko dito.

Ngayon, paano niyo masasabing may kapareho ang story ko?

Ako nga, may nagcopy ng story ko pero 'di ako nagcocomment o ano sa story na 'yon. Hinayaan ko lang dahil ayaw ko ng gulo. Pero ako, ginugulo kahit 'di naman talaga kapareho nung story na yun ang story ko.

Sa totoo lang, nasasaktan ako. Pero sana naman, wag ikumpara ang story ko dun. Di naman kita reader eh. Naligaw ka lang. Oo, NALIGAW ka lang.

Karamihan sa inyo, naliligaw sa isang story para manira. Para may dahilan ang isang author na mawalan ng ganang mag-update or else idedelete ang story.

Bakit di nalang kayo gumawa ng story na inyo? Hindi yung nanggugulo kayo.

Sorry babies, pero hindi ako ng tipo ng taong nanahimik kapag dinadamay ang pinaghirapan ko. Hindi ako yung taong papayag lang ganunin.

Maldita ako, oo. Pero mabait din naman ako. Ayon sa pakikitungo niyo.

HUWAG KAYONG MAGCOMMENT SA ISANG STORY NA MAY KATULAD KUNG DI NIYO NAMAN BINASA NG BUO. DAHIL NAKAKABWESET YUNG GANYAN!

- ATE MAE

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Where stories live. Discover now